Chapter Twelve

4.9K 278 135
                                    

Silver


Ako ang napapangiwi sa naririnig ko mula sa opisina ni Nicola hanggang dito sa opisina ni Miss Alaica.

Sumisigaw kasi siya at may mga sinasabon na empleyado. May lalabas na umiiyak at putlang putla. Meron pa ngang namumula ang pisngi. Meron ding nagmamadali habang kipkip ang mga papel na hawak at umaatungal.

Kung ano mang ginagawa ni Nicola sa loob ay ako na ang naaawa para sa mga empleyadong ito.

Baka wala sa mood ang amo. Masyadong tigre.

"Miss Alaica, bakit sila umiiyak?"

"Kasi pinaiyak." Natampal ko ang sariling noo dito. Lahat siguro ng mga nag tatrabaho dito ay pare-parehas na ng ugali.

Nakakatuliro sila.

Namamana na ata nila ang ugali ni Nicola.

Napangiwi na lang ako ng dumaan ang lalaking kagagaling sa opisina na naman ni Nicola. Nagmamadali na halos magkandadapa pa.

"May tao pa sa loob?" Naitaas ko ang kilay. Isang babaeng kinulang ng tela ang damit ang lumapit sa aming dalawa ni Miss Alaica.

Mahal ba ang tela? Sobrang kulang ng tela ng damit niya at halos lumabas na ang kaluluwa. P'wede ba ang ganitong suot dito?

"Kalalabas lang."

Imbes na umalis na ito ay tumayo pa siya sa harapan namin na akala mo beauty queen pero iyong mga tingin ay nangingilala. Kung makatingin kasi ito sa akin ay akala mo bago lang ako sa paningin niya.

Parehas lang naman kami. Bago lang din siya sa paningin ko.

"Sino siya?"

Para namang napakaunprofessional nitong babaeng kinulang ng tela ang damit. Kung makatanong ba naman kasi ay akala mo siya ang may ari ng kompanyang ito.

At ano naman sa kaniya kung sino ako?

"Bantay ni Miss Marcos." Napaismid ako kay Miss Alaica. Para ngang wala pa siyang pakialam na nagtitipa sa laptop niya.

Bantay talaga ang pakilala sa akin.

"Ang pangit ng pagpapakilala mo Miss Alaica. Parang tunog bodyguard." Syempre ay magrereklamo ako. Ang pangit ng ginamit niyang salita para ipakilala kung sino ako.

"Oh, so a bodyguard ha? A little girl?"

"Sinong little girl ang sinasabi mo, Miss?" Maagap na naging tanong ko. "At hindi ako bodyguard ha.  Escort kasi 'yon! Tsaka bakit naman ganiyan ang tono mo?"

"Escort? Kailan pa nagkaescort si Miss Nicola?"

"Ang daming tanong."

"Apple, I know that you like Miss Marcos but you don't have to know everything." Like? Anong klaseng like ba ang sinasabi ni Miss Alaica?

"Soon! Magiging asawa ko rin si Miss Alaica, duh!"

"A...sawa?" Hindi ako sigurado sa naging tanong ko. Nabingi ba ako? "Babae si Nicola e. Paano mo magiging asawa?"

"How stupid." Hala?! Nagtatanong lang naman ako e.

"Makastupid ka naman. Ikaw diyan ang stupid dahil naghihintay si Nicola sa loob pero narito ka pa rin." Pinaikot ko ang mata sa kaniya.

Naiinis ako dahil ang dami niyang sinasabi. Ano naman kasi kung sino ako? Trabaho ba niyang malaman kung sino ako?

"Ow. Oo nga pala. Ciao, stupid!" Nanggagalaiti akong napaismid sa kaniya. Ang OA din ng lakad nitong pumasok sa loob ng opisina ni Nicola.

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Where stories live. Discover now