10

9 3 0
                                    


Pagkarating na pagkarating palang namin sa room ko ay kinulit na agad nila ako na magkwento. Kinuwento ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari. From the first time na nakita ko sina Kael sa room ko hanggang sa pag confess niya sa akin sa Coazy Bar. Para naman silang binudburan ng asin sa kilig. Kahit wala naman nakakakilig.

Nakatulog na rin kami after that. Dito sila sa kwarto ko natulog at nagsiksikan kami dito.

I woke up with a headache. Hinawakan ko ang ulo ko at tumayo sa kama. Nakita ko si elisha na tulog pa sa kama. Lumabas na ako ng kwarto.

Naabutan ko si Mirelle na may niluluto sa kusina. Si Love na nasa sofa at nagkakape. Napatingin silang dalawa sa akin.

"Good Morning" tumabi ako kay Love. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng sofa at ipinikit ang mata. Ang sakit ng ulo ko!

"Wait lang, malapit na itong lugaw" narinig kong sabi ni Mirelle.

Good thing is hindi na sila nagtanong pa about last night. Baka nakalimutan na rin nila since lasing na kagabi. Or that's what i just thought?

"So ano ng balak mo kay Kael?" biglang tanong ni Love. Napadilat ako dahil doon.

"Ewan ko" totoong sagot ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Girl, I-grabbed mo na ang chance na magkajowa ka."

"Playboy 'yon. What if pinaglalatuan niya lang ako, diba?" pagooverthink ko. "Atsaka ayoko magpadalos dalos ng desisyon."

This is my first time na makaranas ng ganito. Yung tipong gulong gulo ang isip ko dahil sa isang lalaki lang. Hindi ako sure kung kinikilig ba ako or natatakot lang.

"Right! You have a point. Edi i-reject mo nalang siya" Love shrugged at me.

All my life, kaya kong mang reject ng mga nagconfess sa akin before. Dahil wala talaga akong feelings sa kanila, pero ngayon iba eh. If i am gonna be honest, Kael's words affected me. And it keeps replaying in my head. Parang ang hirap niyang i-reject.

Naglakad na si Mirelle sa amin. May dala siyang dalawang mangkok ng lugaw at ibinaba ito sa mesa. Umupo siya sa kabilang sofa.

"I can't" gulat silang dalawang napatingin sa akin.

"Wait, sabi mo ayaw mo sa kanya pero hindi mo siya kayang i-reject?"
tumango ako kay Mirelle. Napakunot noo silang dalawa.

"Ang gulo mo, Eirene. Dapat talaga isipin mo muna yang nararamdaman mo bago ka magdesisyon"

"Tama. Isa pa, kung sincere talaga si Kael sa iyo, makakapaghintay 'yon sa desisyon mo"

"Naiintindihan ka namin. Dahil bago lang ang mga ganito pero sana bigyan mo ng sagot si Kael, kawawa naman yung tao diba?" tumango ako kay Mirelle.

Baka nga may babae na siya ngayon na in-eentertain eh.

Ipinilig ko nalang ang ulo dahil sa aking naisip.

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko at mga iniisip ko. Dapat siguraduhin ko muna kung ano itong nararamdaman ko bago ko harapin si Kael. Ayokong sumugal ng hindi sigurado sa nararamdaman ko.

Napatingin kami kay Elisha na kakalabas lang ng kwarto. Kakagising lang niya. Tumingin siya sa amin ng nagtataka dahil sa seryoso naming mga mukha.

"Anong nangyari?" lumapit si Elisha sa amin. Ininom niya ang isang baso ng tubig na nasa lamesa.

Sina Love at Mirelle na ang nagsabi sa na missed ni Elisha sa nangyari kanina habang tulog siya. I am glad that i have my friends. They are the best!

We decided to go out. We went to a mall. This is what we called 'girl bond dates'. Palagi namin itong ginagawa back then kapag may problema ang isa or kahit bored lang. Nag ikot ikot lang kami sa mall, nag window shopping and kumain. We also watched a popular movie in cinema. Pinag ambagan namin ang pagbili ng ticket and snacks.

Because This Is My First LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum