Kabanata 7

4 0 0
                                    

                         Filipinas 1894 🕰

Ikalima ng Desyembre ang araw ng kapanganakan ni Criselda De La Mora na ngayong ipinagdiriwang ng karamihan ganun na rin nila Angelita, Elena at ang pamilyang Aquantar ngayong hapon sa Hacienda De La Mora.

Hindi maiwasang mamangha ni Angelita at Elena dahil sa kanilang mga nasisilayan sa loob ng mansyon, ito'y gawa sa matitibay na tabla at bato, napakalawak at ubot ng laki, ka'y rami ring mga mahahaling obra at muwebles, meroon ring malaking aranya (chandelier) sa gitna ng kisame na siyang mas nagbibigay elegante sa mansyon, ganun na rin ang kanilang hagdanan sa gitna na nagpapatunay na lubos na makapangyarihan ang pamilyang De La Mora at sila'y tinitingilaan ng lahat. Halos lahat ng mga panauhin ay may karangyaan sa buhay at makapangyarihang pamilya.

Taimtim na nakaupo sina Angelita, Elena, Antonio at Erlito sa mga silya na nakapalibot sa isang pabilog na lamesa habang masayang nakikipagusap si Felicidad at Heneral Silvio sa ibang mga panauhin.

Agad na napatayo ang apat nang kanilang matanaw na patungo sa kanilang pwesto sina Felicidad, Heneral Silvio at si Gobyernador De La Mora.

"Gobyernador, sila nga ho pala ang aking tinutukoy sa iyo na aking magagandang pamangkin." Masayang pakilala ni Felicidad at yumuko ang dalawa sa Gobyernador na ngayong humihithit ng tabako.

"Maraming salamat at inyong pinagunlakan  ang aking imbitasyon, kinagagalak ko na kayo'y aking masilayan." Nakangiting saad ni Gobyernador De La Mora nang yumuko ito sa dalawang binibini bilang kanyang pagbati.

Purong kastila si Gobyernador Raquel De La Mora, insulares (Kastilang pinanganak sa Pilipinas) at nasa limam pu't limang taong gulang. Malaking tao at maganda ang tindig na kumakatawan na ito'y ubo't ng tapang sa kahit anong laban na kanyang hinaharap. Meroon rin itong makapal na balbas at bigote na siyang mas nagbibigay tapang sa kanyang wangis.

"Maraming salamat rin ho." Nahihiyang pasalamat ni Elena saka sila yumuko bilang paggalang sa Gobyernador ng kanilang bayan.

"Lapitan niyo lamang ang aking anak mamaya upang inyong makausap." Nakangiting aya ni Gobyernador De La Mora, tumango naman ang dalawa bilang pagtanggap sa alok ng Gobyernador.

"Matutupad ho." Tugon ni Angelita, tanging ngiti at tango naman ang nasagot ng Gobyernador sabay hithit ng tabako.

"Naririto na pala ang pamilyang Campaña." Anunsyo ni Felicidad dahilan nang kinagulat ni Angelita at sila'y mapatingin sa pamilyang Campaña na ngayong papalapit sa kanila.

"Amigo!" Masayang salubong ni Gobyernador De La Mora at ito'y humalakhak nang kanyang yakapin si Don Marcellino atsaka sila masayang nagkwentohan.

Tinuon naman ni Angelita ang kanyang tingin sa ibang direksyon sapagkat hindi niya kayang masilayan ng matagal ang pamilyang Campaña, kanya ring batid na nakatuon ang tingin ni Felicito sa kanya ngunit isiniwalang bahala niya ito na animo'y hindi nakikita.

"Bueno, maupo kayo at ako'y tutungo na muna sa harapan." Aya ni Gobyernador De La Mora atsaka na umupo ang pamilyang Campaña sa pwesto nina Angelita, muli na ring umupo sina Angelita bagama't labag sa kanyang loob sapagkat kanilang kasama ang pamilyang Campaña sa hapag-kainan lalo na't kaharap nito si Felicito.

"Ako'y nagagalak sapagkat kayo'y naririto Binibining Angelita at ikaw rin Binibining Elena." Masayang saad ni Donya Faustina dahilan nang mapangiti si Elena samantalang nananatili namang nakayuko si Angelita.

DumarinaWhere stories live. Discover now