67. JHOBEA

723 30 74
                                    

BEI's POV

"ANO BAAA?!! HINDI BA KAYO TITIGIL TALAGA?! NAIINIS NA KO SA INYONG DALAWA HA!" galit na sigaw samin ni Tots matapos kaming pag layuin ni Dean.

"Bakit? Totoo naman ha! Bakit hindi mo sabihin yung totoo, Bei?!" galit na sigaw rin ni Dean, ayaw rin papigil nang isang ito. Hirap na hirap na nga si Jema awatin si Dean, sa totoo lang.

"WAG MO KONG MA-BEI BEI!! Don't you dare go there! Sumosobra ka na Dean!" sagot ko sa kaniya pabalik

Sina Jho at Ced hindi na rin magkanda mayaw sa pagpigil sa aming tatlong lalaki

"Ano ba?! Hindi ba talaga kayo titigil?! Ano ba kasing nangyayari?!" halos pumutok na yung ugat ni Jho sa sobrang gigil niya samin

Siguro ay nagtataka kayo kung ano ba talaga ang nangyayari and why we ended up in this situation.

Well, let me tell you what really happened...

***A little earlier...

June 16

Nakaupo ako sa buhanginan habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na maglaro sa dagat. It's been quite a while na mula nang maging solid yung pagkakaibigan namin. At masasabi kong pinagtibay na din talaga kami nang panahon.

About Me and Jho naman, eto... going strong!

I'm in the midst of contemplating my decisions in life nang makita kong umahon na si Dean sa dagat at umupo sa tabi ko.

"Wala ka talagang balak magtampisaw man lang?" tanong ni Dean matapos umupo sa tabi ko

"Dean... I have some favor" seryosong sabi ko sa kaniya

Kinuwento ko naman agad yung plano ko habang busy yung mga kasama namin maglangoy. I took this opportunity para plantsahin ang aking mga plano

"How about Tots?" tanong ni Dean

"Hayaan mo na siya bro, madulas rin ang dila nang isang yon. Mas magiging maganda yung eksena kung totoong wala siyang kamuang muang sa mga nangyayari. Alam mo naman yung isang yon, di rin marunong umarte. At least sa'yo bro sure ako na kaya mo" nakangising sabi ko sa kaniya

"Loko ka! Kapag talaga tayo tinupi sa sampu ni Jho ha... Sinasabi ko sa'yo Bei" iiling iling na sambit ni Dean

"Hindi yan.. I got this." I said and gave him a smile.

Nang mag gabi ay sinimulan na namin ni Dean ang plano. Nag aya sina Jho na tumambay daw kami sa buhanginan at doon magkwentuhan habang umiinom.

Sinadya namin ni Dean na magpahuli.

Maya maya ay sinimulan na namin ang aming plano.

Nauna akong lumabas upang puntahan sina Jho. Maya maya ay nakasunod na si Dean at may dalang mga pagkain habang nakakunot ang noo.

Jema being Jema, agad niyang napansin na parang may mali kay Dean

"Ayos ka lang, baby?" nag aalalang tanong niya kay Dean

Huminga muna nang malalim si Dean bago sumagot kay Jema

"Yeah" malamyang sagot ni Dean sabay pilit na ngumiti, agad namang kumunot ang noo ni Jema sa naging reaksyong iyon ni Dean.

Imbis na kabahan ay lalo akong nakaramdam nang excitement. It's working!

"Wag ka kasing magbibiro ng ganon, hindi naman kailangan... minsan matutong lumugar sa biro..." bigla kong pagpaparinig

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now