13

0 0 0
                                    

Kabado ako nang dumating ang gabi. I'm sure that anytime soon, Rum and his friends will be here. Kinatok ako ni Jd para kumain ng gabihan kaya napilitan akong bumaba.

"Kuya Jd and I will go to Manila next week." Panimula ni Champagne.

Tumikhim naman si Jd at tumango habang punong-puno ng pagtataka ang mukha ko. "Kayo lang dalawa?". Tanong ko.

"Yep..." Sagot ni Jd. "Isasama daw ako ni Dad sa isang event while Champagne needs to attend the concert he requested from Dad."

"Oh my God! I'm so excited!". Champagne exclaimed while giggling.

Matalim siyang tinapunan ng tingin ni Jd. "No trouble, Cham. Ako mismo ang maghahatid sa'yo pauwi kung may malaman ako. No boys."

"Don't be so kill joy, Kuya! Let me enjoy the concert with my friends and I'll promise that no more trouble." Si Cham.

"I'll talk to Rum later. Hindi ka niya pwedeng hayaan lang palagi mag-isa. Sunday ang balik namin pero ipapasundo ko pa din si Daiq, para may kasama ka dito." Baling sa'kin ni Jd.

"Hindi ba pwedeng sumama nalang ako?". Malungkot kong wika.

Jd sighed heavily. "Naisip ko din 'yan pero hindi naman kasi kami magtatagal and besides you have to focus on your studies. Kung ako lang ay ayaw ko din sana mag punta. Good thing that Champagne have to attend a concert, ako ang magiging bantay niya."

"Kuya!". Reklamo nanaman ni Champagne. Tumawa lang ako at  ngumisi naman si Jd.

Dumating sila Rum nang matapos kaming kumain. Bumati ang ilan kay Jd, ang iba ay kinausap nito at nakipag-asaran. Si Luke ay tahimik na nagpupunas ng pawis sa gilid.

Napalunok ako ng bigla niyang hubarin ang pang-itaas niyang suot. Nanatili doon ang tingin ko, hindi ko alam kung bakit pero parang namahika ako sa mga segundong 'to. Hindi na bago sa'kin ang makakita ng katawan ng lalaki dahil madalas kong makita ang sa mga kapatid ko.

Nahagip ni Luke ang pagka-mangha ko sa katawan niya. Nakita ko kung paano niya ako pinanliitan ng mata bago ngumisi. Hindi ko na napigilan ang pag kalabog ng dibdib ko. Ilang lunok ang ginawa ko, mabilis na nagsuot ng pamalit si Luke pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko.

Para akong napapahiya.

"Rum, I have to go." Carrying his bag on his left shoulder, he walk towards Rum.

"Sige na mauna kana lover boy! Kanina pa tawag ng tawag sa'yo si Maggie." Kantyaw ng isa sakanila.

Nagtawanan ang iba. "Gago!". Sagot nito.

Maggie? Iba nanaman? Ano na nangyari dun sa girlfriend niyang si Jasmine?

Umakyat na ako sa taas because obvioulsy I have no business with them. Hindi ko sila mga close. It would be weird.

___

It's Saturday today. Daiquiri and Champagne got busy with Champagne packing her things. Hindi mawala sa tabi ni Cham si Daiquiri dahil parang gustong-gusto nito sumama kaya puro tanong. Ang kaso hindi siya papayagan ni Tita Mori.

"Rum, pwede mo ba akong ipag maneho? May bibilhin lang akong libro." Kumatok ako ngayon sa kwarto ni Rum. May twalya pa na nakalagay sa pambabang katawan nito at basa ang buhok ng buksan niya ang pinto. Halatang katatapos lang maligo.

"No problem. Magbibihis lang ako, hintayin mo na ako sa baba." Aniya.

"May pupuntahan ka ba?". Nagtatakang tanong ko dahil iba ang pakiramdam ko.

He nodded. "May asikasuhin lang. Dun kana at magbibihis ako."

"Okay." Simpleng sagot ko at padabog na sinara ang pinto niya. Narinig ko pa siyang sinigaw ang pangalan ko, hinayaan ko nalang at tumatawa akong bumaba sa sala.

Love Amidst the Storm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon