27. CONFESSION

1K 38 281
                                    

JEMA's POV

Paalis na kami nang puntod ni Mich nang bigla kaming natigilan. 

We saw Niccolo. Puno nang galit ang mga tingin nito na nanlilisik na nakatingin kay Dean. 

"At talagang nakuha mo pang pumunta dito? Now tell me, ano anong mga kasinungalingan ang mga sinabi mo kay Jema ngayon?" galit na tanong ni Niccolo kay Dean

"Niccolo, stop! Kung makapag salita ka naman nang ganyan para naman kayong walang pinagsamahan ni Dean noon" sagot ko sa kaniya

Madalas maikwento sa akin noon ni Mich kung gaano siya kasaya dahil magkapalagayan nang loob ang kaniyang nobyo at kapatid. 

"Jema, that was before. Iba na ngayon, mula nang agawin ka niya sa akin ay parang pinutol niya na din lahat nang pinagsamahan namin" galit na sambit ni Niccolo

"Niccolo, wala akong inaagaw sa'yo. Hindi mo kahit kailan naging pagmamay ari si Jema. Walang nag mamay ari sa kaniya, kaya wala kang karapatang umasta na parang pag mamay ari mo siya" tugon ni Dean

Nagsisimula nang tumaas ang tensyon sa kanilang dalawa

"Dean, please. Umalis na lang tayo dito. Wag mo na lang siyang patulan" pakiusap ko kay Dean

Tumingin siya sa akin saka ako hinawakan nang mahigpit sa kamay

"Let's go na, baby" aya sakin ni Dean

Lalagpasan na sana namin si Niccolo nang bigla niyang hablutin si Dean at sapakin sa mukha. 

Natumba si Dean sa lakas nang pagkakasuntok sa kaniya ni Niccolo, na hindi niya agad naiwasan dahil inuna ako nitong proteksyunan.

"Dean! Niccolo, ano ba?!" sinubukan kong awatin sila ngunit mabilis na bumangon si Dean at agad na gumanti nang suntok kay Nicco. 

Halos magpalitan sila nang suntok.

At nang parehas silang matumba ay nagpapalit palit sila nang pwesto at halos magpagulong gulong na sa damuhan. 

Nang makakuha nang tyempo si Nicco ay agad siyang pumaibabaw kay Dean at akmang pabwelo na nang suntok. 

Hindi na ako nag dalawang isip pang pigilan sila, agad kong hinila si Niccolo sa buhok nito saka buong lakas na hinila paalis sa ibabaw ni Dean. 

Parehas silang natigilan dahil sa ginawa kong iyon. Si Dean, dahil sa pagkabigla sa ginawa ko at si Nicco, dahil sa sakit nang pagkakasabunot ko sa kaniya. 

"Hindi ba talaga kayo titigil dalawa?! Ang lalakas nang loob niyo, sa harap pa talaga nang puntod ni Mich kayo nag sabong! Ano na lang ang iisipin niya?" galit na galit na sermon ko sa dalawa

"Gumanti lang naman ako kasi muntik ka na niyang masaktan" sagot sa akin ni Dean sabay tingin kay Niccolo

"Napaka bobo mo talaga kahit kailan, Niccolo! Hindi mo man lang inisip na pwede mong matamaan si Jema" sagot ni Dean kay Nicco

"Hindi ko naman siya tatamaan! Ikaw lang, peste ka!" galit na rebat naman ni Nicco

pareho pa silang nakaupo ni Dean sa damuhan

"Manahimik na kayong dalawa! Ang sabi ko tumigil na, di ba?!" sermon ko sa kanila

Parehas naman silang biglang tumikom at yumuko na akala mo mga maaamong tupa. 

Tinulungan ko si Dean na bumangon at pinagpag ang mga dumi niya sa damit. Habang bakas naman ang lungkot sa mga mata ni Niccolo nang bumangon ito mag isa. 

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now