4

26 4 0
                                    

"Nice to meet you, Eirene" he said and wink at me. Umalis na rin siya after non.

No way! Ngayon ko lang narealize na sinabi ko sa kanya ang name ko. Eh kasi naman alam ko na hindi niya ako titigilan at kukulitin niya ako para makuha ang name ko. Kaya, para walang gulo sinabi ko na diba? Hay ewan ko, naiinis ako dahil nagugulo ang isip ko dahil sa lalaking yon.

Pagkatapos umalis ni Kael ay naghanda na rin ako sa pagpasok sa school. Nakaligo na ako at nagbihis na rin. Ang sinuot ko ay fitted jeans partnered with white t shirt na tinucked in ko and white shoes. Hindi naman required na mag uniform sa university na pinapasukan ko pero pag nasa mood ako, uniform ang sinusuot ko.

As usual, lumabas na ako ng condo at naglakad papunta sa abangan ng jeep.
Habang naghihintay na may dumaan na jeep ay natanaw ko si Kael, nanaman. Kasama niya si Eva. Nasa kabilang kanto sila. Nakaakbay si Kael kay Eva habang tumatawa silang dalawa. Sweet ah, parang hindi lasing na lasing kanina.

Inalis ko na ang tingin ko sa kanila.
Nang may dumaan na jeep ay sumakay na rin ako.

Sa school, nakasalubong ko si Gio. Sabay na kaming pumasok sa room namin.

"Tuloy bukas ha, libre ko" nakangiting sabi ni Gio. Napatitig ako sa ngiti niya. Ang ganda kasi ng ngiti niya, pantay at mapuputi ang kaniyang ngipin.

"Huy, natulala ka na naman sa kapogian ko. Ikaw ha! Cute mo" asar niya. Pipisilin niya pa ang aking pisngi kaya hinampas ko siya sa braso. Tumawa naman siya.

"Oo tuloy bukas, basta libre mo pati pamasahe ha!" nilakihan ko siya ng mata para mang asar. Kumunot ang noo niya.

"Hoy, wala sa usapan yung pamasahe ah! Inuuto mo lang talaga ako eh" tinawanan ko siya.

"Nag review ka ba?" pagiiba ko. May quiz daw kasi pero hindi ako nag review.

" Ha bakit? May exam ba? Patay! Hindi ako nag review haha" humalakhak pa siya. Masaya pa siya na babagsak siya.

"Same haha" nag apir kaming dalawa at tumawa. Atleast hindi ako nagiisa

Pumunta na kami sa room and guess what? May quiz nga at super hirap ng mga tanong. Kahit nagreview ako baka wala pa rin ako masagot. Buti nalang hindi haha. Anyway, after magquiz, naglesson agad si maam. Taray! Walang kapaguran ah. After ng discussion, may 1hour kaming vacant.

Nandito lang kami sa room. Yung iba kumakain, yung iba may kachat na bebe nila, at syempre hindi mawawala ang nagtitiktok.

Kasama ko sina Gio, Krisa at Kath. Nakaupo kami sa arm chair na nakapabilog sa isa't isa.

"May nasagot kayo sa quiz kanina?" I asked them.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre wala hahaha" sagot ni Krisa. Tumingin ako kay kath na nasa harap ng kaniyang salamin at nagreretouch.

"Sus, ikaw pa Krisa walang sagot."
I agree with her. Krisa was one of the outstanding students not just in our room but also in the whole university. Sumasali kasi siya sa mga contests sa school and ssg officer din siya.

"Huwag niyo na ako tanungin kasi obvious naman na wala." tumawa kaming dalawa ni Krisa.

Napatingin ako kay gio na tahimik lang. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya medyo nailang ako. Bigla siyang tumawa. Baliw lang.

"Ikaw Gio?"

"Ang masasabi ko lang ay grades doesn't define me" tumawa kaming tatlo. Gio can easily make everybody laugh. I admire him for that.

"Gutom kayo? Lalabas ako, baka may papabili kayo?" Tumayo si Gio at kinuha ang kanyang bag. Pwedeng lumabas sa university kapag vacant.

"Chichirya nalang sa akin, kahit ano. Tapos bili ka na rin ng tubig."
Utos ni Kath. Inabot niya ang 50 pesos kay Gio.

