14 - Lunch Box

45 4 1
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad sa school ground at magkasabay pa rin kami ni Cravin, feeling ko tuloy close na kami sa lagay na 'to. Wala namang masama na maging close friends kami 'di ba? Aish... sa sobrang close namin parang more than friends na nga 'yung nangyayari.


Psh, bakit ba ako nag-iisip nang ganito?


"Uy parang may hindi ako alam na nangyayari dito ah," biglang sulpot ni Star at suot-suot na naman niya ang kaniyang napakatamis na ngiti. "kayo na ba?"


"Ha? Anong kami? Walang kami, ano bang pinagsasasabi mo diyan, Star?" Agad akong nag-react dahil wala naman talagang namamagitan sa amin ni Cravin! Ano ba 'yan ba't ba ayaw niyang magsalita? Tumatawa lamang siya habang ini-explain ko kay Star kung ano lang ang meron kami.


"Ah friends... pero seryoso, bagay kayo." Kinindatan pa niya ako sabay takbo paalis. Nababaliw na talaga si Star, ilang pakete na naman kaya ang nahithit niya ngayong araw?


Hahabulin ko pa sana si Star ngunit nang marinig ko ang mahinahong pagtawa ni Cravin ay agad akong lumapit sa kaniya at binatukan siya sabay takbo papasok ng main building.


Tawa-tawa pa kasi ang ungas.


"Okay class, you may now take your lunch." Pagkasabing-pagkasabi nun ng teacher namin ay sinarado ko kaagad ang notebook ko at inipit ang ballpen sabay tayo. Pagkalingon ko sa gawi ni Star ay parang manghang-mangha pa ito sa nasaksihan niya.


"Teka, Red." Kumukurap-kurap pa ang mga mata niya nang tignan ko ito.


"Ano?"


"In love ka noh?" Hindi ko alam kung saan na naman niya napulot ang sinasabi niya kaya agad napakunot ang mga kilay ko. "Ibang-iba ka kasi ngayong araw, parang ang fresh ng look mo tapos namumula ka, nagba-blush ka!" H-ha? Anudaw?


"A-anong nagba-blush? N-nababaliw ka na ba, Star dust?" Hayop, bakit ba ako nauutal at bakit parang ang init ng mukha ko?


"Kayo na ni Cravin noh? O 'di kaya..."


"Shut up," 'di ko na napigilan ang inis ko kaya lumabas ako ng classroom nang 'di lumilingon sa kaniya. Bakit ba kasi pinagpipilitan ni Star na kami na ni Cravin? Sa tingin ba niya ganun na lang kadali para sa 'kin ang mga ginawang pambu-bully ng lalaking 'yon?


"Oh tumingin ka naman sa dinadaanan mo baka makabangga ka," iniisip ko pa lang siya andito na agad siya sa harapan ko. Nang iangat ko ang aking tingin sa kaniya ay agad sumilay ang isang ngiti. "Pero kung ako lang rin ang babanggain mo, okay lang naman sa 'kin, ibangga pa kita sa abs ko."


"Ano na naman pinagsasasabi mo?" Sa sobrang inis ko ay inirapan ko siya sabay daan sa gilid niya pababa ng hagdan. Bakit ba parang iritang-irita ako ngayong araw?


"Oy! Teka naman!" Hinabol niya ako hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad sa ground floor ng building. Sinundan niya ako hanggang sa makapunta kami sa lockers, sinusian ko ang akin at ipinasok ang dala kong notebook at pen. Nang isarado ko ang aking locker ay agad tumambad sa gilid ko ang pagmumukha niya. "May nasabi ba akong hindi maganda? Bakit parang galit ka na naman sa 'kin?"

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon