Chapter 31

2.9K 31 0
                                    


Chapter 31

Two Stories

I LET Koen sleep beside me. The past few nights, he was sleeping in his own room, together with his cousin, Jannah. Habang nasa guest room naman si Hugh at Jade.

When he turned three, I already gave him his own room. I wanted him to grow up with his own, personal space.

This time, he requested to sleep beside me.

"I sleep with you, mommy," malambing ang boses nitong saad.

Natawa ako nang kuhanin niya ang dulo ng comforter ko sa kama. Hinila niya ito kahit halata sa kanyang nahihirapan at nabibigatan siya. It was a weighted comforter, so I understand if he was having a hard time pulling it.

Tinago ko ang kamay ko sa ilalim ng comforter at patago siyang tinulungan sa pag-angat noon. He was able to pull it easily. He placed it just above my chest and gave it a small pat.

Lumipat na ang tingin nito sa akin. He sat beside me as his small hand caressed my cheek. Unti-unti itong lumapit at hinalikan ako sa pisngi.

"Kiss boo boo, mommy. Koen is here, so you won't have nightmawes," he whispered with his small voice.

A chuckle left my lips. Medyo hirap pa talaga siya sa pagbanggit ng 'r' minsan. Inangat ko ang isa kong kamay at pinalibot iyon sa kanya.

"Sleep beside mommy, okay?" malambing kong saad. He immediately nodded as he plastered a small smile on his pink lips.

I slept peacefully that night. Gumising na lamang ako nang mag-alarm ang cellphone ko. It was time for my 12-hour shift again.

Dahan-dahan akong umalis ng kama para hindi magising si Koen. I prepared all of his things for school first and placed it in the living room for him to grab.

I was able to clock in on time for work. I did my usual work load. I did some rounds, checked some vital signs, charting, and giving medicines to patients.

It was a pretty chill work day compared to other days. So far, we still haven't experienced any emergencies.

Hangga't sa dumating ang hapon. I only have a few more hours to finish.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong tawagin nina Cathy noong break namin. "Nica, nakita ko si Koen sa labas, ah? Hindi mo ba siya pupuntahan?" tanong nito sa akin.

My brows furrowed upon hearing her. Koen is here? But, he just finished school...

Bagong pasok si Cathy at magsisimula palang ng fifteen minutes break niya.

"Nandyan si Koen?" tanong ko pa.

"Oo. Nakita ko sa may nurses' station, malapit sa opisina ni Dr. Gray," sagot pa niya.

Mabilis akong napatayo nang marinig kung nasaan ang anak ko. Shit. Bakit bigla siyang pumunta dito?

"Hindi mo ba alam na pupunta siya dito?" nagtatakang tanong ni Cathy.

Mabilis itong napadaing nang bigla siyang batukan ni Pauline. "Gaga ka talaga, Cathy. Baka i-susurprise niya nanay niya!" pagalit na sabi ni Pauline.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Cathy. "Hala, shit! Sorry!" She even showed me a peace sign.

Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa at nagmamadaling tumakbo papunta sa opisina ni Dr. Gray.

Nagulat na lamang ako nang makitang nakabukas nang bahagya ang pintuan sa opisina nito. Dahan-dahan akong napatigil nang magbukas ito.

It revealed a brunette man wearing a white coat. He was smiling while talking to someone from the inside. Tumango ito at kumaway pa bago tuluyang lumabas ng opisina ni Dr. Gray. It was Silas.

Memories in the Rain (Imperfect Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon