Chapter Six

4.5K 224 43
                                    

Silver


Titig na titig sa noo ko si Abo, Kulay, at Dilaw. Tila sinisiyasat kung saan galing ang sugat na nasa noo ko.

"Ate, bakit ka may sugat sa noo?" Magkakaharap kami dito sa kusina para sa almusal. Nagluto kasi si Abo gamit sa naging kita niya sa pagtitinda noong Sabado at kahapon.

Lunes na kasi ngayon at hindi nila napansin ang sugat ko noong nakauwi ako kahapon galing sa trabaho.

Tinanggal ko na rin kasi ang nakalagay na band-aid at tinatakpan ko na lang ng buhok.

Kaso ngayon nakalimutan ko naman itago. Magtatanong lang kasi sila kung saan ko nakuha.

"Nauntog kasi ako dahil do'n sa babaeng 'yon."

"Babae?"

"Oo, 'yong dahilan kung bakit nabasag ang mga balut ko!" Tapos hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa balut na 'yon. Ang tagal ng usad ng araw.

"Nagkita kayo ulit, ate?"

"Ah, basta. Hayaan niyo na. Hindi naman na masakit e."

"Kailan pa ang sugat na 'yan 'te?"

"Madaling araw kahapon. Kasi nga Ala una ng madaling araw ang labas ko sa trabaho. Tapos ayon. Hayaan niyo na nga. Kumain na kayo."

Hindi naman na sila kumibo at nag abala na lang na kumain.

Sangag, tuyo, at itlog ang meron sa mesa. Konti lang ang kinain ko. Hinayaan ko na lang silang ubusin iyon para naman mabusog sila.

"Ako maghuhugas ng pinggan ngayon." Presenta ko na lamang.

May pasok na naman sila ngayon kasi nga lunes.

"Ako ang maghuhugas ate, maaga pa naman e."

"O siya. Mag aayos muna ako ng mga nilabhan kong damit kahapon. Magtutupi na lang ako."

Iniwan ko sila doon at ako naman inayos ang lahat ng inayos.

Nasa kwarto ako. Pinagsama ko lahat ng tutupihin doon at inisa isa.

Nag iisip ako ng gagawin ngayong araw. Ang hawak lang na pera ko ngayon ay ang kinita ko sa paglalaba kay Aling Perta noong Sabado. Hindi ko pa nakukuha ang sahod bilang Janitress kasi kinsenas naman kami doon. Kahit dalawang beses lang ako mag trabaho sa isang linggo ay gano'n pa din ang sahuran.

Sa sunod na linggo ko pa makukuha.

Wala akong hawak na pera para pampuhunan sa balut dahil nawala lahat. Hindi bumalik ang nagamit kong pinambili. Di man lang kasi naisip ng babaeng 'yon na problema ko ang nasayang na balut kaya ko siya sinisingil.

Hindi ako pwedeng umutang kasi marami kaming utang sa tindahan na hindi ko alam kung paano babayaran

Nakalahati ko na ata ang mga tinutupi nang pumasok si Abo at Kulay dito sa kwarto.

"Where can you find the navicular bone in the body? Ano ba 'tong mga tanong na 'to ate? Sure ka ba na kasama sa mga quiz mo 'to?" Nagtatakang tanong ni Kulay.

Ano ba 'yong pinag uusapan nila?

"Sagot ay foot, tama ba?" Tumango si Kulay sa kaniya bago inabot kay Abo ang hawak na notebook. "Hindi ko rin alam. Pero nasa reviewer ko e. Baka naligaw lang. Basta may quiz ako mamaya."

"Papasok na ba kayo?" Sabat ko sa dalawa. Inabot ko ang dalawang damit sa tabi para tupiin.

"Oo ate." Nagsusuot na lang si Abo ng uniporme niya. Sando ang nasa loob. Ang init-init ba naman.

"Kung ang ibang babae ay nag uuniporme kahit bra lang ang nasa loob kasi mainit. Pero ikaw e, hindi ka ba naiinitan, Abo?" Ako naman ang nagrereklamo sa ngayon. Para naman kasing ako ang naiinitan sa ginagawa niya.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now