"Nagtitipid ako ngayon. "Sabi naman ni Krisa.

"Ikaw Eirene? " Tumingin sa akin si Gio.

"Pass" Ayokong gumastos.

"Tara, sama ka nalang sa akin" hinigit niya ako patayo at hinila palabas.

"Teka la-" nag wave pa ako kina Krisa at Kath.

Tumigil ako at hinampas siya. Tumawa naman siya.

"Letse ka! Huwag mo akong kaladkarin!" Tinanggal ko ang wrist ko na nasa kamay niya.

"Hahaha sorry." Inirapan ko siya. Humalukipkip ako at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Huminto kami sa isang tindahan sa tapat lang ng University. Bumili si Gio ng chichirya at tubig para kay Kath.
Bumili din siya ng biscuit at softdrinks para sa kanya.

"Ano gusto mo?" Bumaling siya sa akin.

"Wala akong pera, next week pa ako magkakasahod" Bumaling siya sa tindera.

"Isa nga pong loaded at chuckie" napatingin ako sa kanya. Nagbayad siya ng isang daan para don.

"Ano yan" bulong ko sa kanya. Ililibre na nga niya ako bukas eh. Naguguilty tuloy ako.

Inabot niya sa akin ang loaded at chuckie.

"Kunin mo na. Hindi yan libre, utang yan" nakangisi niyang sabi. Kinuha ko na yon.

"Gago ka talaga!" Hinampas hampas ko siya sa braso. Bwisit talaga to! Umilag ilag naman siya.

"Bakit? Next week ka pa magkakapera diba? Sumosobra ka naman kung ililibre ulit kita ngayon" dumila siya sa akin. Inirapan ko siya. Kung kaya niyang magpatawa ng mga tao, kaya niya rin mang inis ng sobra.

Bumalik na kami sa room. Ibinigay ni Gio ang mga pinabili ni Kath. Kumain lang kami. Binigyan ko ng loaded si Krisa.

"Akala ko pass ka? Ano yan?" Curious na tanong ni Krisa.

"Si Gio." Simpleng sagot ko. Ngumiti ng malaki si Krisa.

"Libre?" tanong ulit ni Krisa.
Umiling ako.

"Utang" nawala ang ngiti niya.

"Hayop ka Gio. Mahina" biglang sabi ni Krisa. Nagtaka naman si Gio.

"Ano na naman?" tumingin siya sa amin ng walang ka alam alam. Natawa nalang kami ni Krisa.

Natapos na ang vacant namin. May isa pang 2 hours lecture. Natapos ang klase ng pasado 6pm na dahil nag overtime pa si maam. Sabay sabay kami lumabas ng school nina Krisa, Kath at Gio pero naghiwa-hiwalay din kami dahil magkakalayo ang tinutuluyan namin.

Pagkarating ko sa condo as usual bukas na ang coazy bar. Marami na rin tao sa loob dahil kita ang mga ito sa transparent glass wall sa labas. Agad akong nag iwas ng tingin ng may nahagip ang mata ko na dalawang tao na naghahalikan sa loob ng bar.

"Acting innocent huh?" Napaatras ako sa gulat dahil may bumulong sa kaliwa kong tenga. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko siya kilala pero alam kong galing siya sa coazy bar.

"Excuse me?" Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa tapang ng amoy ng alak sa kanya.

"You live here?" He started walking towards me. Umaatras naman ako. He looks like in his 30 mids and he is probably rich.

"Stop!I said stop!" Napa aray ako nang mabilis niyang hinawakan ng madiin ang braso ko. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

Ilalapit niya na ang kaniyang mukha sa akin kaya napapikit ako.

"Jerk!" Isang suntok ang narinig ko.

Napaupo ako ng biglang nawala ang pagkakahawak niya sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko ang isang lalaki na sinusuntok na ang lalaking humawak sa akin sa sahig. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Marami na ang mga tao sa paligid na umaawat sa kanya.

Hindi ako makatayo. Nawalan ako ng lakas dahil sa nangyari. Muntikan na ako gawan ng masama ng lalaking iyon. Na harass ako. Naiiyak ako habang hinahaplos ang aking braso. Hindi ko in-expect na mangyayari sa akin 'to ngayon.

Because This Is My First LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat