28

5 1 0
                                    

1 week pa raw bago makalabas si Kael ng hospital since may mga test pa daw ang kailangan gawin sa kanya. At ilang days pa raw bago tuluyang gumaling ang fractured ni Kael sa braso.

Nandito ako ngayon sa company para sa part time work ko. Sinabi ko na rin kay Kael na hindi ako makakabisita ngayon sa kanya dahil mago-overtime ako. Nagtampo siya ng kaunti pero pumayag din naman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang chismis about sa nilandi ko si Kael and gold digger daw ako. Ngising ngisi naman si Michelle dahil nakagawa siya ng samahan ng mga taong galit sa akin.

Well, wala naman akong pakialam.

Bukas, lunes, malalaman na ang result ng final exam namin. Excited ako na medyo kinakabahan, though nagreview naman ako. Ipapaskil na rin ang mga students na deans lister at pasado. Bukod doon, ipapaskil din ang mga estudyanteng bumagsak. Tanging dasal ko lang ay wala ako sa listahan ng mga bumagsak.

Kinagabihan ay dumiretso na ako sa condo galing work. May ipinadala na naman na sulat. May nakumpirma ako nang mabasa ko ang sulat.

'Sayang hindi pa siya natuluyan.'

Confirmed! Ang taong nagpapadala ng sulat sa akin ay siya ring dahilan kung bakit naaksidente si Kael.

Nilukot ko ang papel at pabastang tinapon iyon sa sahig. Ang ibang sulat niya ay itinabi ko para may ebidensya ako kapag nagsumbong ako sa NBI. Pero for now, akin nalang muna ito dahil malakas ang pakiramdam ko na kilala ko ang tao sa likod ng mga sulat na ito.

Umakyat na ako sa room. Naghalf bath at kumain muna ako bago humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko. Sabi kasi ni Kael, kung hindi ako makakabisita sa kanya sa hospital ay mag video call nalang daw kami. I agreed with him because i wanted to see his condition, if its improving or not.

Matagal akong nakatitig sa blank screen ng cellphone ko. Maya maya ay sumulpot ang picture ni Kael na nagre-request ng video call. I immediately answered it.

Nakangiti siya at kumaway sa akin sa kabilang screen. Kumaway ako pabalik.

"Hi, mahal! I miss you" kaunti siyang ngumuso. Nakacast parin ang isa niyang braso niya.

"Magkasama lang tayo kahapon ah"

"Miss kita eh!" tugon ni Kael.

"Kumusta work? You looked tired, you should sleep. Bukas nalang tayo magvideo call" dagdag niya.

"No, gusto kita makausap. Sino kasama mo diyan?"

"Ako lang. Umalis sina mommy at daddy to buy foods. Ikaw? Magisa ka nanaman diyan sa room mo."

"Yeah, sanay naman na ako"

"Magsama na kasi tayo sa iisang bahay. Nang sa ganoon may kasama ka na" tumaas baba ang kilay niya.

"Sino naman magiging kasama ko eh busy ka sa trabaho?" akala mo talaga mag asawa na kami eh!

"Edi mga anak natin" ngisi niya. Ang landi talaga.

"Ewan ko sayo. Puro ka kalokohan Magpagaling ka na lang para makalabas ka na diyan at makapunta ka na dito"

"Yess boss! Actually mabilis na nga daw ang recovery ko sabi ni Doc. Ang sarap kasi ng paguusap natin kahapon kaya lumakas ako" namula ako dahil sa sinabi ni Kael na ngayon ay ngiting ngiti.

Ano iyon? Kumuha siya ng lakas sa 'ano' ko?

"Tse! Hindi na mauulit iyon no!" irap ko ngunit may tinatagong ngisi sa labi.

" Talaga?... Mahal.." mapangakit niyang saad sa kabilang screen.

"Mapaguusapan naman iyan." Natawa siya sa sinabi ko.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now