30

13 2 0
                                    

Lumabas muna kami sa silid ni mama upang magusap. Nandito kami ngayon sa upuan sa gilid ng mga rooms. Nakaupo lang ako at nakikinig sa mga sinasabi nila.

"May tuberculosis ang mama mo, Eirene at kailangan niya nang maoperahan as soon as possible." saad ni papa. Tumikhim ako dahil naramdaman ko ang pagbara ng lalamunan ko. Pinipigilan ko ang maiyak sa harapan nila lalo na ni Janine.

"K-kailan p-pa?" Utal kong tanong. Hindi ako makatingin sa kanila kaya sa sahig na puting tiles nalang ako nakatitig.

"A few months ago. Kaya hindi siya makapagpadala ng pera sa iyo dahil bumibili siya ng gamot para sa sakit niya" tumango ako kay papa. Dahil doon ay naliwanagan ako kahit papaano. Bakit hindi sa akin sinabi ni mama?

"Kinausap namin siya pero ayaw niyang sabihin sa iyo dahil magaalala ka lang daw at madidistract sa pag aaral mo" sabi naman ni Janine. Kahit may sakit na si mama, ako pa rin ang iniisip niya. Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa kanang mata ko.

"Tinulungan namin siya. Kami ang bumibili ng gamot niya. But, ang kapalit noon ay magtatrabaho siya para sa amin" dagdag ni Janine. Kaya pala hindi sumama sa akin si mama dahil may kasunduan siya kina Janine.

"B-bakit? Alam niyo ng may sakit si mama pero pinagtrabaho niyo pa rin? Inaapi niyo pa!" hindi ko mapigilan na sabihin iyon sa kanila.

"Cause there's nothing free in this world, Eirene. Magpasalamat ka nalang dahil tinulungan namin ang mama mo!" Elise said. Tch. Ang sabihin nila hindi sila marunong tumulong nang bukal sa puso.

"E'di thank you." Sarkastikong saad ko.

"Stop fighting! Kahit ngayon lang ay magbati naman kayo!" Suway ni papa sa amin. Umikot lang ang mata ko. Ganoon din si Elise. Humalukipkip naman si Janine.

Umalis si papa at iniwan kaming tatlo dito.

"Tutulong kami sa mga gastusin sa pagpapaopera at chemotheraphy ng mama mo. Kapalit nito ay dapat mong sundin ang gusto ng anak ko." hinawakan ni Janine sa balikat si Elise na nakangisi na sa akin ngayon. Umalis na rin si Janine para sundan si papa.

Sinamaan ko ng tingin si Elise na nakahalukipkip sa harap ko. Tumayo ako para pantayan ang titig niya.

"Ano na naman bang kasamaan ang naisip niyong mag ina?"

"Shh! Hindi ka dapat magtaray ngayon, step sis. Kayo ang may kailangan ng tulong. Gusto mo ba mamatay ang mama mo?" naestatwa ako sa huling sinabi ni Elise.

"Huwag mong sabihin iyan! Hindi mawawala si mama!" malakas kong bulyaw sa kanya. Lumaki naman ang ngisi niya.

"Aww, it's okay. We're here to help." tumigil siya saglit sa pagsasalita.
"Kung hihiwalayan mo si Kael" seryosong sabi ni Elise.

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na aabot ang kalandian ni Elise sa ganito.

"H-hindi ko magagawa iyan" hindi ko kaya hiwalayan si Kael.

"Okay lang naman. Pero huwag mo nang aasahan na tutulungan ka namin. Ang mahal pa naman ng bills sa hospital lalo na ang pagpapaopera ng mama mo, Eirene!"

"Magisip ka muna bago mo sabihin na hindi mo kaya. Si Kael lang iyan, kayang kaya ka niya kalimutan kapag nagkabalikan na kami at ikaw, makakalimutan mo rin siya." I dont think so. Iniisip ko pa lang na makikipaghiwalay ako kay Kael ay hindi ko talaga kaya.

"Kapag nakipaghiwalay ka kay Kael ay maooperahan ang mama mo. Mabubuhay ang mama mo at makakasama mo pa siya. Its a win-win situation for the both of us." napakurap ako sa mga sinabi ni Elise.

"You have to choose, ang mama mo? Or si Kael?" ngising sabi ni Elise. Iniipit niya ako sa napakahirap na sitwasyon.

Inaasahan ko na gagawin ni Elise ang lahat magkabalikan lang sila ni Kael. Pero hindi sa ganitong paraan na gagamitin nila si mama. Pareho kong mahal si mama at Kael, hindi ko akalain na darating ako sa sitwasyon na kailangan kong mamili sa kanila.

Because This Is My First LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat