Kabanata 4

8 0 0
                                    

Filipinas 1894 🕰

Sa unang palapag ng tahanan ng pamilyang Alegria sa kusina ay nagkwekwentuhan sina Angelita, Elena at Imelda habang sila ay patuloy na nagluluto ng mga putahe para sa kanilang negosyo. Alas singko pa lamang ng umaga ay nagsimula na silang magluto sapagkat maaga pa lamang ay inuusig na ng mga suki ang kanilang karinderya.

"Talaga? Pinasyal ho kayo ni Ginoong Felicito sa kanilang hardin?" Kinikilig na tanong ni Imelda nang mahinto ito sa paghihiwa ng sibuyas. Tumango naman si Angelita habang hindi mapigilang ipakita ang ngiti dahil sa ito'y lubos na kinikilig.

"Hindi ba't ang bilin ay-" Putol na saad ni Elena nang biglaang mag-salita si Angelita.

"Huwag ho kayong mabahala ate Elena, aming kasama ang dalawa nilang tagapagsilbi habang kami ho ay namamasyal sa kanilang hardin. Hindi naman siguro papayag si Donya Faustina kung dalawa lamang kami ng kanyang anak na magkasama." Seryosong saad ni Angelita ngunit nananatili parin itong nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun. Labis lamang kita pinag-iingatan kapatid ko. Iyong batid na tayong mga babae ay nararapat na umingat lalong-lalo na ang pag-ingatan ang ating pagiging-birhen." Bilin ni Elena habang patuloy sa paghahanda ng mga sangkap.

"Ate Elena, sa palagay mo ho ba ay basta-basta ko lamang ito ipagkakaloob?" Nakakunot noong saad ni Angelita dahilan nang bahagyang matawa si Imelda.

"Bagama't lubos kong hinahangaan si ginoong Felicito ay hindi ako papayag na ipagkaloob ko ito ng ganoon na lamang." Muling saad ni Angelita dahilan nang mapangiti si Elena sapagkat bakas sa boses at itsura ng kanyang kapatid na ito'y totoo sa kanyang mga sinasambit.

"Bukod doo'y, lubos na ginagalang ni ginoong Felicito ang mga kababaihan kung kaya't hindi niya hangad na pansamantalahan ang ating kahinaan." Muling saad ni Angelita, tanging pagtango na lamang ang nasagot ni Elena habang patuloy parin itong nakangiti.

"Talaga ngang lubos na kahanga-hanga si ginoong Felicito." Nakangiting saad ni Imelda dahilan nang mapalingon sa kanya si Angelita.

"Huwag ho kayong mabahala binibining Angelita, akin lamang pinupuri si ginoong Felicito at wala ho akong pagtingin sa kanya." Muling saad ni Imelda nang kanyang mabasa ang nais sabihin ng mga mata ni Angelita. Bahagyang natawa si Elena sapagkat tila ba'y nagseselos ang kanyang kapatid.

"H-hindi naman ako labag kung magkaroon ka ng pagtingin kay ginoong Felicito." Nahihiyang saad ni Angelita dahilan nang bahagyang matawa si Imelda at Elena.

"Oho binibini." Nakangiting saad ni Imelda sapagkat hindi niya nais na tuloyang maasar sa kanya ang kanyang amo.

"Ituloy mo na lamang ang iyong kwento." Tawa ni Elena, muli namang napangiti si Angelita sapagkat muli niyang nagunita ang kanilang pamamasyal ni Felicito sa hardin.

"Kanyang tinanong kung ano ang aking pangalan at nang ilahad ko sa kanya, kanyang sinambit na kinagagalak niya akong makilala." Namumulang saad ni Angelita habang pilit nitong tinatago ang kilig na nararamdaman.

"Sumunod ay pinagkalooban niya ako ng isang napakatamis na ngiti habang tumatamo ang aming mga mata." Muling saad nito habang ginugunita ang masayang karanasan kasama ang binata dahilan nang hindi na maiwasang kiligin nina Elena at Imelda.

"Sumunod ho ba ay nakaramdam ka ng init sa iyong mukha, Binibini?" Tanong ni Imelda nang kanilang lapitan si Angelita na ngayong naupo sa isang silya. Tumango naman si Angelita habang hindi parin maalis ang ngiti sa kanyang labi.

DumarinaWhere stories live. Discover now