14. TO GO

872 47 20
                                    

DEAN's POV

After ko mag dinner kina Jema, I went home. 

I went straight to my room after I greeted Mom. 

Inayos ko yung mga gagamitin ko sa date namin ni Jema bukas, gusto ko maging presentable akong tignan sa harap niya. 

I was in the midst of having trouble which clothes to wear nang kumatok si Mommy

"Hi, nak. Mukhang busy ka" ani Mommy

"Uhm, not really... What's up?" tanong ko sa kaniya at muling binalik ang tingin sa dalawang pair nang damit na pinagpipilian ko 

"Wala naman, itatanong ko lang sana kung saan ka galing at ginabi ka, Did you hang out with friends?" nakangiting tanong ni Mommy

"No, mom. Me and Jema went to an overlooking cafe. Tapos po nung hinatid ko siya, inaya niya ko sa condo unit niya for some dinner. Sorry, hindi na po ako nakapag text sa inyo. She's a really good cook Mom." kwento ko kay Mommy

"Ganun ba? Ano naman itong mga damit mong nakakalat at bakit mukhang seryosong seryoso ka sa pagpili kung anong susuotin mo?" tanong ni Mommy

She took a pair of polo na bagay sa trousers ko.

"This compliments with your skintone, anak. This would go perfectly on your date with her" nakangiting sabi ni Mom

Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Mommy

"Mom... I was just about to tell you pa lang after ko makapili ih. Inunahan mo na ako" nakangusong sabi ko

"Sorry nak, you looked so tense kasi. Saan mo ba planong dalhin si Jema? Bukas na ba yan?" sambit ni Mom

"Tignan mo, pati date ko alam mo din agad kung sino. And yes mom, bukas po sana" sagot ko kay Mommy

"Dapat lang na alam ko, Mommy mo ko anak, kabisado ko ang bawat hilatsa mo. I can see on your face how happy you were kapag siya na ang napag uusapan" nakangiting sabi ni Mommy.

"I don't know, Mom. She makes my heart beat crazy" I was smiling big time 

Mom looked at me gaya nang kung paano tinititigan nang mga magulang ang kanilang mga anak. 

Kung paanong ang minsang isang paslit lang ay malaki at binata na ngayon. That's what she always told me whenever she looks at me like that. 

"Your Dad will be very proud of you" she's getting emotional again sa tuwing nababanggit si Dad

Binaba ko ang damit na hawak ni Mom and hugged her. 

Mommy and Jema both radiates a very warm hug. It both felt home. 

"Nalulungkot ka na naman, Mommy. Di ba bawal yan sabi ni Dad?" I said as I caress her back

"Hindi ko lang maiwasan nak. Alam mo naman ako, miss na miss ko na ang Daddy mo. Tiyak kong matutuwa nang sobra yon na makitang lumaking mabait, masipag, matalino, may takot sa diyos at mapagmahal ang aming anak" emosyonal na sambit ni Mommy habang nakangiti at hawak ang aking pisngi

"Mom, I wish I had the same love story as you and Dad, except the part that he passed away ha." I said and it made Mommy laugh

"Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan. Pag ikaw dinalaw nang Daddy mo, niloloko mo  na naman siya." 

"Pag dinalaw niya ko, isusumbong ko kayo, kasi umiiyak na naman kayo" biro ko kay Mom

Tinulungan ako ni Mom na ayusin yung mga gamit ko, pagkatapos ay nakipag kwentuhan siya sakin.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon