24

5 1 0
                                    

As much as i wanted to lie to him, i can't. I know he'll understand me. He always will.

"No, i didn't told them about you." hindi ako makatingin kay Kael habang sinasabi iyon. "I'm sorry"

"Mahal, why are you saying sorry?" napabaling ako sa kanya. Nangungusap ang kaniyang matang nakatingin sa akin.

"If you're not ready yet, then maghihintay ako na ipakilala mo na ako sa parents mo." he held my hand and kissed it. Tumalon ang puso ko sa narinig.

"Thank you, Mahal. I'll introduce you to my parents when i visit them again" Ngumiti ako. Tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay.

"Eat now, cute"

Natapos na kami kumain. Tinulungan ko si Kael magligpit. After that, i decided to study because i have finals next week.

Kinuha ko ang mga school supplies na kakailanganin ko sa pagreview at pinatong ang mga iyon sa table dito parin sa sala. Si Kael naman ay nakaupo sa sofa katabi ko.

"You will study?" tumango ako sa tanong ni Kael.

"Is it okay if i'm here? Baka hindi ka makapagfocus?" tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

"Okay lang, dito ka lang sa tabi ko." Unintentionally, ang sinabi ko ay sounded like banat for Kael. "I mean as long as huwag mo akong kausapin, hindi mo ako madidistract" i explained.

"Sus, nagexplain pa siya. Ayaw mo lang ako mawala sa tabi mo eh" pangaasar niya. Ayaw daw niya mangdistract sa akin pero inaasar naman ako ngayon. Really, Kael??

"Mag aaral na ako." sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit eh, parang may bata akong kasama.

Lumipas ang ilang oras ay hindi naman ako inistorbo ni Kael sa pagaaral. Nire-recall ko lang yung mga lessons namin. Nakatulong din na may notes ako kahit papaano.

Napabaling ako sandali kay Kael. Nakangiti siya sa kanyang cellphone. Tsk. Anong nginingiti niya sa cellphone niya?

Pinilit kong ibalik ang pokus sa pagbabasa pero napapabaling ako kay Kael dahil tawa siya nang tawa. Tumingin siya sa akin at nagpeace sign lang.

"Saya mo ah" bulong ko.

"Ha? Ano yon?" walang alam na tanong niya.

"Hatdog" ngumisi ako at binalik ang atensyon sa pagaaral. Naubo ako.

Maya maya ay pumunta siya sa kusina at bumalik na may dalang baso ng tubig.

"Drink your water" saad ni Kael. Ininom ko naman iyon at ipinatong sa mesa. Nawala ang pagkatuyot ng lalamunan ko dahil doon.

Niyakap ako ni Kael mula sa gilid ko. Hindi ko tuloy mabasa ang babasahin ko. Bumaling ako sa kanya. Para siyang baby na kailangan lagi mong haplusin at hawakan.

"Kael.." saway ko sa kanya at bahagyang inaalis ang kanyang pagkakayakap.

"Matagal pa ba iyan?" he pouted at me. Pinigilan kong matawa sa mukha niya.

"Ang pababy mo naman. Kapag wala akong nasagot bukas, yari ka sa akin"
Pagbabanta ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"I dont want to disturb you, really. But please pay attention on me too." nakasimangot na saad ni Kael. Ampucha naman!

"Yeah, later. Tatapusin ko muna ito." Inalis niya na ang pagkakayakap sa akin at humalukipkip siya sa akin habang nakasimangot pa rin. Natatawa ako kasi para siyang batang hindi binilhan ng candy eh.

Matiyaga naman naghintay si Kael na matapos ang pagbabasa ko. Hapon na rin nang matapos ako kaya matagal talagang naghintay si Kael. Iniligpit ko na ang mga school supplies na ginamit ko. Pagkatapos ay bumaling ako kay Kael.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now