17 - Crash

33 1 0
                                    

Tawa lamang nang tawa si Cravin nang mapatingin siya sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano exactly ang tinatawanan niya sa mukha ko pero gusto ko na siyang sapakin dahil sa tawa niya. Nakakabwisit.

"Itigil mo na nga 'yang kakatawa mo, hindi naman comedy pinanood natin at bakit ba tinatawanan mo 'ko?" Naiirita kong pagkakasabi.

"Hehe, 'yung mukha mo kasi..." Hindi siya makapagsalita nang maayos dahil sa kakangisi. Nababaliw na yata? "You're too cute when you're mad." Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong mga pisnge at pinagkukurot.

"Aray! Ano ba?" Tinanggal ko ang mga kamay niya at napahawak sa sariling pisnge. Ansakit!

"Sorry..."

Inirapan ko lamang siya at naglakad na paalis sa cinema theater.

"Baby, hintayin mo 'ko."

"Baby amputa." Bulong ko sa aking sarili habang kinakagat ang labi dahil sa tuwa. Ewan ko ba, nakakabaliw siyang kasama.

—————

"Maaga pa naman, saan mo gustong pumunta?" Sambit niya nang makasakay siya sa kaniyang motor at hawak-hawak ang kaniyang itim na helmet.

Nakatayo ako sa kaniyang harapan. "Sa bahay, pagod na 'ko."

Sumimangot siya bigla na parang tutang nagpapa-cute.

"Chill rides muna tayo bago ka umuwi, may sasabihin pa kasi ako sa 'yo." Biglang umaliwalas ang mukha niya na parang cino-convince akong um-oo.

"Ngayon mo na lang sabihin."

"Nope, mamaya na." Wala akong choice kung hindi ang sumang-ayon sa gusto niya. At saka, so totoo lang, gusto ko rin naman haha!

Medyo nakakagulat lang kasi kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Ganito siguro 'pag kinikilig nang sobra? Ewan ko.

Nang makaangkas na ako ay pinasuot niya sa 'kin ang kaninang hawak-hawak niyang helmet.

"Bagay na bagay." Kaniyang sambit. "Hawak ka rito sa bewang ko para hindi ka mahulog." Hinawakan niya ang mga kamay ko at nilagay iyon paikot sa bewang niya. "Ayan, okay ba?" Hindi ako makasagot dahil mas malakas pa 'yung kabog ng puso ko kesa sa pandinig ko sa mga oras na ito. "Hawak nang mabuti."

Nagsimula nang umandar ang motor at 'di ko alam kung ganito ba talaga siya mag-drive o sinasadya niya talagang bilisan, kasi ambilis talaga. Napapahawak tuloy ako sa bewang niya kahit ayoko naman 'tong gawin!

"Pwede bang bagalan mo lang?"

"Ha?" Sagot niya. Hindi niya siguro ako naririnig dahil sa lakas ng hangin.

"Ambilis, bagalan mo nga." Nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya.

"Ano, baby?"

"PWEDE BANG BAGALAN MO LANG SA PAG-DRIVE?"

Medyo gumewang nang bahagya 'yung motor pero narinig naman niya ang nasabi ko kaya bumagal na nga ang takbo namin.

Anlamig sa balat nung hangin tsaka ang presko rin sa pakiramdam. Breath of fresh air, nakakatanggal ng stress. Nakapikit ako habang nakayakap sa kaniya habang siya'y nagda-drive. Nililipad ang buhok niya ng malakas na hangin at sumasagi ito sa helmet na suot ko kaya pumagilid ako nang kaunti.

"May sasabihin nga pala ako." Ilang minuto rin kaming tahimik kaya nagulat ako nang bahagya nung magsalita na siya.

"Hmmm?"

"Well, siguro ako pinaka unang makakagawa nito pero mas gusto ko nga 'yun. Para mas memorable at parang casual lang. Baka nga mas romantic pa 'yung dating sa 'yo. Since pauwi naman na tayo, dito ko na mismo hihingin 'yung sagot mo."

"Ano ba 'yung itatanong mo?" Actually, may idea na talaga ako about dun sa tanong niya pero hindi ko aakalaing dito mismo sa gitna ng daan niya itatanong habang nag da-drive.

Kakaiba nga talaga.

"Pwede ba kita maging partner? Boy friend? Or... should I ask, can I be your man?" Napapikit ako nang ilang segundo matapos niyang maitanong 'yon.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at tumango na lamang ako bilang sagot. Nagkatingin muna kami sa side mirror hanggang sa bumilis na naman ang takbo ng motor.

"YES! FUCK! I love this feeling... WOOH!" Tuwang-tuwa niyang pagkakasabi habang ako ay nakatingin sa kaniyang mukha sa side mirror.

Nang lumagpas kami sa isang poste ay nasilayan ko ang mata niyang may namumuong mga luha. Mukhang paiyak na ata siya sa tuwa.

***

Cravin's POV:

I really can't explain the feeling I have right now. Sobrang tuwa na parang maiiyak na lamang ako dahil ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klase ng tuwa. I'm just too happy that finally, the person that I love the most is finally mine.

"Oh God, I'm so happy." My vision got blurry dahil sa mga luha kaya binagalan ko 'yung pagpapatakbo at pinunasan gamit ang isang kamay ang mga mata ko.

Ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking mukha dahil wala akong suot na helmet.

"Napaka iyakin mo." Sambit niya nang tanggalin niya ang pagkakayakap sa 'kin at nilagay ang mga kamay sa balikat ko.

"Mamaya ikaw naman papaiyakin ko." Biro ko at tumawa bigla.

Binilisan ko na ulit ang pagpapatakbo ng motor matapos kong mapunasan ang mga mata ko.

*BEEEEEEP* *BEEEEEP*

Parang mabibingi ako sa sobrang lakas ng busina ng container van na mabilis ang takbo sa harap. Papunta ito sa direksyon namin at parang wala itong pakialam sa mga kotseng nadadaanan nito. Kinabahan na ako nang may kotseng lumiko at saktong sumalpok ang container van dito. 'Yung kotse ay mabilis na tumilapon sa 'min at dahil mabilis din ang pag-drive ko ay tumilapon ang sinasakyan namin hanggang sa maramdaman ko na lang ang tigas at lamig ng semento sa likod ko at parang may kung anong dumadaloy sa likod ng aking ulo.

"Cravin... Hoy Cravin! Cravin! 'Wag kang pumikit! Tulong!" Rinig na rinig ko pa ang boses ng mahal ko na papalapit sa 'kin. Napatingin ako sa mukha niya at umiiyak ito.

"Ssshh... Stop crying."

Hindi ko lubos maisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Naninikip ang dibdib ko, nanlalamig ang katawan ko at parang bilang na lamang ang hiningang meron ako.

"Cravin, isusugod kita sa ospital, 'wag ka munang bumitaw." Nanginginig ang boses niya habang hawak ng isang kamay niya ang kamay ko at may pinipindot ang kabila sa kaniyang telepono. "Cravin, please 'wag kang pipikit."

Hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha dahil sa kaniya. Hindi ko siya kayang makitang ganito pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

"Hello, papa... Kailangan namin ng tulong—"

Kahit gaano pa kagandang pakinggan ng boses niya ay hindi ko na kaya. Napapikit na ako nang dahan-dahan hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

"Mahal kita."

:>

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Where stories live. Discover now