Kabanata 10

2 0 0
                                    

                         Filipinas 1894 🕰

Dinadagsa ng maraming tao ang  matagumpay na karinderya ng pamilyang Alegria dahil sa kanilang bagong espesyal na luto na inimbento ni Angelita at umabot na sa tapat ng kanilang karinderya ang linya ng rumaragasang mga suki.

Abala ang pamilyang Alegria sa pag-aasikaso sa kanilang mga suki. Kaya namang maghintay ng iba na nasa labas matikman lamang ang dinadagsa ngayong Paella ala Alegria.

Mabilis na naging kilala ang Paella ala Alegria dahil sa tulong ng mga kaibigan ni Angelita na sina Pablo at Isay, simula nang kanilang matikman ang napakasarap na luto ni Angelita kanilang pinagkalat sa iba ang lutong ito at hindi lumaon ay dinagsa na ito ng maraming tao nang maging kabilang sa listahan ang Paella Ala Alegria.




"Tunay ngang hulog ka ng langit sa ating pamilya, Angelita." Nakangiting saad ni Elena habang meroon itong bitbit na bandeha na lulon ng mga putahe.

Hindi na nagawang sumagot ni Angelita at binigyan niya lamang ng ngiti ang kanyang ate Elena sapagkat abala ito sa pagluluto. Mabuti na lamang ay kanyang naisulat sa kuwaderno ang proseso at mga sangkap sa pagluluto ng Paella ala Alegria bago pa niya ito makaligtaan.


"Anak, nandirito sina Pablo at Isay." Saad ni Fidela nang kanyang lapitan si Angelita. "Sige na, iyo mo silang tunguin at paakyatin na lamang sa pangalawang palapag sapagkat wala ng bakanteng silya sa ating karinderya." Utos ni Fidela at kinuha ang hawak na sandok ni Angelita. Hindi nila inaaksaya ang bawat segundo sa kanilang serbisyo sapagkat kinakailangan nila ng mabilis na kilos.

"Sige ho Ina." Tugon ng dalaga, agad itong lumisan sa kanilang kusina at tumungo sa karinderya upang sundin ang utos ng kanyang Ina.


"Angelita!" Masayang salubong ni Isay sabay akap sa kanyang kaibigan. Ito na ang ikalimang beses na tumungo sina Pablo at Isay sa karinderya nina Angelita upang muling matikman ang napakasarap na Paella ala Alegria, simula nang kanila itong matikman ay kanila na itong hinahanap-hanap.

"Maligayang pagbabalik aming mga suki." Nakangiting bati ni Angelita dahilan nang matawa ang kanyang mga kaibigan.

"Bagama't bakas sa iyo ang pagod, hindi parin napapawi ang iyong maaliwalas na itsura." Hirit ni Pablo sabay bahagyang lahad ng kanyang sumbrero sa dibdib at yumuko bilang paggalang at bati sa iniibig.

"Marahil ay gutom lamang iyan Pablo." Biro ni Angelita sabay tapik sa kaibigan, humalakhak naman si Isay dahil sa kanyang sinambit. "Halikayo sa itaas, kayo'y doon na lamang kumain." Lumingon-lingon ang kanyang mga kaibigan sa paligid na puno ng mga suking masaganang kumakain sa kani-kanilang hapag-kainan.

"Mabuti na lamang Ikay' aming kaibigan." Masayang saad ni Isay, bahagya namang natawa si Angelita.

"Kayo ang pinaka espesyal na aming suki kung kaya't nasa itaas kayo." Malambing na saad ni Angelita dahilan nang gumuhit ang ngiti sa mga labi ng kanyang mga kaibigan.

"Kung ganun...ako'y espesyal sayo?" Muling hirit ni Pablo dahilan nang mapahawak na lamang sa noo si Angelita at mapailing si Isay dahil sa kapilyohan nito. Sa bawat pakikipag-usap kay Angelita ay hindi mapawi ang mga banat ng binata.

"Bueno, tayo'y tumungo na sa itaas." Pag-ibang usap ni Angelita sabay hawak sa kamay ni Isay at sila'y naunang umakyat ng hagdan patungo sa pangalawang palapag.

"T-teka sandali!" Saad ni Pablo na ngayong napapahuli sa paghakbang ng hagdan.



Pinaupo ni Angelita sina Pablo at Isay sa hapag-kainan ng kanilang tahanan. Bilang kanyang mga kaibigan at lubos na mahalaga sa kanyang buhay ay nararapat lamang na pagkalooban niya ito ng espesyal na serbisyo.

DumarinaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