29

10 1 0
                                    

Third person POV

Sa isang iskinita ay may tatlong babae ang nangaapi sa kaawa awang isang babae na nakauniform pa.

"P-please t-tigilan n-niyo n-na a-ako" hirap na hirap na sabi ng isang babae na nakaupo sa maputik na sahig. Katabi nito ang mabahong kanal.

"Oh kawawa ka naman. Look at you! Akala ko ba matalino ka?! Bakit ganyan ang itsura mo ngayon?" mataray ma sabi ng isang babae na siyang tumulak sa babaeng estudyante.

"Hahaha" maarteng tawa nila.

"P-please, a-ayoko n-na. A-ano ba ang ginawa ko sa inyo?" Tinutulungan ng babae ang kaniyang sarili na makatayo mula sa maputik na sahig.

"Simple lang. Dahil nakipagkaibigan ka kay Eirene! Si Eirene ang sisihin mo kaya ka nandyaan ngayon" muli niyang tinulak ang babae kaya napaupo ulit ito sa maputik na sahig.

"You want us to stop treating you like this, Krisa?"

Tila maamong pusang tumango si Krisa sa tatlong babae. Kilala niya na ang mga ito, dahil simula elementary pa lang ay binubully na siya ng mga ito. Akala niya ay tumigil na sila noong tumuntong siya ng highschool. Ngunit ngayon ay binalikan siya ulit ng mga ito.

"Gawin mo lang ang pinapagawa namin sa iyo. If nagawa mo ito ng maayos ay titigilan ka na namin." ngising sabi ng babae.

"S-sige. Ano ba iyon?"

"Tanggalan mo ng scholarship si Eirene" nanlaki ang mata ni Krisa sa narinig. Hindi siya nakapagsalita.

"What? Ayaw mo?" Mataray na tanong nila.  Sinampal niya si Krisa at inutos sa isa niyang kaibigab na hampasin siya sa braso gamit ang hawak na tubo.

"Aahhhh!!" Napaigik sa sakit si Krisa dahil doon.

"Ano?Ayaw mo ba? SUMAGOT KA!" akamang hahampasin ulit si Krisa ng tubo ngunit nagsalita na ito.

"H-hindi. P-pero p-paano ko g-gagawin i-iyon?" May luha nang tumutulo mula sa mata ni Krisa.

Nagaalinlangan man pero pumayag na si Krisa. Matagal na siyang ginugulo ng mga ito at kung kailangan niyang saktan si Eirene ay gagawin niya kung kapalit nito ay ang kalayaan at katahimikan ng buhay niya.

"Its up to you. Basta dapat successful na maalis ang scholarship ni Eirene."

Lumapit ang babae kay Krisa at mahigpit itong hinawakan sa baba.

"And remember, hindi mo dapat ito sabihin kahit kanino, walang makakalam kung hindi tayo lang!"

"SUMAGOT KA!" Hinigit niya ang buhok ni Krisa.

Mabilis na tumango si Krisa dahil doon.

"O-oo. N-naiintindihan k-ko"

Eirene's POV

Nakatulala ako habang naglalakad pauwi sa condo. Sina Gio, Kath and Krisa ay magcecelebrate pa dahil pasado sila. Dapat kasama rin sana ako kung hindi ako bumagsak.

Iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ako bumagsak. Kahit saan ko tignan hindi ko talaga alam kung bakit ganoon kababa ang scores ko. Nauwi lang sa wala ang mga pagrereview ko tuwing gabi na inaabot na ng umaga.

Pagpasok sa condo ay sumalubong na naman sa akin ang mga sulat. Hindi ko parin alam kung sino ang tao sa likod mga sulat na ito. Pero kung sino man siya, alam kong galit siya sa relasyon namin ni Kael.

Hindi na matapos tapos ang mga iniisip ko. Ang pinakapinoproblema ko ay ang scholarship ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Pucha namang buhay to!

Inihiga ko ang aking katawan sa malambot kong kama. Nakatitig lang ako sa kisame at malalim na nagiisip.

Because This Is My First LoveWhere stories live. Discover now