36

6 2 0
                                    

Nakabusangot ako habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng malakas na ulan. Wala nang mga sasakyan na dumadaan sa harap ng exit ng mall.

Mahigit tatlumpong minuto na ako dito, hinihintay na maawa ang kapalaran at patilain na ang ulan. Ngunit, sobrang sama ko ba para mas paglaruan pa ng tadhana?

May humintong sasakyan sa harap ko.
Bumaba ang bintana ng passenger seat nito at tumambad ang mukha ni Elise.

"Eirene! Sabay ka na sa amin." yaya ni Elise. Umatras siya kaunti kaya naman nakita ko si Kael na nasa driver seat, nakatingin ito sa ibang direksyon.

Iniling ko ang kamay ko para isenyas na ayaw ko."Hindi na!"

"Hurry up! Lalakas pa ang ulan." May halong inis na sabi ni Elise.

Napakurap nalang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Susundin ko ba ang pride ko? O sasakay nalang ako?

Natigilan ako nang bumaba si Kael mula sa driver seat, may hawak siyang payong. Kaunting nakakunot ang kaniyang noo papalapit sa akin.

Ibinigay niya sa akin ang payong. "Get in." mahinang sambit niya nang hindi tumitingin sa akin.

Binuksan niya ang likod ng sasakyan at patakbo niyang nilagay ang mga pinamili ko. Walang bubong ang pwesto kung saan nakaparada ang sasakyan niya kaya bahagya siyang nababasa ng ulan.

Pinapanood ko lamang siya sa ginagawa, tila naestatwa ako sa aking pwesto.

"What are you waiting for? Sakay na."

Napapitlag ako nang hawakan ni kael ang kamay ko na nakahawak sa payong. Umakbay siya sakin, at inalalayan ako papunta sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng backseat, maingat naman akong pumasok doon.
Umikot si Kael sa sasakyan nang nakapayong, pagkatapos ay tinupi rin yon pagsakay niya sa driver seat.

"Nabasa ka na ng ulan, Kael. Baka magkasakit ka." Sabi ni Elise na may pagaalala sa tono nito. Hinaplos niya pa ang braso ni Kael.

"I'm fine." Gumalaw ng kaunti si Kael dahilan para maalis ang kamay ni Elise sa braso niya.

Nagtama ang paningin namin ni Kael sa rearview mirror. Segundo rin kaming nagtitigan bago siya nagiwas ng tingin. Pinaandar niya na ang sasakyan.

"That's not fine. Dapat kasi ay umuwi na tayo. May magsusundo naman sayo Eirene, right?" Bumaling sa akin si Elise.

"A-ah ano, actually wala e" nahihiyang sabi ko. Shocks! Ang awkward naman nito.

Kasama ko ang ex ko at ang taong naging dahilan kung bakit kami naghiwalay. Jino-joke time ata ako ni tadhana eh.

"Si Luke?" Tanong ni Kael habang nagmamaneho, ang tingin ay nasa daan.

"Pinauna ko na. Hindi ko naman alam na uulan." edi sana, nagpahintay nalang ako para hindi kita makita.....

"Is he courting you? I know him and he's a good man, bagay kayo." plastic na ngumiti si Elise. Ngiwing ngumiti ako sa kaniya, hindi ako kaagad nakasagot.

Ang kapal ng mukha niya magbait baitan, parang hindi masamang damo.

"Ang bilis naman." rinig namin bulong ni Kael. Marahang hinampas ni Elise ang braso ni Kael. Nakakahalata na ako na target niya ang braso ni Kael.

"Hey, it doesnt matter if mabilis or not. What matter is Eirene's feelings." Tumingin si Elise sa akin."I'm sure suwak si Luke sa tipo mo. Yung mga CEO, right?"

Gulat akong tumingin kay Elise ngunit pilit rin na ngumiti. Nananadya ba siya?

"He's not my type. 'Di ko bet mga CEO." diretsong sabi ko na ikinatawa naman ni Elise.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now