4 - Cinema

53 3 0
                                    


"Tapos na kayo mag-basketball?" Biglang tanong ni Star nang makarating kami sa kanila, naglalaro sila sa claw machine.


"Oo," sagot ni Janna.


"Umalis na kaagad kami, andaming papansin dun e." Sabat ko naman. Agad naki-usisa si Star sa nangyari pero 'di ko sinabi sa kaniyang nandito sa Playzone ang mga ungas, baka matakot siya e. "Teka nga, ako naman diyan." Hinila ko paalis sa controller si Princess at matalim ang tingin nito sa 'kin. Kanina pa kasi siya dun tas 'di niya pa rin nakukuha 'yung burger na plush toy.


Nagpalagay ako ng token kay Princess at pagkatapos ay nakahawak na 'ko sa controller at tinarget kong kuhanin 'yung plush toy burger na sobrang cute ng mukha. Nanggigigil pa 'ko habang pinipindot 'yung button pero wala pa rin, naka ilang tries ako pero 'di rin pala makukuha. Scam talaga 'tong claw machine na 'to.


Bata pa lang ako wala na talaga 'tong magandang naidulot sa buhay ko, hayst.


"Akala ko pa naman makukuha mo, nakaka-tanggal ng angas noh?" Tinapik ako ni Star sa balikat at inis akong umalis sa harap ng claw machine.


Nang mapalingon ako sa may bowling area ay nakita ko kaagad ang mga ungas na naglalaro. Napalingon sa gawi ko ang leader nilang si Cravin kaya agad akong umiwas at inaya na ang tropa na umalis na sa Playzone. Nauumay na 'ko sa pagmumukha nilang tatlo, mga ungas talaga.


Nang marating namin ang movie theater ay pinili naming panoorin 'yung horror dahil 'yun lang din naman ang nakita naming interesting movie. Nang makapasok na kami ay pumwesto kami sa may gitnang parte, katabi ko si Janna habang si Star at Princess naman ay nasa harap namin gusto raw kas nilang maramdaman 'yung thrill ng movie. Psh, mamaya sigaw na 'yan nang sigaw.


"Oh master, iwan ka na namin diyan ah." Napalingon ako sa tabi ko nang may marinig akong bulungan.


Pagkalingon ko ay tumambad kaagad ang pagmumukhang ayaw na ayaw ko nang makita sa buong buhay ko.


"Ikaw na naman?" Inis kong tanong habang siya ay nginingisihan lang ako sabay fold ng arms niya sa dibdib. "Pwede ba tantanan mo na 'ko." Pabulong ngunit may diin kong pag-sambit. Umiling lang siya sabay kain ng popcorn habang nakatingin sa 'kin.


"Gusto mo?"


Gusto ko pa sana siyang ipagtabuyan dahil hindi ako kumportable na nandito siya ngunit nagsimula na ang movie kaya tumigil na 'ko sa pananaboy at pinilit na lang i-focus ang atensiyon ko sa big screen.


Buti na lang at 'di na niya ako iniinis nung magsimula ang movie kaya lumuwag na rin ang pakiramdam ko. 'Yung horror movie na pinanood namin ay may halong romance kaya medyo kinikilig din ako nung makita kong maghalikan ang mga bida.


"Red," narinig ko ang pagbulong ni Janna sa tabi ko at naramdaman ko rin ang pag haplos niya sa aking kamay. "May sasabihin sana ako." Napalingon ako sa kaniya at napalunok nang mapagtanto kong nakalapit na pala ang mukha niya sa 'kin.


"A-ano 'yun, Janna?" Hindi ko na mapigilang mautal sa kaba.


Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang