19 - Good Morning, Sunshine

29 2 0
                                    

Kinakabahan ako nung tinawag ako ng papa ni Cravin at pinapasabay niya akong lumabas ng ospital. Nung mapunta kami sa isang coffee shop sa tapat ay alam ko nang may pag uusapan kami. Napaisip na kaagad ako ng mga isasagot ko.

Sasabihin ko bang kami na ng anak niya? O i-deny ko na lang?

Kinakabahan ako pero ang main focus ko lamang ay ang paggising ni Cravin kaya as long as papayagan niya akong dumalaw at magbantay sa anak niya ay walang problema.

"Nasampahan na ng kaso 'yung lasing na driver ng truck." Straight to the point na pagkakasabi ng papa ni Cravin.

"Talaga? Mabuti naman po kung ganon." Napahinga ako nang malalim at seryosong napatingin sa kapeng inorder ko.

"Matanong ko lang, gaano kayo ka-close ng anak ko?" Napatingin ako sa mga mata niya at napalunok.

Pagkalihis ko ng tingin ay sumagot kaagad ako. "Hindi naman ganun ka-close, hindi naman kami mag best friend ng anak niyo."

"Ah, ganun ba?" Napatingin siya sa glass wall habang humihigop ng espresso niya. "Ano bang relasyon niyo ni Cravin?"

Nanlaki ang mga mata ko habang humihigop at nabulunan sa aking iniinom. Narinig ko ang hagikgik ng papa ni Cravin kaya naakaramdam tuloy ako ng malaking kahihiyan.

"May mali ba sa tanong ko?" Parang 'di ako makapaniwala sa nakikita ko. Kamukhang-kamukha niya ang anak niya 'pag nakangiti... ngiting nakakainis, parang kusang iniinis ang loob ko pero dahil papa siya ni Cravin, hindi ko magagawa 'tong mga iniisip kong kapikunan.

"Wala naman po." Ngumiti ako nang alanganin at biglang nakaisip ng maitatanong. "Ano nga pala pangalan niyo?" Hindi ko kasi maalala kung nasabi na ba ni Cravin sa 'kin ang pangalan niya. Napag usapan naman namin ang papa niya pero hindi ko pa alam ang pangalan talaga ng papa niya.

"Ah, hindi pa pala ako napapakilala ni Cravin sa 'yo?" Nawala bigla ang mga ngiti sa labi niya. "Crisven ang pangalan ko."

Tumatak na kaagad sa utak ko ang pangalan ng papa ni Cravin. Crisven Del Rosario.

Ilang araw na ang lumipas. Hindi pa rin ako sanay na walang Cravin na nangungulit sa 'kin sa school. Kapag naglalakad ako papasok ng New Era at napapatingin sa parking area, hindi ko maiwasang malungkot kapag nakikita kong bakante ang area na pinagpapark-an ni Cravin.

Nakakamiss ding sakyan ang motor niya.

Andaming kumausap sa 'king mga estudyante tungkol sa kalagayan ni Cravin. Nalulungkot din sila sa balita.

Nung mag uwian ay pumunta ako sa running track upang kausapin si coach na hindi muna ako magpa-practice for regionals dahil sobrang gulo pa ng utak ko. Mas importante sa 'kin ngayon ang paggising ni Cravin kaysa sa running. Babawi na lang ako next year.

"I understand, Mr. Perez, you also deserve a good long rest after all at saka marami pa naman tayong other players, we can still compete, don't mind the school, don't pressure yourself in running. Running is always here." Tinuro ni coach ang dibdib ko. "Always in your heart."

"Thank you coach."

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos nung paguusap namin ni coach. Sa totoo lang, na-pressure kasi talaga ako na baka 'di niya ako payagang hindi mag-compete since ako 'yung pinaka inaasahan niyang runner ng school.

Nung uwian ay umakyat na ulit ako ng building upang kunin ang bag ko sa room. Nung papasok na 'ko sa pintuan ay biglang kumalabog ang upuan at gulat na gulat na nakatingin sa direksiyon ko si Star at nakatalikod naman si Tyson. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa nasaksihan ko.

"Kaya pala hindi ako sinamahan kay coach, may inaatupag na pala ang dalaga." Natawa kaagad ako sa aking sinabi at pangiti-ngiti lang din si Tyson.

Nagtakip ng notebook sa mukha si Star at nagsalita. "Wala kang nakita!"

"Oo na, kukunin ko lang kasi dapat ang bag ko." Palapit ako sa kinauupuan niya at nung sumakto ako sa aking bag ay kinuha ko kaagad ito at tinapik sa balikat si Tyson. "Ayus-ayusin mo desisyon mo sa buhay pre, magpakabait ka diyan sa disney princess na 'yan."

"Good boy naman kasi 'to." Tinapik niya rin ako sa balikat kaya nagpaalam na ako pagkatapos.

"Starla, uwi na 'ko." Paglingon ko sa kaniya ay naka-pout siya at pinaniningkitan ako. "Tama na pagpapa-cute."

"Che!"

Masaya ako dahil lagi nang tumatawa at ngumingiti si Star dahil kay Tyson. Hindi ko aakalaing matagal na pala naging sila! Wala man lang akong alam. Nung una hindi ko pa matanggap na hindi niya nasabi sa 'kin pero nung sabihin ko rin sa kaniyang kami na ni Cravin. Parang siya pa 'yung galit dahil hindi agad nasabihan!

Pero ayon na nga, may boyfriend nga ako, na comatose naman.

Pinagpe-pray ko palagi na sana magising na siya.

2 weeks...

2 weeks na at hindi pa rin siya nagigising. Narito ako ngayon sa tabi niya nakatayo habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan.

"Gumising ka na diyan, hindi mo ba alam? Sobrang miss na miss ko na pang-aasar mo, pati 'yung mga corny mong jokes na hindi ko alam saan mo nakuha namimiss ko na." Napasandal ako sa pader habang nakatingin sa puting kisame, natutulala. "Kung gising ka lang ngayon hahalikan talaga kita magdamag."

"Talaga?"

"Oo, sino ba namang aayaw—"

Mga limang segundo bago nag-process sa utak ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya.

"Cravin!" Napatakbo ako palapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "G-gising ka na!" Biglang nanikip ang dibdib ko sa tuwa at walang pigil na bumuhos ang mga luha ko.

"Halikan mo na 'ko, sabi mo hahalikan mo 'ko 'pag gising na 'ko e." Pinisil niya ang kamay ko at walang pigil pa rin ang pagiyak ko.

"Binabawi ko na ang sinabi ko." Sumeryoso ako nang tingin habang nagpupunas ng mga luha.

"Scammer ka pala e, sige tulog na 'ko ulit." Nag-pout siya at akmang pipikit.

"'Wag, gago." Pinitik ko ang daliri niya at dali-daling tumayo papunta sa wall station at nagtawag ng nurse. "Nurse, gising na siya."

:>

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz