2 - Locker

67 6 2
                                    


"Red! Ba't mo naman ginawa 'yun?" Huminga muna ako nang malalim bago ako sumagot sa tanong ni Star.


"Gumanti lang ako, Star, at saka, pasalamat nga siya hindi ko binasag ang pagmumukha niya." Hindi ko mapigilang mapangiti saaking naalala. Nakakatawa talaga 'yung pagmumukha niya nung patalsikin ko sa kaniya 'yung juice.


"Hay nako, Red," ano bang pino-problema nitong si Star? "Kapag talaga gumanti 'yun baka mapa-guidance ka na naman, I know you at alam kong makikipag suntukan ka talaga 'pag napuno ka, hays..." Umiling-iling pa siya habang naglalakad paakyat ng second floor.


"Subukan niya lang talagang guluhin pa 'ko, siya naman 'yung nauna Star kaya dapat lang sa kaniya 'yung ginawa ko."


Nang mag-uwian wala namang bullies na tumangka sa 'king manakit kaya nakauwi rin kaagad ako nang maayos kasama si Star.


Kinabukasan, puting-puti na naman ang suot kong uniform at sisiguraduhin kong masusuot ko pa ito hanggang mamaya kaya nag-suot rin ako ng jacket para kung sakaling may tumangka na namang magpatalsik ng putik sa 'kin, e 'di hindi na ako mauulit kahapon. Maulan pa naman ngayon.


"Nakaraan na 'ko sa pedestrian lane pa, hang out ko na 'to, bye!" Pinutol ko na ang tawag at binalik sa bulsa ang aking phone.


"Red!" Bigla akong napalingon saaking likuran nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Good morning, kasama ko si Janna." Masiglang sambit ni Princess, isa rin sa mga kaibigan namin ni Star nung elementary.


"Good morning, Princess." Nakangiti kong bati sabay lingon kay Janna. Sobrang ganda niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kagandahan ng pagmumukha niya. "G-good morning, Janna."


"Good morning din, Red." Ngumiti siya sa 'kin. Nakakatunaw.


Siya si Janna, isa rin siya sa mga naging kaibigan ko nung elementary at sa lahat ng babaeng nakilala ko sa school, siya lamang ang nakitaan ko ng kakaibang kagandahan. Magkatabi ang campus ng New Era All Boys at New Era All Girls High kaya paminsan-minsan kagaya nito nagkakaroon ako ng chance upang masilayan ang kagandahan niya. Crush ko siya, pero sinekreto ko 'yun since elementary at hanggang ngayon na grade 10 na kami.


"Ikamusta mo na lang kami kay Star, Red ha!" Sigaw ni Princess nang makalayo na silang dalawa sa 'kin, nasa harap na rin kasi ako ng gate ng school namin kaya nagpaiwan na ako.


"Okay, ingat kayo!" Ngumiti pa 'ko ng napaka tamis nang magtama ang tingin namin ni Janna.


Maglalakad na sana ako papasok nang bigla na naman akong tawagin ni Princess. Konti na lang talaga pagsasabihan ko na 'tong bungangerang 'to, nakakarindi kasi 'yung boses niyang tawag nang tawag sa pangalan ko.


"Ano na naman?" Tinawanan niya muna ako bago sumagot.


"Mayang uwian, kita tayo sama mo si Star." Nag-thumbs up na lamang ako sa kaniya at kaagad nang pumasok sa gate.


Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Where stories live. Discover now