Napangiti siya. "Napapagod lang ako siguro."

Muli niyang sinara ang pintuan at nilock ito nang mabuti.

Pabalik na siya sa kusina nang may muling kumatok sa pintuan.

#TOK! TOK! TOK!

Sa pagkakataong ito, mas malakas na dahil malapit lang siya sa pintuan at imposibleng guni-guni ulit 'yon. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso kasabay ng pamamanhid ng kanyang pisngi. Anong nangyayari? Bakit may kumakatok sa pintuan ngunit wala namang tao? Posible kayang--?

Matapang na inunlock ni Kate ang pintuan ng kanilang bahay. Dahan-dahan niya itong binuksan hanggang sa bumungad sa kanya ang tapat ng pintuang ito na wala namang tao.

Wala na namang tao.

Dahan-dahang inilabas ni Kate ang kanyang mga paa sa labas upang silipin sana ang gilid ng kanilang bahay. Nanlamig ang kanyang mga paa dahil sa lamig na nasa labas. Pinagpapawisan siya kahit na malamig ang paligid. Pinigilan niya ang paghinga niya habang unti-unti niyang inilalabas ang kanyang ulo. Takot na takot siya. Pero gusto niyang silipin at siguraduhin kung may tao nga ba sa gilid ng kanilang bahay. Bigla siyang nakarinig ng isang malakas na tunog.

#POOOOOOK!!!!!!!

Napatalon si Kate dahil sa ginawang tunog ng pagputok ng popcorn sa loob ng kanilang oven. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang gulat niya. Mabilis siyang pumasok sa loob at muling nilock ang pintuan at pinuntahan ang popcorn na naluto na sa loob ng oven.

Pumwesto siya sa harap ng kanilang t.v. dala-dala ang isang mangkok ng bagong luto na popcorn. Habang pumipili siya ng channel na panunuorin ay bigla na lamang nawala ang kuryente sa buong bahay nila. Namatay ang mga ilaw at ang t.v. na sana'y panunuoran niya.

Bigla namang nangibabaw ang muling pagkatakot sa pintuan sa gitna ng katahimikang bumabalot no'ng gabing iyon.

#TOK! TOK! TOK!

Kinuha ni Kate ang cellphone niya mula sa bulsa at gamit ang ilaw nito ay nilandas niya ang daan papunta sa pintuan. May kinuha muna siyang pamalo para proteksyon sa sarili niya sa oras na may mangyaring masama sa kanya. At ngayon ay muli niyang binuksan ang pintuan at iniwan itong nakabukas habang nakapwesto siya at handa sa kung ano man o sino man ang pumasok. Nakaangat ang pamalong kahoy habang mahigpit niya itong hinahawakan. Nasa bulsa naman ang cellphone niya at maliwanag ang buwan para kailanganin niya pa ng ilaw.

Walang nagpakita o pumasok.

Lumabas si Kate sa pintuan habang nakaangat ang kahoy na hawak at napansin ang pagtumba ng basurahan sa tapat ng sira nilang gate. Napakamot si Kate ng ulo at bumaba siya para ayusin ito. Napatingin siya sa paligid at napansin niyang para siyang sira-ulo na may hawak ng kahoy at natatakot sa isang bagay na hindi niya pa naman nakikita.

Agad siyang bumalik sa loob ng kanilang bahay at muli niyang sinara ang pintuan at nilock ito.

Kinuha niya ang emergency light na nasa taas ng cabinet at binuksan ito. Gumawa ito ng liwanag sa buong sala at nakita ni Kate na may kasama siyang ibang tao sa loob ng bahay! Nandoon siya sa isang gilid! Sa likod ng t.v. sa tabi ng malaking salamin! Isang babaeng nakasuot ng blusang itim at puting maskara! Ang killer! Ang sinasabing killer na gumagala sa kanilang barangay! Ang killer na nakikita niya lang sa mga balita! At ngayon... kasama niya sa loob ng bahay na iyon ang killer!

Nabitawan niya ang hawak na emergency light dahil sa pagkagulat. Nahulog ito sa sahig at nabasag ang salamin. Pero nagbibigay pa rin ito ng liwanag kaya kitang-kita ni Kate ang nakatayong killer sa isang gilid. Nakatitig sa kanya ang mga mata nito sa likod ng puting maskara niya.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now