12

10 2 0
                                    


Kinabukasan ay pumasok ulit ako sa work. Kahapon ay naka 12 working hours naman ako kaya 8 working hours nalang ang kailangan ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kael sa entrance ng department namin. Napatingin ako sa oras, lunch na pala.

Nakasandal siya sa may pinto at nakangising nakatingin sa akin.

Tumingin din si Michelle kay Kael nang may pagtataka. Pinigilan ko siya nang tatayo na sana siya para puntahan si Kael.

"Michelle, ako na" tumango naman siya sa akin at pinagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho.

Umayos ng tayo si Kael nang maglakad ako papunta sa kanya. Tinignan ko siya ng nagtatanong.

"Why are you here?"

"Sabay na tayo mag lunch"

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako kay Michelle na nakatingin na rin sa amin. Narinig niya.....

Hinila ko si Kael palabas ng department.

"Why? Busy ka ba? Dapat pala dinalhan nalang kita dito ng lunch" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Hindi naman ako busy." tanging nasabi ko na lang.

"Yun naman pala eh. Tara!" malawak siyang ngumiti sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pasakay sa elevator. Para akong nakuryente dahil doon. Hindi na naman ako makahinga ng maayos. May sakit ba ako sa puso?

Inlove lang hehe

Akala ko ay sa cafeteria kami kakain. Pero dinala niya ako sa restaurant na kalapit lang ng building. Mahal ang pagkain dito kaya ngayon lang ako makakakain dito.

Umupo kami sa two seat table. Magkaharap kami. Ang sabi pa nga niya ay dapat magkatabi kami.

"What do you want?" tanong niya.

Wala akong masagot dahil hindi ko alam ang mga pagkain na nasa menu.

"Kung ano ang sayo" tumango naman siya sa akin. Tumawag na siya ng waiter para ibigay ang order namin.

Binuksan ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Naiilang kasi ako kay Kael na panay ang titig sa akin. Nagchat ako sa gc namin.

'Group ng mga bobo'

Eirene
-Guys, I guess i'm on a date hihi.

Mabilis pa sa alas kwatro ang reply nila.

Love
-Omg, so proud of you girl!

Mirelle
-dalaga na ang baby namin.

Elisha
-si Kael ba?

Eirene
-yes haha. Sinabi ko na sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

Love
-hindi ka na namin baby, Eirene.
Baby ka na ni Kael haha.

Namula ang mukha ko sa chat ni Love. Ngiting ngiti ako habang binabasa ang chat nila.

"Why are you smiling at your phone?" napatingin ako kay Kael. Nakakunot ang kanyang noo at nakatingin ng masama sa phone ko. Mabilis kong inilagay ang phone sa bulsa.

"Ah, kachat ko kasi friends ko"
iniiwas ko ang tingin sa kanya. Naiilang ako, hindi ko alam kung bakit.

"Hindi si Gio?" mabilis akong umiling sa kanya. Huwag mo sabihing nagseselos siya?

"I'm jealous of your phone" diretso niyang saad.

"Why?"

"Because you kept looking at it and smiling at it. You dont even talk to me" he pursed his lips. Naguilty naman ako sa sinabi niya. Tama siya, niyaya niya ako sa lunch tapos hindi ko siya papansinin.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now