32

7 1 0
                                    

Dumating na si Kael na may dalang pagkain. Isinalin niya ang steak sa plato. Pagkatapos ay lumabas ulit siya at bumalik na may dala naman wine. Inilapag niya muna ito sa table.

Umupo na rin siya sa harap ko. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin.

Iniwas ko ang tingin dahil sa paninitig ni Kael. Parang nanguusisa ang mga titig niya.

Tinuon ko nalang ang atensyon sa aking pagkain. Bago ko pa man mahiwa ang steak ay pinagpalit ni Kael ang plato namin. Hiwa na ang steak sa platong ipinalit niya.

Tinikman ko ang steak. Sakto lang ang lambot at masarap.

"Ikaw nagluto nito?" tanong ko kay Kael. Nginuya niya muna ang kinakain. Pati pagnguya ni Kael ay gwapo rim tignan.

"Yeah. Okay, lang?" He arched his perfect brow.

"Masarap." sumubo ulit ako. Nagutom ako, gusto ko tuloy ng kanin.

"Pwede mag kanin? Kulang kasi kung ito lang." nagaalinlangan tanong ko kay Kael dahil alam ko na sosyal ang pagkain na steak kaya baka hindi pwede magkanin.

Tumawa si Kael. "Pwede naman. Wait, kukuha lang ako" tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pagbalik niya ay may kalderong kanin ang dala niya.

"Here" nilagyan ni Kael ng kanin ang pinggan ko.

"Thanks" nakita ko rin na naglagay rin si Kael ng kanin sa pinggan niya.

Mas ginanahan ako kumain dahil may kanin.

"Mahal, tingin ka dito." Napaangat ako ng tingin kay Kael. Tinapat niya ang camera ng cellphone niya sa akin. "Smile, mahal" ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"Ganda talaga" ngising napailing pa siya habang tinitignan ang picture ko sa cellphone niya. Him and his compliments.

"Para saan pala 'to?" tanong ko sa kanya. Impossible naman na simpleng dinner lang ito dahil may pa wine pa siya.

"To celebrate our fifth monthsarry" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Binuksan niya ang wine at ibinuhos ito sa wine glass. Yayamanin ang peg!

"Huh? Eh, bukas pa ang monthsarry natin ah?"

Seryoso siyang bumaling sa akin. He sipped on his wine before speaking.

"I need to leave." He hardly said. Umiwas siya ng tingin sa akin. Anong leave?

"Leave? Hindi ka pwedeng mag leave muna sa work bukas?" iyon ang pagkakaintindi ko.

"No, mahal." He sighed. "I will leave Manila for a week. Bukas ng umaga ang alis ko." I was stunned.

A week? Ibig sabihin ay hindi ko pa rin pala siya makakasama kahit isang linggo lang?

I swallowed hard because of my own realization. I have to end our relationship tonight because I wouldn't have the chance to do it if he will leave.

I forced a smile. "Oh..." iyon lamang ang nasabi ko.

"I have a meeting somewhere in Laguna. Are you mad?" alalang tanong niya. I looked at him and shook my head.

"Why would I be?"

He smiled brightly at me. "After that meeting, I will officially handle our company." Nanlaki ang mata ko doon.
So, CEO na siya pagbalik niya dito?

"Talaga? Angas mo naman."

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table.

"I'll be the man you'll be proud of. Para sayo lahat ng ginagawa ko, Eirene." his serious eyes were on me.
Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na magiging proud pa rin ako sa kanya, yun nga lang ay hindi na siya sa akin.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now