9 - Denial

46 4 1
                                    


"Star, pwede ba tayong mag-usap?" Sa lahat ng tao na kakilala ko, si Star lang talaga ang pinaka mapagtataguan ko ng sikreto kaya handa na akong magsabi sa kaniya tungkol sa 'kin.


"Tungkol sa'n 'yung pag-uusapan natin, Red?" Kakatapos lang ng last subject namin sa umaga kaya pababa na kami ng hagdan upang mag-lunch. Nang marating namin ang cafeteria ay hindi muna namin ginalaw ang mga lunch box namin upang makapag-usap.


"May gusto rin kasi akong makumpirma at alam kong ikaw lang din ang makakatulong nun sa 'kin." Sumilay ang ngiti sa mga labi ni star na mas nakapagpa-liwanag ng mukha niya.


"So... ano nga?" Naniningkit na ang mga mata niya habang ngumingiti.


"May kaibigan kasi akong nagkagusto sa lalaki, nagkagusto rin siya sa babae kaya naguguluhan siya kung ano ba talaga siya." Napalunok ako nang matapos kong sabihin 'yon sa kaniya.


"'Wag mo nang takpan ang sarili mo Red, napaghahalataan ko nang bisexual ka kasi nga gusto mo si Janna at nakikita ko rin ang pag kislap ng mata mo kay Cravin." Mas lumaki ang ngiti niya na parang nang-aasar sa 'kin.


Napakunot kaagad ang kilay ko sa sinabi niya. "Teka ba't nasali 'yung Cravin na 'yun sa usapan natin?" Maang-maangan ko.


"Kasi halatang gusto mo siya." Winasiwas niya ang kaniyang mga kamay sa harap ko na parang sinasabi niyang may sparkling effect dun sa sinabi niya.


"Ano? Pano mo nasabi?" Bakit parang naaasar ako?


"Gusto mo siya, gusto mo si Cravin."


"Ha? Hindi..." Paano niya nalaman na gusto ko nga si Cravin? Ganun na ba talaga ako kahalata? "Ano bang pinagsasasabi mo, Star?"


"Hi," muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Cravin sa likod. "Sorry, nagulat ba kita?" Pumunta siya sa gilid ko, nakatayo habang may dalang orange juice. "Oh, sa 'yo na." Nilapag niya 'yung juice na naka-plastic bottle sa harapan ko.


"Ay hala, sanaol naman, ganiyan na pala ngayon magturingan ang mag tropa." In-emphasize pa niya 'yung huling word na sinabi niya. Konti na lang talaga at mababatukan ko na itong si Star.


"Meron rin namang para sa 'yo." Biglang tumabi sa kinauupuan niya si Tyson. Mukhang may hindi rin palang sinasabi sa 'kin si Star, mamaya ka sa 'kin.


"Oh, thanks... Ty!" Sabi ng bituin.


"So ngayon, ako na lang palang walang kapartner dito." Biglang lumabas sa sulok si Jerry at nakahalukipkip habang nagpa-pout. Parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya agad akong nag-react.


"Anong partner-partner sinasabi mo pare? Itong si Cravin ipapartner mo sa 'kin? Seryoso ka ba?" Seryoso ba ako? Bakit ambilis ng tibok ng puso ko na parang naiilang. Nahihiya akong lumingon kay Cravin dahil natutunaw ako ng tingin niya at naiilang na rin ako sa mga tingin nila sa 'kin. "Bakit kayo nakatingin sa 'kin?"

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Where stories live. Discover now