6 - First Kiss

59 5 2
                                    


Magkatabi kaming nakahiga sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan at napansin kong nakatingin siya sa 'kin, ang girlfriend ko.


nang lingunin ko siya ay nasilayan ko ang kaniyang kagandahan at ang kislap sa kaniyang mga matang sumasabay sa pagngiti ng kaniyang mga labi. "Ang ganda mo, mahal." Bulong ko habang nakatitig nang mabuti sa kaniya.


"Salamat, mahal. I love you." Hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha saakin.


"I love you too, mahal." Tugon ko at naglapat na ang aming mga labi.


Ang aking unang halik.


Pero hindi 'yun ang nangyari. Sa maling lugar at sa maling tao ko naibigay ang first kiss ko. Ang isa sa mga pinapahalagahan kong bagay ay ninakaw lamang ng isang ungas na lalaking hinding-hindi ko aakalain na makakahalikan ko!


"Walang hiya kang gago ka!" Napahawak ako sa buhok kong malagkit dahil sa pinturang tinapon sa 'kin at ginulo ko ito sabay pahid ng kamay ko sa uniform niya. "Kulang pa 'yan sa mga ginawa mo sa 'kin, hinding-hindi kita mapapatawad!" Sa sobrang galit ko ay 'di ko na mapigilang mapaluha.


Hindi ko matanggap na sa isang lalaki at sa kaniya pa mismo ako nakaranas ng unang halik!


"Sabi na nga bang bakla ka, nanghahalik ka ng kapwa mong lalaki!" Napasandal ako sa pader sabay walling pababa at sinubsob ko ang mukha ko saaking mga tuhod, tinatago ang akig pag-iyak.


"Sorry." Sambit niya kaya napatigil ako sa pag-iyak at nagpunas ng mga luha sabay angat ng tingin sa kaniya. "Sorry sa mga nagawa ko sa 'yo." Hindi ko alam kung nabingi ba ako o ano pero tama ba 'yung narinig ko?


Nagso-sorry siya?


"Marunong ka palang mag-sorry?" Tinignan ko siya ng masama habang siya ay nakatigin lamang sa relo niya habang nakasandal pa rin sa pader. Hindi kalaunan ay umayos siya ng tayo habang ako ay nakaupo pa rin sa pader na kaharap niya.


"Tapos na pala ang lunch break, dito ka lang babalik ako." magsasalita pa sana ako ngunit nakaalis na siya sa harapan ko.


Tumayo ako at agad na pumasok sa CR. Napa-iling lamang ako nang makita ko ang kalat ng pintura sa sahig, paniguradong mapapagod na naman ang janitor nito. Hays. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at sobrang gulo na ng buhok ko at andumi pa ng uniform kong parang nasabuyan ng dugo dahil sa pulang pintura.


Hindi naman ganoon kalagkit ang pintura dahil sa tingin ko ay parang may halo na itong tubig pero kahit ganun, andumi pa rin ng uniform ko at wala na akong extrang uniform sa locker kaya ang naisipan kong hiraman ay si Star na naman.


Magte-text na sana ako kay Star nang biglang pumasok sa CR si Cravin. May dala siyang polo at seryoso lamang ang mukha nito nang lumapit sa 'kin.


"Mag-shower ka at mag-palit, sasamahan kita sa locker rooms sa baba." Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo hanggang sa magpakawala ako ng malalim na hininga. "'Wag kang mag-alala sa klase dahil nasabihan ko na ang teacher mo na i-excuse ka."

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Where stories live. Discover now