Chapter 1: US! (SNSD)

4.2K 123 29
                                    

Taeyon's POV

At dahil ako ang amazing leader at ako ang pinaka-maganda sa amin, dapat ako lang ang maunang mag POV. Haha! well..

Kakatapos ko lang magtimpla ng kape at ngayon ay papalabas na ng kusina ng makita ko si Sooyoung..

At hinahabol sya ni Yoona..-"HOY! Choi Sooyoung! sa akin binigay ni unnie yan eh!"-ano na naman 'to -.-

"Eh sa akin inabot eh! kasalanan ko ba kung hindi mahaba yang kamay mo? hmm! ang sarap nitong tikoy!"-sabi naman nito na tumatakbo sabay amoy ng mga hawak nya.

"Excuse me! hindi ko yan ibinigay sayo Yoona! at lalong lalo, hindi ko yan inabot sayo Sooyoung! akin na yan! ako ang bumili nyan! ibalik mo yan sakin!"-alborotong sigaw ni Hyoyeon habang nakapameywang.

"Soehyun! Seohyun! tingnan mo ang bago kong discover na aegyo! dali!"-pangungulit ni Sunny kay maknae. Hindi naman sya pinansin ng isa..-"Seohyun!"-muling sigaw nito.

"Unnie pwede ba, wag mo muna akong kulitin please! Seryoso ako sa binabasa ko."

Napaisip naman si Sunny..-"Kelan ba jino-joke ang pagbabasa?"

Habang...

"Give it to me!"-naiinis sabi ni Tiffany..

"Hindi! ako ang hahawak nito!"-firm namang sabat ni Yuri

"Dali na! ibigay mo na sakin ang remote! matatapos na mamaya yung pinapanood ko! ano bah!"

"Eh Sleeping Beauty lang naman pinapanood mo eh! walang kakwenta kwenta!"-ganti ng isa..

" Eh kulay pink yung power nung isang Fairy Godmother dun eh! at saka ano bang pakialam mo? eh mga Models lang naman mga pinapanood mo! at saka hindi ka naman nila kilala at lalong hindi ka magiging model!"-pilit na ngayong inaagaw ni Panyang ang remote kay Yuri

"Eh bakit!? kilala ka ba ni Sleeping Beauty?!"-sabat ng isa na pino-protektahan ang remote laban sa katabi ntio

At si Jessica, mahimbing na natutulog sa mat sa sahig. Wow naman. Seryoso ba sya sa pagtulog at hindi nagigising sa ingay? ano bang trip nito sa buhay? obviously yun nga. ANG MATULOG!

Tsk! Napasapo nalang ako sa noo ko. GHAD! SANA KAAWAAN NYO PO MGA KAIBIGAN KO.

"GIRLS!"-sigaw ko sa kanila. Buti naman at lahat sila ay tumigil sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. Well, except kay Jessica na tulog pa rin..-"Itigil nyo na yang mga ginagawa nyo please lang! nambubulabog ba kayo ng mga kapitbahay? mamaya mareklamo pa tayo nyan at mabigyan ng death note"-dugtong ko pa.

"Unnie naman, nasa subdivision tayo. Malayo yung ibang bahay satin."-sabat ni Yoona naka-focus pa rin ang tingin sa tikoy ni Hyoyeon

"Baka nakalimutan mo na sila Yuri ang may-ari ng subdivision na to?"-sambit din ni Tiffany at nakiki-pag death glare din kay Yul.

"Atsaka si Jessica Jung nga tulog pa rin, kaya impossibleng mabaranggay tayo nito."-dugtong naman ni Hyoyeon na chine-check ang kanyang mga mahiwagang tikoy.

Naglakad ako papuntang sala..-"Ay? so kasalanan ko pa ngayon dahil sinaway ko kayo?"

Ngumiti naman si Suyang habang naka-peace sign..-"Wala kaming sinabing ganyan hihi!"-buhusan ko to ng mainit na kape eh! tsk. Wag nalang pala sayang kape ko

"Matulog na kayo at 10:30 na. Pupunta pa tayo sa bagong school natin bukas at dadaan narin tayo sa mall."-singkit mata kong sabi sa kanila

"Anong gagawin natin dun unnie?"-tanong ni maknae sakin.

