Prologue

3 0 0
                                    


Sa harap na kami ngayon ng bundok na hindi naman kalayuan. Medyo maliit lang ito kaya mukhang hindi naman nakakapagod akyatin. Meron ring maayos na hagdanan na gawa sa semento papunta sa tuktok ng bundok.

"Ano bang trip mo? Sigurado ka ba dito?" Tanong ni Juno pero hindi ko siya pinapansin habang nakatingala sa tuktok ng bundok.

Hindi ko maexplain ang kakaibang hangin na ngayong patuloy sa pag-ihip na animo'y may kakaibang kasabay na siyang tumutulak sa akin para akyatin ang tuktok nito.

"Hoy ate." Tawag ni Juno nang mag simula akong humakbang paakyat ng bundok. Wala na siya magawa kundi ang sundan ako dahil mukhang hindi na ako mapipigilan pa.

Sa bawat paghakbang ng hagdan patungo sa tuktok ay kakaibang kaba at lamig ang nararamdaman ko, hindi na rin matigil sa pagkabog ng dibdib ko. Nilingon ko si Juno para tignan kung pareho ba kami ng nararamdaman pero mukhang ok naman siya, ini-enjoy na nga ang pag-akyat dahil na rin sa magagandang view na nakikita namin.

Muli kong pinagpatuloy ang paghakbang habang nakahawak sa kumakabog kong dibdib. Siguro dahil hindi lang ako sanay sa mga ganitong aktibidad pero hindi naman ako takot sa heights at hindi naman pagod ang nararamdaman ko kundi kakaibang pakiramdam.

Nakarating na kami sa tuktok ng bundok. Namangha kami ni Juno dahil napakaganda ng view kahit saang anggulo mo tignan, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Para bang may tumulak at pumunta kayo dito." Boses mula sa likuran namin. Si Pastor Alonso na ngayong nakaharap sa puting cross habang nasa likuran niya ang dalawa niyang mga kamay. Madalas ba siyang nandito?

"Ikaw po pala Pastor." Saad ko at humarap siya sa amin.

"Mabuti naman at nakabisita kayo dito." Ngiti niya habang naglalakad palapit sa amin.

"Opo Pastor, first time nga po namin makarating dito." Saad ni Juno, he must be thankful dahil na discovered namin ang lugar na 'to, buti nalang sumunod siya sa akin dahil napakaganda nga naman.

Natahimik kami saglit habang pinagmamasdan ang payapa at napakagandang paligid, sinabayan pa ng mahangin at magandang panahon kaya napakasarap sa pakiramdam. Kahit papaano ay natatabunan ang kanina ko pang pakiramdam na sobrang kakaiba.

"Mabuti na lamang ay mabubuti at mapagmahal sa kalikasan ang mamamayan ng Sitio Campaña kaya kahit anong unos ang dumating nananatiling malinis, payapa at maganda ang ating lugar." May edad na rin si Pastor kaya siguro ganito siya mag salita, para siyang si Lolo. Napatango ako dahil totoo nga naman ang sinasabi ni Pastor, magaling sa pangangalaga ng lugar ang aming mamamayan.

"Nawa'y manatili ito kahit Ilang henerasyon pa ang dumating dahil sa ganitong pamamaraan ay dito natin masusuklian ang kabutihang tinatangi ng unang nag-mamayari ng ating lugar." Nagkatinginan kaming dalawa ni Juno, for sure pareho kaming nagtataka sa mga sinasabi ni Pastor.

"Sino po, Pastor?" Tanong ni Juno.

"Matatagpuan niyo rito." Seryosong sagot ni Pastor ng may ngiti at tinignan ng deritso ang mga mata ko na siyang pinagtaka ko kasabay ng muling pag-ihip ng hangin. Parang may gustong ipahiwatig ang mga mata niya.

"Saan na po sila?" Muling tanong ni Juno na may halong pagtataka.

"Daang taon na ang nakalipas simula nang pumanaw sila, hijo." Saad ni Pastor nang hawakan niya ang ulo ni Juno at nagsimulang maglakad pabalik sa puting cross.

Muli kaming nagkatinginan ni Juno at sinundan si Pastor habang nananatiling nagtataka. Sa muling paghakbang ko na ngayong papalapit sa cross ay muling bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na parang pakiramdam ko ay meron akong matutuklasan.



Pareho kaming nagulat ni Juno nang makita namin ang isang puntod na kung saan nakapwesto ang puting cross.

"Ate, libingan pala ito." Bulong ni Juno.

Nananatiling nakatuon ang tingin ko sa puntod habang pilit na inuunawa ang kakaiba kong pakiramdam. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, nag hahalo ang kaba, takot at lungkot kasabay ang pananatiling bilis ng kabog nitong dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ang pangingilid ng mga luha ko. Pansin kong nakatingin sa akin si Juno at Pastor pero nananatili parin akong tahimik at nakatuon ang tingin sa puntod. Napakabigat ng pakiramdam ko.

Muli akong humakbang para lapitan ang puntod. Lumuhod ako at hinawi ang mga tuyong dahong nakaharang sa nakaukit na sulat sa puntod.


Felicito Campaña


Sa mga oras na ito, hindi ko na nakayanan pang pigilan ang mga luha ko na ngayong patuloy sa pagbagsak nang mabasa ang pangalan ng nag-mamayari ng puntod na 'to.

Nanlalamig ang buo kong katawan. Sobra akong nasasaktan sa hindi mapaliwanag na dahilan. Daig ko ang nawalan ng pinakamamahal at makaramdam ng lubos na pagsisisi at konsensya.

"Patawad." Hindi ko alam kung bakit itong salita ang napakawalan ko habang hindi maawat sa pag-iyak. Sobrang sakit, sobrang naninikip ang dibdib ko. Muli akong napahawak sa puntod na parang gusto ko siyang yakapin pero imposible.

"Ate." Tawag ni Juno na ngayong nasa gilid ko at nakahawak sa likuran ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya.

"Hayaan mo munang makipag-usap ang kanyang puso, Hijo." Kalmadong saad ni Pastor na siyang pinagtaka ni Juno. Naramdaman ko ang pag-atras ni Juno para hayaang mabuhos ang lahat ng emosyon ko.

Kanina lang ay maganda ang bungad ng umaga sa akin dahil sa magandang pangyayari sa panaginip ko pero ngayon nag s-suffer ako sa sakit at lungkot. Kakaibang koneksyon ang nararamdaman ko sa pagitan ko at ng puntod na ito dagdag mo pa ang lubos na pagkagulat nang kapangalan nito ang lalaking laging nasa panaginip at ala-ala ko.

Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan na siyang dumampi sa pisnge ko. Kanina lang maganda ang panahon pero ngayon ay nakikisabay ang ulan sa pagbagsak ng mga luha ko at mistulang sigaw na gusto kong pakawalan ang mga kulog na umaalingawngaw sa aming paligid. Parang nakikiayon ang masamang panahon sa bigat ng nararamdaman ko.




Pinaglalaruan nga yata ako ng mundo.

DumarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon