"Malakas ang kutob ko na hindi ako sasaktan ng killer." Ito ang sinabi niya sa kanyang kapatid kani-kanina lang.

Malakas ang kutob ko na hindi ako sasaktan ng killer. Masyado nang masakit ang ginawa niya sa akin... kung siya man talaga ang-- Hindi na matuloy ng isipan ni Zac ang gustong nitong sabihin. Hindi niya matanggap ang posibilidad na ang matagal na niyang hinahanap... ang matagal nang nagtatago... ang killer na umaaligid sa San Sebastian... ay walang iba kun'di ang babaeng nakakasama niya sa pag-iimbestiga sa mismong kaso. Ang babaeng ito kasi ang tinuturo ng mga nakuha niyang ibedensya. Mula sa video na nakuha niya kay Nina hanggang sa mga sinabi ni Lisa sa kanya. Bakit nga ba ito maglilihim sa kanya? Bakit nito itatago ang sarili gayong hindi naman dapat. Dahil posible ngang... siya ang killer. Si Ruby ang killer.

Napaisip tuloy siya sa mga sandaling kasama niya si Ruby. Nasaulo na niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Pamilyar na sa kaniya sa bawat kilos nito. Nagustuhan niya na ang amoy ng pabango nito. At ngayon ay paulit-ulit na lumalabas sa kanyang isipan ang mga imahe ng mukha ni Ruby... may malungkot... masaya... galit... hiya... selos... at ang mga ngiting ipinapakita nito sa kanya palagi, ay mas lalong hindi niya matanggap. Ang lahat ba ng iyon ay pagpapanggap lang? Masakit ito para sa kanya. Napayuko na lamang siya at napakapit sa noo.

Hindi niya na napigilang tumulo ang kanyang mga luha.

-----

"I just can't believe na nangyari ito kay Kate. Kahapon lang magkasama kaming umuwi and now--"

Hindi na natapos ni Cynthia ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang siyang napaluha. Hinimas na lamang ni Xia ang balikat niya para i-comfort ito. Pero maging siya ay hindi na rin napigilan ang umiyak. Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin at pinunasan ang namuong luha sa kanyang mga mata. Nandoon sila sa information counter ng San Sebastian Hospital at sila ang naatasang magbantay doon. Dumating naman sina CJ at Raymund sa counter na 'yon at nakita ang dalawang babae na umiiyak. Nilapitan agad ni Raymund ang girlfriend niyang si Xia. "Hey..."

"Raymund..." Napayakap agad si Xia sa kanyang kasintahan.

"Bakit kailangan pati si Kate patayin ng killer na 'yan?!!! To think na sa loob pa ng kanilang bahay? Ano bang nagawa ni Kate to deserve this?!" sigaw ni Cynthia.

"Wala siyang ginawa, Cyn. Sadyang gago lang talaga 'yong killer," kumento naman ni CJ habang ngumunguya siya ng kanyang bubble gum.

"A total psychopath! Pinapatay na lang kahit sino," ang sabi naman ni Xia.

"Kaya nga dapat mag-iingat na tayo. Hangga't nakakalaya pa 'yang killer na 'yan, hindi tayo ligtas. We never know kung sino ang isusunod niya." Humarap si Raymund kay Xia. "Ihahatid kita mamaya sa bahay niyo."

"Tapos uuwi kang mag-isa? No way! Doon ka na lang sa bahay matutulog ngayong gabi."

"Uuuyyy! Ano 'yang gagawin niyo?" Nagawa pang magbiro ni Cynthia kahit na takot na takot na sila.

"Baliw ka talaga!" sita naman ni Xia.

"Eh, ikaw Cynthia? Sasakay ka pa rin ba ng bus?" tanong ni CJ sabay tapon niya ng nginunguyang bubble gum sa basurahang malapit sa kinatatayuan niya. Bumukas naman ulit siya ng panibagong pakete na nakuha mula sa bulsa at sinubo ang bagong bubble gum.

"Magpapasundo ako kay daddy. Hindi na muna ako sasakay ng bus. Nakakatakot kaya 'yon. Baka nga sinusundan pala kami ng killer kahapon pagkatapos, ako na 'yong isusunod niya."

"Tama 'yan, Cyn. Magpasundo ka kay Tito Raul. Ikaw, CJ?" tanong ni Raymund.

"Mag-oovertime ako dito sa ospital. Kailangan ng pera eh."

KILLER.COMWhere stories live. Discover now