Kabanata 12

1 0 0
                                    


Filipinas 1894 🕰

Magkasama si Angelita at Elena sa loob ng silid ni Angelita, nakaupo ang dalawang mag kapatid sa kama habang masayang binubuksan ni Angelita isa-isa ang mga natanggap na handog makalipas ang isang gabi ng ipagdiriwang ang kanyang kaarawan. Araw rin ng kanilang pahinga kung kaya't sila'y malaya sa mga nais gawin.

Bahagyang inaamoy ni Elena ang pabango na natanggap ni Angelita mula sa kanyang Tiya Felicidad. "Ito rin ang aking natanggap mula kay Tiya Felicidad noong kaarawan ko. Si Tiya talaga, nais niya atang magkatulad ang ating amoy." Tawa ni Elena dahilan upang mapahalakhak rin si Angelita.

"Nais ko naman ito dahil sa ubot na bango." Ngiti ni Angelita nang kunin mula kay Elena ang pabango, inamoy niya ito at pinikit ang mga mata na animo'y nakarating sa hardin ng mga rosas sapagkat ang amoy ng pabango ay nakakahumaling na rosas.

"Sa aking palagay, isa iyan sa mamahaling handog na iyong natanggap. Nagmula pa iyan sa Europa, ipinadala ng pricipales na kaibigan ni Tiya Felicidad na namamalagi sa Europa." Wika ni Elena, tumango-tango naman si Angelita. Nang ikasal si Felicidad kay Heneral Silvio, siya'y nagkaroon ng matatalik na kaibigan na mayroong karangyaan sa buhay.

Pinagpatuloy na muli ni Angelita ang pagbubukas ng mga handog, ang ilan sa kanyang mga natanggap ay pang burda, mantel, tasa, kuwaderno, pabango, kolorete, palamuti, sabon, talaarawan, pluma, barot saya, panyo, abanikong pamaypay at libro, ngunit mayroon pa siyang apat na handog ang hindi pa nabubuksan.

Nakatanggap rin siya ng plorera (flower vase) ang handog na ipinadala ni Doña Faustina at pitaka naman na gawa sa katad (leather) mula kay Don Marcellino. Hindi mawari ni Angelita ang tuwa na kanyang nadarama sapagkat hindi siya nakaligtaan ng Don at Doña ng pamilyang Campaña.

"Nakakatuwa naman! nakatanggap ka ng mga handog mula sa kanila. Tiyak na mamahalin iyan at nagmula pa sa labas ng bansa." Masayang saad ni Elena.

"Tama ka ate" Masayang saad ni Angelita habang nakatuon ang tingin sa mga handog na kanyang natanggap mula sa makapangyarihang Don at Doña Campaña. Bagama't hindi sila nakadalo sa kaarawan ni Angelita ay hindi naman nila ito nakaligtaan.

"Oh heto, sa aking palagay ay mula kay Pablo." Inabot ni Elena kay Angelita ang isang handog, medyo mahaba ito at nakabalot rin ng tela at maayos ang pagkatali.

Dahan-dahan na binuksan ni Angelita ang handog at ito'y isang sandok na gawa sa matibay na kahoy, naibigan naman ito ng dalaga at siya'y napangiti, "Mayroon na rin akong personal na sandok sa pagluluto, sana'y mas maging masarap ang aking luto kapag ito ang aking gamit." Ngiti ni Angelita dahilan upang bahagyang matawa si Elena.

"Angelita, mayroong kasamang liham! Aba ano naman kaya ang nakasaad rito." Kutya ni Elena nang kunin ang naiwang liham. Halos lahat ng handog ay mayroong liham at ang iba naman ay walang nakasaad na pangalan sapagkat ang iba ay nagmula sa mga palihim na umiibig kay Angelita.

Kinuha ni Angelita ang liham mula sa kanyang ate Elena at ito'y taimtim na binasa.


Desyembre 25, 1894

Minamahal kong Prinsesa,

Batid kong malaking tulong sa iyo ang aking handog, ito'y gawa sa matibay na kahoy kung kaya't panatag akong tatagal ito sa iyo. Tulad na lamang ng aking pag-ibig sa iyo, iyon lamang mas matibay at mas matagal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DumarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon