Chapter 26

2.7K 32 1
                                    


Chapter 26

Bouquet of Memories

"WE'RE sorry, Nica. We really tried, but we can't find him," bungad sa akin ni Hugh nang papasukin ko sila ni Andre sa loob ng apartment ko.

Bumagsak ang balikat ko. Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa gilid ng braso ko. She caressed my arm up and down.

It has been two days already since Hugh and Andre started their search for Jaydee. Mas lalo lamang akong pinanghihinaan ng loob sa bawat araw na sinasabi nilang hindi pa rin nila ito nahahanap.

I'm starting to lose hope now. If Hugh and Andre can not find him, then what more could I do? Kung silang may mga pera ay hindi na siya mahanap, paano pa ako?

"I've already hired some men. Unfortunately, it has been days and they still weren't able to trace anything," singit ni Andre.

That was the last string. I won't be able to see him again. Hindi ko na siya makikita pa.

Humigpit ang hawak sa akin ni Mama dahilan para mapahawak ako sa kamay niya. I held tightly onto her, hoping to get some of her strength.

"How about Hana, Hugh? May alam na ba siya?" tanong ko kay Hugh.

"Still the same. She doesn't know anything. Kahit si Hana ay nagulat sa biglaan nilang paglipat kay Jaydee," Hugh answered.

I let out a heavy sigh. Tumango ako sa dalawa at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. "Thank you, the both of you..." I trailed off.

"We will still try to search for him, Nica. We'll get in touch with you once we get something," pahabol ni Andre.

Hinatid ko sa labas ang dalawang lalaki. Nang maiwan na lamang kaming dalawa ni Mama sa apartment ay saka lamang ito nagsalita.

"Mahahanap din natin siya, anak. Tiwala ka lang," she softly said.

I gave her a small smile. "I'm starting to lose hope, Mama..." mahina kong sagot.

She spread her arms wide and smiled at me. Lumapit ako sa kanya at mabilis na tinanggap ang yakap nito.

"Kaya mo 'yan, 'nak. 'Wag kang panghihinaan ng loob, kailangan ka pa ng baby mo..." she whispered.

Paulit-ulit akong tumango sa kanya. I gulped as I tightly closed my eyes. I just wish... that a miracle would happen.

"How about you, Mama? Kumusta sa trabaho?" tanong ko rito.

I don't want everyone's world to revolve around me, as if I'm the only person who has problems. I still know that my mother and siblings need my support.

"Hindi masyadong maganda. Pero naghahanap na ulit ako ng bago. May interview rin ako bukas," she answered, her voice was full of enthusiasm.

A genuine smile has made its way to my lips. Hinagod ko ang likuran nito. I'm genuinely happy for her. I can see that she's trying very hard to earn a job. Sadyang mahirap lang din humanap.

"Don't hesitate to ask me if you need help, okay?" bulong ko.

"Ano ka ba, Nica! Kailangan mo na rin magsimulang mag-ipon para sa panganganak mo. Mahal manganak, lalo na kung magtatagal ka sa hospital!" she said.

Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa akin. Her smile was wide when she looked back at me. 

"Excited na 'kong lumabas ang apo ko! Aba'y kahit araw-araw mo 'yang iwan sa akin, aalagaan ko 'yan!" she said as her gaze lowered to my small stomach.

A chuckle escaped my lips. "Baka naman pabayaan mo na sina Amy at Aamon!" pang-aasar ko rito.

"Aba, malalaki na sila! Kaya na nila ang sarili nila. Kailangan ako ng apo ko," she said and softly touched my stomach.

Memories in the Rain (Imperfect Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon