3 - Arcade

61 4 0
                                    


Tulala akong naglakad pabalik sa classroom nung hapong iyon. Nagtataka pa nga si Star kung ano ba raw ang nangyari sa 'kin, kung nakipag suntukan ba raw ako dun sa mga bullies o kung may ginawa ba sila sa 'kin dahil nakakapag taka raw kasi ang katahimikang taglay ko. Napaisip tuloy ako. 'Yung mga nangyari kanina ayaw pa ring mawala sa isip ko.


"Cravin pala ang pangalan mo? E 'di mag-crave ka sa suntok ko... a-ano ba!"


"Sakit mo sa tenga, gusto mo bang halikan kita?"


"H-ha? Ba't mo 'ko hahalikan? Bakla ka!"


Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Bakit ganun? Bakla ba talaga 'yung cravin na 'yon? At saka, bakit parang nawawala ako sa isip ko. Nababaliw na ba ako?


"Red! Nawawala ka na naman sa isip mo, ano ba talaga 'yung nangyari sa 'yo kanina nung umalis ka?" Pang-uusisa ni Star. Ngayon ko lamang na-realize na nasa baba na pala kami ng main building, palabas na ng gate. "Bakit parang namumula ka?"


"Ha? Wala namang nangyari sa 'kin kanina at namumula? Sino? Ako? Ba't naman ako mamumula?" Hindi ko alam kung ano bang pinagsasasabi ni Star. Pinagtititripan niya ata ako.


"Teka nga as far as I remember huli kong nakita na namumula ka nung hawakan ni Janna 'yang kamay mo pero ngayon hindi pa naman kayo nagkikita namumula ka na," ilang beses akong napakurap sa sinabi niya habang naglalakad kami palabas ng gate. "Oh baka..." Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Mali siya ng iniisip!


"Hindi, Star! Wala akong bagong crush at ba't naman ako magkaka-crush dito sa campus e puro naman boys nandito." Muntikan pa 'kong mapiyok sa pasigaw kong sambit.


"Ano? Wala naman akong iniisip na ganiyan Red, ang naiisip ko lang ay baka excited ka nang makita si Janna kaya ka namumula." Napakurap muli ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Oo! Tama ka diyan."


Napaisip tuloy ako sa mga sinabi ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Buti na lang at alam ni Star na may crush ako kay Janna kaya nakapag palusot kaagad ako kanina. Hays... ano ba kasi 'tong nararamdaman ko? At saka, namumula ba talaga ako?


"Star!" Masiglang sigaw ni Princess nang magkita na kami rito sa labas ng school nila. "I miss you... bakla."


"I miss you too, Princess!" Nagyakapan pa sila na parang mga baliw. Parang ilang years hindi nagkita e magkatabi nga lang ng campus. "I miss you din, Janna." Napatingin ako bigla sa babaeng kinamusta ni Star at parang nanghihina na naman ako habang tinititigan siya. Ang ganda niya. "I miss you din daw sabi ni Red." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Hoy, pinagsasasabi mo Starla!" Nginisihan niya lang ako tas si Janna naman ay pangiti-ngiti lang.


"Ang OA mo naman mag-react, Red." Tawa-tawa pa si Star hanggang sa makarating na kami sa kotse ni Princess.


Personal driver ni Princess ang nag-drive ng kotse papuntang mall. Na-miss na kasi namin mag bonding kaya magsi-sine at arcade kami. Nung makapasok kami sa mall ay dumiretso muna kami sa isang fast food chain at kumain muna bago maglaro.


Pagkatapos naman naming kumain ay dumiretso na kami sa Playzone at nagsimulang maglaro at sa 'di inaasahang pagkakataon ay may nakasalubong kaming mga ungas. Kaharap ko si Cravin nang pumunta kami sa basketball area, kasama ko si Janna at medyo nagtitigan pa sila.


Parang 'di ako makakilos kaagad nang magtama ang mga tingin namin. Parang kinakabahan ako na ewan, bumibilis ang tibok ng puso ko at 'di ko alam kung bakit.


"Red, okay ka lang ba?" Pang-uusisa ni Janna sa 'kin nang makaalis na ang mga ungas sa harap namin. Buti naman at wala silang ginawa sa 'kin, nasa labas pa naman kami ng campus kaya wala nang aawat sa 'min ngayon dito.


"Oo, okay lang ako."


Naglaro kami ng basketball ni Janna at nang malagyan na namin ng tokens ang machine ay bigla namang tumabi ang ungas, maglalaro siya sa katabing machine at tyempong napalingon ako sa gawi niya nang lumingon rin sa 'kin ang ungas na si Cravin. napepeste talaga ako sa lalaking ito. Unti-unti na naman akong nakaramdam ng inis.


"Red, kilala mo ba siya?" Bulong ni Janna sa tenga ko pero nagkunwarian lamang akong bingi at walang narinig.


"Reddle Khinn." Gulat akong napalingon sa gawi ng ungas nang banggitin niya ang pangalan ko. "Ay ikaw pala 'yon?" Ngumisi siya sa 'kin at parang kumukulo na naman ang dugo ko sa ulo.


"Sinundan niyo pa talaga ako dito para guluhin huh." Masama ang tingin ko sa kaniya.


"Sino ka naman para sundan?" Kumindat siya sa 'kin at parang nakakailang ang tingin niya. Gusto ko na talaga siyang masuntok sa mukha.


Natigil ako sa kakatingin nang masama sa kaniya nang magsimula nang tumakbo ang timer ng basketball machine, napatingin ako sa katabing machine at halos magkasabay lamang ang pag andar nito sa 'min.


"Red, bigyan mo naman ako ng bola." Mahinang sambit ni Janna. Doon ko lang din napansin na patuloy-tuloy ko pa lang kinukuha at shino-shoot ang mga bumabagsak na bola habang palinga-linga ang tingin sa scores ng magkatabing machine.


Ayokong malamangan niya 'ko sa larong ito.


"Nakikipag-kumpitensiya ka ba sa katabi natin?" Bulong ulit ni Janna sa tenga ko at napatango kaagad ako.


Sorry, Janna... pero kailangan ko talaga siyang matalo rito.


Sobrang focus ko sa laro hanggang sa 'di ko na napansin ang timer. Ang final score ko ay 116 at 'yung sa kaniya naman ay 114. Napangiti ako nang napakalaki nang makita ko ang mukha niyang seryoso. talunan naman pala.


"So pano ba 'yan? Paalam talunan." Bulong ko sa tenga niya sabay akbay kay Janna paalis.

_____________________________________________________________________________________________

Red, Set, Go! (BL) [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora