Chapter 22

1.2K 19 0
                                    


Chapter 22

It's Raining

BUMUKAS ang pintuan ng condo dahilan para gumawa ito ng ingay. Nang lumipat ang tingin ko doon ay agad namang pumasok si Jaydee.

He's carrying his black bag on one hand as he takes off his black cap with the other. Agad akong nakarinig ng malalim na buntong-hininga mula sa kanya. Umayos ako ng upo sa couch at nilagay sa gilid ang hawak na laptop.

Bagsak ang tingin nito habang tinatanggal ang sapatos sa may pintuan. With slumped shoulders, he walked in the condo without even looking at me.

Tumayo ako mula sa couch at agad itong nilapitan. I forced a small smile on my lips before calling for his attention.

"Hey, how's your day?" dahan-dahan kong tanong dito. I grabbed the black bag from his hands and carried it on my own. "Ako na," dagdag ko pa.

He let me take the heavy bag from him. Pinatabi ko ito bago siya muling binalikan.

He started to unbutton the button shirt that he's wearing. Gulong-gulo ang buhok nito at halata sa mukha ang pagod. His eyes are droopy and the smile that he always used to wear is no longer there.

I reached for him and helped him unbutton his shirt. Hinayaan niya lamang ako. While doing that, he continued to stare down at me.

"Gusto mo bang kumain? May niluto akong chicken curry. Pag-iinit kita ng ulam at kanin," I gently offered him.

Nang matanggal ko na lahat ng butones ng damit nito ay mabilis akong naglakad sa loob ng kwarto. I looked for a new shirt that he can wear.

Habang naghahanap ako sa aparador ng damit para sa kanya ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kamay na pumalibot sa aking baywang. He enveloped me with his arms and pulled me in him, my back hitting his chest.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat ngunit agad din itong napalitan ng kunot ng noo. I slowly closed the closet and placed my hand on top of his that was resting against my stomach.

"I love you, Nica. Mahal na mahal kita..." biglaan nitong bulong bago sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko.

Mas lalo lamang akong nagulat sa ginawa niya. My heart skipped a beat as I tried to show him a smile.

He's been a bit distant lately. He's always busy, especially now that he got promoted at work. Naiintindihan ko naman.

He told me from the very start that he didn't want to get to the top just because he's the son of the owner. Gusto niyang magsimula sa baba at tumaas dahil sa sarili niyang sikap.

Lagi na siyang late umuuwi. Minsan ay hindi ko na nga siya naabutan pa.

"I love you, too. Gusto mo na bang kumain?" malambing kong tanong dito.

Humarap ako sa kanya at hinayaan lamang siyang yakapin ako. I placed my hand on top of his hair and lightly caressed it.

"Sasabayan mo 'ko?" tanong nito.

Our eyes met when he lifted his head. Tumango ako bilang sagot. I've already eaten, but I'll eat again just to spend some time with him.

"Sasabayan kita," sagot ko.

Sumilay na ang maliit na ngiti sa labi niya. Humiwalay siya mula sa pagkakayakap at kinuha ang damit mula sa kamay ko. He gave me a swift kiss on the lips.

"Okay. Bibihis lang po ako," mahina nitong sagot.

I gave him a small smile before walking out of the room. Nag-init ako ng ulam at kanin para sa aming dalawa. I also made him tea to help him relax.

Memories in the Rain (Imperfect Girls Series #3)Where stories live. Discover now