"Eh di bibili ng mga school supplies."-mabilis na sagot ni Yuri. Teka ako yung tinanong diba? bastusan?

"Sige na nga matulog na nga lang tayo!"-inis na sabi ni Sunny sabay tayo papunta sa hagdan at nagsisunod naman sila sa kanya.

Papunta na rin ako sa kwarto ko. Si Jessica? Ayon nandun pa rin sa mat at natutulog. Hindi ko na ginising. Baka matadyakan pa ako mamaya. Masama pa naman yang magalit lalo na pag TULOG ang pinag-uusapan.

By the way, oo ang isasagot ko kung tatanungin nyo ako kung nakatira lang kami sa iisang bahay. Matagal na kaming mag-best friends kaya ganito ang kinalabasan at mga kaganapan.

Oo din ang isasagot ko kung itatanong nyo kung lilipat kami ng school. At bakit naman kami lilipat? Nakaka-inis mang sabihin pero sige iku-kwento ko..


Flashback

(OLD SCHOOL)

Nandito kami ngayon sa canteen.

Umupo si Hyoyeon sa bakanteng upuan..-"Hay sa wakas natapos din ang 2nd period. Makakapagpahinga na rin tayo."

"At makakakain na din tayo! hahaha"-parang baliw namang sabi ni Yoona

"Sunny unnie eottokke ang cute mo!"-anyare kay Soo? himalang nag-unnie sya kay Araw? walang galang kasi itong third maknae namin.. 

"Thank you Sooyoungie!"-pa-cute namang sabat nito

Eh?

Nag-beautiful eyes si Soo..-"Always naman 'di ba?"

-.-

"Naman! at dahil jan libre ko na kayo girls! ako na rin mag-o.order ng mga pagkain natin. Wait lang girls! cute Sunkyu will be right back.."-saka sya kumembot at nag-order na ng mga pagkain namin

Nakatingin lang kami kay Sooyoung ng hindi makapaniwala.

Tumawa ito. Yung malala pa sa mangkukulam..-"Bwahahahaha! di ba effective strategy ko noh?"

Kaya naman pala..

After 15 minutes...

"Ang tagal naman ni Sunny."-bagot na sabi ni Yuri habang nangangalumbaba.

"Naiinip na nga ako sa kakahintay"-bored din na dugtong ni Panyang

"Hala grabe talaga yong maliit na babae noh? talo pa yong tatlong babae"-rinig naming sabi nong isang babae na dumaan sa gilid ng table namin.

"Oo nga akalain mo yun.. napatumba nya sila. Bilib talaga ako sa kanya."-sabi naman nung isa.

Humikab si Sica.. nakatulog ata sa kakahintay-"Girls I smell trouble.."

"Dali puntahan na natin, baka hindi na maayos yung mga mukha ng mga kaaway nya."-sabi ko sa kanila sabay tayo. Nagsitanguan naman sila at tumayo na din.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami sa sa counter kung saan may nagkukumpulang mga estudyante.

At ayun nga.. hindi nga kami nagkamali. Sya nga.

Agad namin syang inawat pero hindi nagpatalo yung tatlo nyang kalaban at pati kami ay sinugod na din nila. Akalain mo ba namang may resbak din pala yung tatlo! may dumating pa na lima. So walo laban siyam. Nahihiya ko mang aminin pero ginawa naming ring ng boxing ang canteen. Sorry naman. Ayaw kasi nilang magpatalo eh. Kaya ayun nakisali na rin kmi.

FORTE NAMIN ANG PAKIKIPAG-AWAY. PAPATALO BA KAMI?

End of flashback


Ayun na nga ang nangyari kung bakit kami pinalipat. Tinanong din namin si Sunkyu kung bakit sya napa-away. Sabi naman nya ay naki-siksik daw sa pila yung tatlong babae. Naku! bad timing sila. Reyna pa naman ng katarungan si Sunny. Kaya ayun.. diretsong bed rest yung mga nakaaway nya.

COLLIDE (EXOSHIDAE) *COMPLETED* (REVISING)Where stories live. Discover now