Kabanata 11

0 0 0
                                    

                         Filipinas 1894 🕰

Nagising si Angelita dahil sa sikat ng araw na tumatamo sa kanyang mukha dahilan nang kanyang pagbangon. Pinagtataka rin ng dalaga kung bakit walang nagtangkang gumising sa kanya ng maaga sapagkat sa kanilang panahon ay bukang liwayway pa lamang gising na ang mga mamamayan upang gawin ang kanilang mga tungkulin.

Nagsimulang maglakad patungo sa palikuran si Angelita ngunit ito'y nahinto nang marinig ang kay sarap sa tenga ng tugtogin ng byolin na nagmumula sa kanilang balkonahe.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Angelita sapagkat kanyang batid na ang malumanay at nakakahumaling na tugtugin ay likha ng kanyang Ama. Ang bawat nota na lumalabas sa byoling tinutugtog ni Julio ay nagbibigay ng magandang bungad sa paggising ni Angelita.

Dahan dahan na lumapit at sumilip si Angelita sa kanilang balkonahe upang panoorin ang kanyang Ama na dalubhasa parin sa paggamit ng byolin.

Nakangiti at nakapikit ang mga mata ni Angelita habang dinadama ang paboritong tugtogin ng byolin na sariling likha ng kanyang Ama, ito rin ang madalas na tinutugtog ni Julio noo'y mga puslit na bata pa lamang ang kanyang mga anak. Hindi mawari ni Angelita ang saya na muling masilayan na hawak ng kanyang Ama ang byolin na matagal nang nakakubli sa ilalim ng kama ng kanyang mga magulang.

Minulat ni Angelita ang kanyang mga mata nang mahinto ang pinapakinggang musika. "Magandang umaga anak ko." Bati ni Julio at sumenyas sa kanyang anak na lumapit ito sa kanya. Hindi naman nag atubiling lumapit si Angelita at bakas sa kanya ang saya nang muling makausap ang Ama na animo'y maganda ang gising. Taliwas ang magaang presenya ngayon ni Julio sa ilang taon nitong pagbabago.

"Nandahil sa byolin na ito nagsimula ang aking pag-ibig." Panimula ni Julio habang nakangiti at nakatuon ang tingin sa hawak na byolin. Pinagtataka 'man ni Angelita ang magaang presenya ngayon ng Ama ay binalewala na lamang ito, masaya siyang muling makita ang ngiti at maaliwalas na itsura ng kanyang Ama.

"Nandahil rin sa musikang aking tinutugtog ay naitapat ko sa iyong Ina ang aking pag-ibig." Patuloy nito habang binabalik tanaw ang matatamis na nakaraan nila ng kanyang asawa.

Sumilay ang ngiti ni Angelita sapagkat kelan 'man ay hindi napapawi ang pag-iibigan ng kanyang Ama't Ina bagama't lumipas na ang ilang taon ng kanilang pagsasama.

"Ang aking pag-ibig sa iyong Ina ang siyang naging dahilan upang ipagkaloob sa akin ng Diyos ang masayang pamilya nang kayo'y dumating sa aming buhay, lalo na't nang ikay dumating mahal kong Anak." Dagdag na saad ni Julio, bahagya nitong nilapag ang byolin sa gilid at kinuha ang kahon na nakapatong sa lamesa mula sa gilid. "Maligayang kaarawan anak ko." Nakangiti niyang bati nang iabot sa anak ang hawak na kahon.

Nagitla si Angelita sa inaabot na kahon ng kanyang Ama. "P-para sa akin ho?" Hindi makapaniwalang saad ng dalaga nang kunin ang kahon mula sa Ama, bahagya naman natawa si Julio dahil sa gulat na reaskyon ng anak.

"Iyo mo nang buksan." Saad ni Julio habang hindi parin napapawi ang ngiti sa kanyang labi.

Tumango si Angelita at sabik na binuksan ang kahon na meroon pang nakataling kulay puting laso (ribbon). Agad niyang tinanggal ang nakabalot na papel sa kung anong malambot na bagay sa loob ng kahon.

"Kay ganda nito Ama!" Manghang saad ni Angelita nang itaas nito ang magarbo at kulay puting baro't saya na laman ng kahon. "Maraming salamat ho Ama!" Masayang saad ng dalaga at mahigpit na niyakap ang kanyang Ama dahilan upang mapahalakhak si Julio at niyakap pabalik ang anak.

DumarinaWhere stories live. Discover now