13 - His Grandma

47 4 1
                                    




"Labas!" Malakas kong sigaw at kaagad naman niyang ginawa. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko bago ako pumunta sa aparador upang kuhanin ang naka-hanger kong uniform. Sino ba siya sa tingin niya para pumasok dito sa kwarto ko nang walang paalam? Tsk!


Umagang-umaga pinapakulo na kaagad niya ang dugo ko.


Nang matapos akong mag-spray ng pabango at mag-suklay ay lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba sa sala. Nang mapalingon ako sa lalaking nakaupo sa sofa ay agad nang-init ang dugo ko. Nabubwisit talaga ako sa pagmumukha niya!


Nang lingunin niya ako ay napaka presko niyang tignan. Nakasuklay patagilid ang buhok niya at kumpleto ang pagkakabutones ng uniform. Ngumiti siya nang bahagya at sumilay na naman ang mapuputi niyang ngipin at ang kaniyang dimple sa kaliwang pisngi.


"Good morning," mahinahon ngunit may bahid nang saya sa tono ng pagbati niya.


"Walang good sa morning kaya manahimik ka." Sagot ko.


Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya muntikan na akong mapasigaw sa inis. Buti na lang at narinig ko ang boses ni papa sa hapag kainan kaya agad akong naglakad papunta roon.


"Kumain ka na rito nak, isabay mo na rin si Cravin dahil paalis na rin ako, male-late na kasi ako sa work." Tumayo kaagad si papa sa kaniyang inuupuan at lumabas na ng dining room. Tinawag naman niya si Cravin kaya ngayon ay magkaharap kaming nakaupo rito sa pabilog na mesa.


Nagkunwarian akong nagce-cellphone habang pinapakinggan ang pag andar ng kotse ni papa sa labas. Alam ko kasing pinagmamasdan ng ungas ang mukha ko kaya naa-awkward ako sa lagay namin.


"Pinadala pala ni lola itong adobo at kare-kare, para daw sa 'yo 'to." Nahihiya niyang sambit habang inilalapit sa 'kin ang mga ulam. Akala ko talaga binili 'to ni papa sa labas... teka, anong sabi niya?


"Pinadala ng lola mo para sa 'kin?" Hindi ko alam na ganoon pala kabait ang lola niya.


"Oo, kaya nga ang aga kong naparito dahil excited si lola na matikman mo ang luto niya." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Ang kaninang inis ay biglang nawala, napalitan ng tuwa at pagpapahalaga.


"T-talaga?" Hindi ko alam kung anong meron sa itsura ko at tingin nang tingin siya sa 'kin habang kami'y sabay na kumakain.


***


Cravin's POV:


"Aminin mo nga sa 'kin apo, may iniibig ka na ba at parang nag-iba ang sigla mo ngayong mga nagdaang araw." Sambit ni lola habang hinahalo ang niluluto niyang kare-kare para sa kaniyang karenderya.


"Ha? Ano pong sinabi niyo lola? 'Di ko kasi narinig." Sa totoo ay narinig ko naman 'yung sinabi niya, ayoko lang na sumagot kaagad dahil nahihiya pa akong magsabi.


"Ang sabi ko may iniibig ka na ba at parang iba ang sigla mo ngayon, may girlfriend ka na ba?"


Alam naman ni lola kung anong meron akong nararamdaman sa isang cute na lalaki na nagngangalang Reddle Khinn kaya alam kong magugustuhan niya kung sasabihin ko sa kaniyang naging magkaibigan na nga kami ni Red.


"Ano? Ba't ngayon mo lang sinabi sa 'kin?" Hindi na ako nagulat nang mag-react si lola nang ganun. Manghang-mangha kasi siya sa kabutihang taglay ni Red dahil sa pagtutulong nito sa kaniya dati pag tumatawid siya ng highway. Minsan nga pinagkukumpara pa niya ako doon kay Reddle, hindi naman ako naiinis, actually nakakatuwa nga dahil nung nalaman niyang may gusto ako kay Reddle sabi niya kailangan ko raw mapangasawa ang cute na lalaking 'yon, kung sakali raw na may chance na makuha ko ang loob nito.


Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Where stories live. Discover now