37. NEVERTHELESS

815 45 90
                                    

DEAN's POV

Nasa kasarapan ako nang aking tulog at patagilid na sana nang paghiga nang may maramdaman akong bagay na nakalagay sa aking noo.

Bahagya akong napadilat at nang makita ko ito ay isa pala itong bimpo.

Si Mom talaga

I placed it at the bedside table since natuyo na rin naman na ito. Saka ako umikot at tumagilid nang higa.

Akala ko okay na ko, pero mukhang masama pa rin ang pakiramdam ko, masama pa rin ang tama ko, dahil ang aga aga imahe niya ang aking nakikita

"Baby, miss na miss na talaga kita" sambit ko sa aking sarili at saka marahang hinawakan ang kaniyang pisngi

Biglang nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko siya.

Sinundot sundot ko pa ang pisngi niya at napakusot pa ako nang aking mata.

Hindi ako namamalikmata. T*nginaaaa

Bigla siyang gumalaw at dahan dahang dumilat

"Hmm... Good morning, baby" sambit niya

Sa sobrang gulat ko at hindi makapaniwala ay nalaglag ako sa higaan kakausog

"Aww!" sambit ko habang nakahawak sa aking balakang na tumama sa sahig

"Baby, okay ka lang? Ano ba kasi nangyari sa'yo?" sabi niya habang inaalalayan akong umupo sa higaan

Hindi agad ako nakapagsalita, hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya ngayon sa aking harapan.

Para lang akong tanga na nakatitig sa kaniya habang nagsasalita siya.

"Masama pa rin ba pakiramdam mo?" tanong niya sabay hawak sa aking noo, leeg at pisngi

"Okay na ba pakiramdam mo, Baby?" tanong niyang muli habang nakahawak pa rin sa magkabila kong pisngi

Mabagal lang akong tumango, pakiramdam ko nawawala yung dila ko nang mga sandaling ito.

Nang hindi pa rin ako sumasagot ay bigla niya akong hinalikan sa labi, mabilis lamang ito.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita?" malambing na tanong niya habang halos dumikit na ang kaniyang mukha sa akin

Bahagya naman akong napausog nang aking ulo

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, bigla naman siyang sumimangot na parang batang hindi nabigyan nang lollipop

"Yan talaga unang itatanong mo sakin?? Wala man lang bang Good morning baby, I love you" sabi niya sabay lapit uli sa akin, halos idikit niya na yung mukha niya sa aking mukha.

"G-good morning baby... I love you" sinserong sabi ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit

Sobrang miss na miss ko na din kasi siya.

Siniksik ko pa ang aking mukha sa kaniyang leeg, sobrang namiss ko itong amoy niyang ito.

Nagtagal kami sa ganung posisyon nang ilang minuto hanggang sa biglang kumalam na ang sikmura ko

Nadinig ko pa ang kaniyang pag tawa

"Halika na sa baba, mukhang gutom na gutom na ang baby ko" natatawang sabi niya

Nakangusong sumimangot lang ako dahil sa panunukso niya.

Hinila niya naman ako patungo sa aming kusina

Pinaupo niya lang ako sa upuan habang naghahanda siya nang kaniyang lulutuin, nang hindi ako mapakali ay niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran.

"Gutom na ba ang baby ko? Hintay na lang po ha" malambing niyang sambit

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now