10

0 0 0
                                    

Hindi ka naman nagpakilala agad, I thought it was just somebody.

I replied back.

Do you always give your phone number to strangers, for u to expect that I was just somebody?

Hindi ako agad nakapag reply. Text lang naman 'to pero kinakabahan ako.

How come he'd thought about that already? Para akong alon na humampas sakanya at muling bumalik.

Of course not. Mga kapatid ko lang may alam at ikaw.

I defend. I don't want to give him a bad impression. Naalala ko, madalas niyang sabihin na mahirap akong ligawan kaya bakit naman niya naisip na kung kani-kanino ko ibibigay ang phone number ko?

Bumalik na kami sa klase ni Rum. Hindi ko na din namalayan ang reply niya, kaya nang umabot ang lunch. Mabilis kong kinuha ito sa bag ko.

I guess, lucky me? :))

I smiled to his simple reply.

Hbu? Do you always get anyone's phone number and text them?

May mapaglarong tanong na reply ko. Hindi inabot ng ilang minuto at nag reply siya agad. Akala ko ba busy siya? Bakit ang bilis mag reply?

Nope, dun lang sa mga interesado ko.

Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ngunit nawala 'yon ng makitang kausap ni Rum ang classmate naming si Mikay.

Even though, it comes from him directly. Still, I don't want to assume. Maybe, he's just interested in me because of the plant I gave him, nothing more.

Si Mikay ba? Kinuha mo na ba ang number niya?

Pagka-sent ko nun agad akong nag type ulit dahil baka mag-isip siya ng kakaiba sa tanong ko. Masyado ata akong naging aggresive? Oo at may gusto nga ako sakanya pero wala akong balak aminin 'yon sakanya. Lalong hindi dito sa text at dapat hindi niya ako mahalata.

Nakwento kasi ni Rum na nilalakad niya kayo sa isa't-isa. Binigyan ka pa ng love letter diba? Gusto mo tulungan kita makuha ang number niya?

Syempre walang katotohanan ang mga sunod kong nireply! Bakit ko naman siya tutulungan sa ibang babae?

No need.

Yun lang?

Sa dami ng sinabi ko, yun lang ang reply niya?

Gusto ko pa sana mag tanong tungkol sa maraming bagay ngunit pinigilan ko nalang ang aking sarili. Hindi maganda na parang uhaw ako sa reply niya.

"O ano daw sabi?". Tanong ko agad kay Rum pag lapit niya sa'kin. Kumunot ang noo niya at salubong ang kilay ng harapin ako.

"Sabi nino?". Naguguluhan niyang tanong.

Ngumuso ako at tinuro kung nasaan ngayon si Mikay naka-upo at masayang nagkekwento sa mga kaibigan. "Si Mikay, akala ko ba nilalakad mo dun kay Sandoval?".

Tinaasan ako ng kilay ni Rum. "Ano naman sa'yo kung ano ang sinabi niya?". Supladong sagot niya.

Nag kibit balikat ako at kunwaring wala lang dahil baka nahahalata na niya ako. Right, it's very unsual of me gossiping about someone's life. Lalo kung tungkol kay Luke.

Hindi na din ako kinausap ni Rum about sa tanong ko kaya buong hapon ay parang badtrip ako sa kapatid ko.

May mga kine-kwento siyang hindi ko pina-pakinggan. May mga tinatanong siya na kunwari hindi ko alam at may mga biro siyang hindi ko tinatawanan.

Love Amidst the Storm Where stories live. Discover now