Chapter Fifteen

5K 286 125
                                    

Silver


"Nicola."

"Hoy, Nicola Marcos."

"Pansinin mo kasi ako."

"Sagutin mo na kasi mga tanong ko."

"Nicola naman e."

"Galit ka ba?"

Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na sinasabi ko mapansin lang ako ni Nicola na tahimik naghihintay sa kliyente niya. Narito na kami sa isang mamahaling restaurant.

Pagkatapos kasi niyang makipag usap kila Jade kasama si Atlanta ay tahimik na itong lumabas ng walang paalam sa mga kasama namin.

Hinabol ko pa tuloy siya hanggang sa marating ang sasakyan niya. Hilig ata niyang magpahabol e.

"Nicola naman e!" Naiinip na ako. Wala pa kasi ang kliyente niya kaya nagtatanong ako tungkol sa sinabi niyang paglilipat ng mga kapatid ko sa eskwelahan na tinutukoy niya.

Dahil pag hindi ko pa ginamit ang oras na 'to ay wala na naman akong pagkakataon na magtanong sa kaniya.

"What do you want, Silver? Why don't you just shut up and eat first?" May nakaharap na pagkain sa aming dalawa pero hindi ko magawang galawin. Pero siya ay prenteng kumakain at ngumunguya ng karne. At hindi lang yon, dahil may laptop pa sa harapan niya.

Halata ding wala siyang balak na pansinin ako.

Hirap kunin ng atensyon ng isang ito.

"Pansinin mo kasi ako Nicola. Di mo ako pinapansin kaya gusto ko pansinin mo muna ako." Halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ko.

Sunod-sunod naman na ubo ang naging sagot niya. Inabot ko ang isang basong may lamang tubig at inabot sa kaniya. Hindi na rin ako nag dalawang isip na tapikin ang likod nito bago sinabi ang mga katagang nasa isipan ko.

"Ang takaw kasi." Natatawa kong komento.

Ala reyna naman itong nagpunas ng labi gamit ang tissue. Tinaasan ako ng kilay at tumitig ng mariin.

'Di man lang nag thank you.

At ito na naman tayo sa tingin niyang nakakalunod.

"Silver, are you aware of what you're saying sometimes?" Malamig itong sumandal sa kinauupuan niya.

Syempre alam ko naman ang sinasabi at pinagsasabi ko minsan.

"Oo?" Biglang hindi ako naging siguro sa naging sagot ko. Sa pagkakatanong ba naman niya kasi ay parang mali ang mga nasasabi ko minsan. Na parang minsan ay hindi napag isipan ang mga lumalabas sa bibig ko.

Ang tanong, alin kaya sa mga 'yon ang mali?

"Gusto ko lang naman tanungin 'yong tungkol sa sinabi mo—"

"Good morning, Miss Marcos." Isang makisig na lalaki ang lumapit sa amin na siyang nagpatigil ng sinasabi ko. Hindi pa ako nakakapagtanong kay Nicola ay wala na naman.

Matangkad ito at may suot na salamin na ikinabagay niya.

Gwapo rin naman pala siya e. Akala ko ang kliyente niya ay matanda na. Malay ko bang makisig pala.

"Silver, mind your food, not my client." Masungit na wika ni Nicola. Napatingin tuloy ako sa kaniya at nagtataka. Parang tinitignan ko lang naman ata ang kliyente niya a. "Mr. Bautista, you're late."

Ang sungit talaga ng isang ito. Hindi man lang siya tumayo para abutin ang kamay nitong si Mr. Bautista. Napapahiya tuloy nitong binaba ang kamay at ngumiti na lang. Kunwari itong napapakamot sa likod ng ulo para mawala ang hiya niya.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now