39

10 2 0
                                    

Few days ago, I already got my own car. Nagpa driving lesson na rin ako kasi anong gagawin ko sa sasakyan na 'to kung hindi naman ako marunong magdrive.

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon. Papunta ako sa airport dahil ngayon ang biglaang pag alis ni Love papunta sa America. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Love sa pagalis niya, dahil maging ako ay ngayon ko lang din nalaman.

Pagkarating ko sa airport, natanaw ko na agad sina Love, Elisha and Mirelle sa departure area.

Nakita naman nila ako at sinalubong naman nila ako ng ngiti. I looked at Love who obviously, forcing a smile.

"Aalis ka talaga, Love?" She just shrugged.

"Yeah... This is the best way I can do to... move on..." she said while looking away.

I guess, she broke up with Tristan..

"You can always come back here... Nandito lang kami lagi para sayo, Love" ani ni Mirelle, naluluha na.

"Yeah, also If you need help, I can go to America to visit you." Sabi naman ni Elisha.

Tumango naman ako. "Take care of yourself there... You can call me anytime."

"Thank you so much guys! No drama. Baka Amerikano talaga ang para akin, diba? Joke.." biro ni Love, nagtawanan naman kami.

"Truth. Lumandi ka doon." Pagkunsinti ni Mirelle, nag apir silang dalawa. Napailing nalang ako.

"Sige na, mamimiss ko kayo guys." Niyakap kami ni Love isa isa.

"Kami lang dapat ang ma-miss mo ha!" asar ko, umikot naman ang mata ni Love.

"Of course!" Bago siya tuluyan umalis, bitbit ang isang maleta.

Kumaway pa kami hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin namin.

After that, umalis na rin kami nina Mirelle at Elisha sa airport. Nagusap pa kami at kaunting nag chikahan sa malapit na cafe. Then, nagpaalam na rin ako na aalis na since I will have a ribbon cutting ceremony later in the opening of new branch of my coffee shop.

But before that, pupunta muna ako sa LuxBreeze Hotel. May seminar kasi ulit si Kael and syempre pupunta ako para suportahan siya.

Hihi..

A month ago, nagkabalikan kami ni Kael and it's still feels surreal kaya naman nangingiti ako habang nagmamaneho.

Pagkapasok ko sa loob ng venue ay nagsisimula na si Kael magsalita sa maliit na stage. Malawak naman siyang napangiti nang makita ako pumasok. Kaunti akong kumaway sa kaniya at pumwesto sa gilid ng silid.

Mula dito ay pinapanood ko si Kael. Marahan ang pagbukas ng kaniyang labi, habang may multo ng ngiti dito.
Patingin tingin din siya banda sa akin habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasan na purihin ang perpekto niyang mga panga.

He's so hot on that suit. Shet! I can't believe boyfriend ko na ulit siya.

I look sideways and saw Elise approaching in a distance. I stood up straight.

She cleared her throat before speaking.

"You're together, again?" She glance at Kael a little. Nakakapagtaka dahil hindi ko nakita ang Aekspresyon na ineexpect ko sa mukha niya.

I nodded. "Bakit? Inggit ka?" Asar ko. She just scoffed at me.

"No way. Sayong sayo na yan si Kael."

Napabaling ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. I thought she likes Kael too.

"Ha? Akala ko ba desperada ka sa kaniya?" Nandidiri siyang tumingin sa akin.

"That was from the past. Nagbago na ang isip ko, ayoko na pala sa kaniya. And, huli ko na rin narealize na sa sobrang ganda kong to mababaliw lang ako sa isang tao na patay na patay sayo." Mapaklang sabi ni Elise.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now