8 - Fear

47 4 1
                                    


Cravin's POV:


"Lola, samahan ko na po kayong tumawid." Grade 6 ako nung una ko siyang makita. Doon lagi sa malawak na high way, palagi siyang may kasamang mga kaibigan pero minsan nakikita ko rin siyang mag-isa habang ako ay lagi talagang nag-iisa o minsan kasama ko si lola.


"Salamat, apo."


"You're welcome po lola, alis na po ako!" Kumaway pa siya sa matanda hanggang sa tumakbo na siya palayo.


Lihim akong napangiti nang lingunin ako ng aking lola. Kahit naman hindi ko siya sabayan e nandito lang naman ako sa likod upang umalalay sa pagtawid niya. Sadyang sobrang matulungin lang talaga 'yung isang 'yun kanina.


"Buti pa 'yung batang 'yun ambait-bait." Napa-iling na lamang ako sa reaksiyon ni lola.


"Mabait rin naman ako lola ah, sadyang mas mabait lang talaga 'yung isang 'yun at saka nandito lang naman ako sa likod mo lola, 'di kita iiwan." Nakita ko ang pag-ngiti ni lola at biglang sumagi sa isip ko ang mukha nung batang lalaking tumulong sa kaniya.


Ano kayang pangalan niya?


Nasundan pa ng ilang beses ang palihim kong pagmamasid sa batang takbo nang takbo doon sa malapad na high way. Minsan nakikita ko siyang patalon-talon kung maglakad, minsan naman ay may iniinom siyang chocolate drink na nasa box at naka-straw. Minsan ay kasama niya ang mama niya at minsan naman ay ang papa niya. Lagi rin siyang nakangiti. 'Yung ngiti niya, sa tuwing nasisilayan ko 'yun kahit sa malayo ay napapangiti rin ako nang palihim.


Doon ko nalaman na posible pala talagang magkagusto ang lalaki sa kapwa niya lalaki.


***


"Gusto kita." Nawala ang kaba sa dibdib ko nang masabi ko 'yon. Hindi naman ako nahihibang at hindi rin ako nababaliw para umamin sa minsanan ko nang binully na gusto ko siya. Pero ito na nga ang nangyari. "Sorry sa lahat ng mga nagawa ko." Nauna na siyang maglakad kaya patakbo akong humabol sa kaniya at tumabi. "I'm sorry kasi ilang beses kitang napagtripan pero itong sinasabi ko sa 'yo ngayon, totoo ito."


"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Bakas sa kaniyang mukha ang galit. Napalunok na lamang ako ng laway at sumeryoso ang aking mukha. "Hindi mo dapat ako magustuhan dahil hindi ako bakla, hindi kita papatulan, straight ako." Parang may kung anong sumaksak sa puso ko nung sabihin niya 'yun.


Naiintindihan ko naman 'yun. Pero kahit alam ko nang posibleng mangyari 'to, masakit pa rin sa 'kin.


"Okay, sabi mo e." Pinasok ko saaking mga bulsa ang mga kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ngumiti rin ako ng peke sa kaniya habang siya ay parang nagtatakang nakatingin sa 'kin.


Kung ayaw mo sa 'kin... tatanggapin ko na lang, ganun naman talaga ang reyalidad, bihira lamang magkatuluyan ang dalawang parehas ang sekswalidad. Lalaki ako, lalaki ka, kahit ang tingin ko sa 'yo ay parang babae ay hindi ka pa rin ganun, lalaki pa ka pa rin. Si Janna pa rin ang mahal mo.

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora