15

0 0 0
                                    

Tuesday

Akala ko makakatakas na ako kay Luke pero kinabukasan halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan ko siya sa dining na walang suot na pang-itaas.

"Fuck, sorry." He curse. Mabilis niyang dinampot ang damit sa upuan at isinuot.

"Morning, Vod!". Pag pasok ni Rum. May hawak na tasa sa kaliwang kamay. Magulo pa ang buhok at halatang kagigising lang.

Bumaling ako kay Luke. Maamo siyang tumingin sa'kin pero nanatili ang masamang tingin ko.

"Breakfast." Alok niya sa'kin.

Tinapunan ko siya ng tingin at nawalan ako ng gana kumain lalo at nandito si Rum. "Hindi ko pa nakakausap si Jd, but please tell him about the party. Wala akong plano mag sinungaling o magtago sakanya." Nilingon ko si Rum.

"Fine!". Pagsuko niya.

"Mukhang hindi ka na sasabay sa'kin. Mauuna na ako sa school." Aniko. Napalingon sa orasan si Rum at napapikit. Sumasakit ang ulo.

"I can drive you." Luke's offer. Sabay kaming lumingon sakanya. Akala ko magiging weird 'yun pero sinegundahan pa ni Rum.

"Nice idea! Pauwi na din si Luke, sumabay ka na at susunod nalang ako." Si Rum na masyadong sigurado.

"Hindi na, magpapahatid nalang ako." Aniko.

"Sumabay kana Vod, abala lang kila Manong." Inis akong lumingon kay Rum dahil sa sinabi niya.

"Let's go." Tinapos ni Luke ang usapan na parang sadya niya 'yon ginawa. Nauna na siyang maglakad at nag paalam kay Rum.

Nakangisi siya ng pag buksan niya ako ng pintuan.

"Ako na." Sabi ko at pumasok. Hinayaan naman niya ako at tumakbo na sa kabilang pintuan para mag drive.

Akala ko magiging tahimik lang ang byahe pero hindi niya pa din ako tinigilan.

"About last night... I'm telling the truth." Paliwanag niya.

"Who cares about your truth?". I asked.

Ngumisi lang siya lalo. "I care lalo kung ikaw ang nag-iisip niyan." Sagot niya.

Anong ako?! Totoo naman ah! Kahit sino ganito ang maiisip unless kung magpaka-gago sakanya ang isang babae at magpa-uto sa mga sinasabi niya.

"Hindi naman mahalaga ang nasa isip ko, intindihin mo ang iisipin ng girlfriend mo 'pag nalaman niya ang ginawa mo kagabi." Sabi ko nang deretso sa mga mata niya.

Siya ang unang umiwas ng tingin dahil nagmamaneho siya. "Wala nga akong girlfriend, Vodka."

"Liar." Simpleng sagot ko.

"Bakit ba pinipilit mo?". Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala akong pinipilit dito, nagsasabi lang ako ng totoo. Kung ako ang girlfriend mo, hihiwalayan kita." Kaso hindi.

Ilang segundo siyang hindi sumagot, pinanood ko siyang deretso ang tingin sa daan at parang malalim ang iniisip.

"Maggie is a nice girl. She doesn't deserve a playboy like you." Muling wika ko.

Tumikhim siya. "Yeah, maybe she doesn't deserve me but I am not a playboy and I agreed how nice she is but she is not my girlfriend."

Hindi ako makapaniwalang nilingon siya. Tinaasan niya ako ngayon ng isang kilay parang naghahamon.

Kinabahan ako lalo. I am thinking how would his girlfriend react or at least feel when she finds out that her boyfriend is constantly denying her.

"Kung girlfriend kita, hindi ako gagawa ng ikakagalit mo. Kung girlfriend kita, you have to trust me because I swear I'll give you my hundred percent honesty." Lalong nalalaglag ang panga ko sa gulat.

Love Amidst the Storm Where stories live. Discover now