2. NITRO

918 35 0
                                    

DEAN's POV

Mukhang seryoso nga itong mga kaibigan ko sa pamimilit saking mag Bar. 

Kunsabagay, dalawang taon ba naman na kong kinukulit nang mga to na sumama sa kanila. 

Silang tatlo lang naman ang sabay sabay na sumundo sakin, na buong akala ko ay si Bei lang.

Mantakin mong tatlo pa silang nagtulong tulong na magpaalam kay Mommy para lang wala akong kawala. 

Actually, hindi naman mahigpit sa akin si Mommy tungkol sa mga ganyang bagay, malaki naman kasi ang tiwala sakin ni Mom na hindi ko mapapabayaan ang aking pag aaral. 

Mas pabor pa nga siya sa ganitong ideya at tuwang tuwa nang malaman na napapayag ako nang aking mga kaibigan. 

Kesyo wala na daw kasi akong social life at puro aral na lang daw ako. Kaya eto ako ngayon, nakaupo sa passenger's seat sa tabi ni Bei, na siyang nagmamaneho samin ngayon.

Pagkarating namin ay agad kaming nagpark sa Parking nang bar na ito. May mga ilang bagay lang akong napansin pag dating na pag dating namin dito. 

Una, NITRO ang pangalan nito, that's such a cute name for a Bar.

Pangalawa, maganda ang Bar nila, maraming Neon lights, malakas ang sounds, magaling ang DJ na nakuha nila at mukhang pang mayaman. 

Pangatlo, mula nang bumaba kami sa sasakyan ay pinalibutan na ko nang mga mokong na to, mukhang mga naninigurado na wala akong kawala 

"Wag niyo nga ko palibutan nang ganiyan, wala naman akong balak tumakas sa inyo" sagot ko sa kanila. Paano ba naman, nasa kanan ko si Bei, sa kaliwa si Tots at nasa unahan si Ponggay to lead the way. 

"Oh, yun naman pala eh!" sagot ni Tots at nagtanguan pa sila ni Bei

umalis sa kaliwa ko si Tots para magbigay nang space pero nasa likod ko naman ito. Ganun din, gwardiyado pa rin.

"Naniniguro lang bro" sagot naman ni Bei

Ilang saglit pa ay may bumati kay Ponggay na grupo nang kababaihan, agad ko namang napansin na nagsikuhan at senyasan agad itong mga mokong kong kaibigan. 

Yumakap at nakipag beso si Ponggay sa mga babaeng bumati sa kaniya, pagkatapos ay tumalikod ito upang harapin kami

"Guys, you know naman, pinsan ko si Carly, oh ayan insan ha. Dala ko yung request mo" muling pakilala ni Ponggay sa kaniyang pinsan, napayuko naman si Carly at biglang namula. 

Binati naman agad siya nila Tots at Bei

"Uy, Dean, isang handshake naman diyan" tukso ni Ponggay kaya agad na lamang akong sumunod rito

"Hi, I'm Dean Wong... Nice to see you again, Carly" pagpapakilala ko sa mga kasama ni Pongs sabay abot nang kamay kay Carly.

Nakita kong mas lalo itong namula at nahihiyang inabot ang aking kamay. Sobrang lamig naman nang kamay nito, nanginginig pa.

"Oh, guys, sina Jho at Ced nga pala. Friends yan nitong cousin ko, isa sila sa may ari nitong Bar. Jho, Ced, sina Bei, Dean at Tots nga pala. Believe it or not, mga kaibigan ko" pagpapakilala samin ni Ponggay sa isa't isa. 

"Celine Domingo, Ced or Ceddie na lang for short" pagpapakilala nang babaeng pinakamatangkad sa kanila

"Jhoanna Maraguinot, Jho na lang" nakangiting pagpapakilala naman ni Jho.

Medyo pamilyar na sakin si Jho, kasi madalas na naikukwento sakin ito ni Bei. 

Happy Crush kasi yan ni Bei, kaso madalang lang namin makita sa University. 

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon