30. HERE

829 42 16
                                    

DEAN's POV

Sa dinami rami nang pagkakataon, si Ms. Rachel pa ang nakasabay ko sa Elevator. 

We nodded and smiled at each other. 

She looks exhausted. 

Nang magbukas ang elevator ay sabay kaming lumabas.

"Ms. Rachel" tawag ko dito, huminto siya at lumingon sa akin.

"Coffee?" alok ko sa kaniya

Inaya ko siya nang Coffee sa Cafeteria dito sa Hospital. 



"Hmm... Ang bango. Salamat nga pala dito, Dean" aniya

"Naku, wala po iyon. Hindi ko na po kayo na-aya sa Cafe sa labas, mukha po kasing busy kayo, pero masarap naman din po ang kape dito" sagot ko sa kaniya

"Naku, kahit saan naman ay ayos lang sa akin. I'm a coffee lover, kaya hindi ako tatanggi kahit saan pa yan, basta kape" nakangiting sagot niya sa akin

"Bakit po pala kayo nandito? Tungkol po ba kay Sir Galanza? Kamusta na po siya?" tanong ko sa kaniya, ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita. 

"Naku, magtatampo yun sa'yo kapag nadinig niyang tinawag mo siyang Sir Galanza. Akala ko ba Tatay Jesse ang bilin niya sa'yo?" ani Ms. Rachel

"Ahehe, Tatay Jesse po pala" Nahihiyang napakamot batok na lang ako

"And to answer your questions, Hindi maganda ang lagay ni Sir Jess. Matigas kasi ang ulo nun, ayaw niya talagang magpa-Chemo, kung hindi ko lang napipilit hindi pa aattend nang sessions niya. Napapagalitan na nga rin kami nang mga Doctor dahil sa pagdecline niya sa pagpapagamot" kwento ni Ms. Rachel

Makwento siya, and that's good

"Bakit naman po?" tanong ko rito

Bahagyang natigilan si Ms. Rachel at tumingin sa akin nang diretso, bahagya siyang lumapit

"Nakikita kong malaki ang tiwala sa'yo ni Sir Jess. Kaya naman may sasabihin ako sa'yo, pero sana ay atin atin lang ito" seryosong sabi niya

Sasabihin niya na ba ang tunay na namamagitan sa kanila? Na Siya ang sumira nang pamilya nila Jema? 

Tumango ako sa kaniya

"Mula kasi nang malaman niyang may Cancer siya ay tila ba gumuho na ang kaniyang mundo. Nilayo niya ang kaniyang sarili sa lahat nang taong mahalaga sa kaniya. Bakit? Dahil ayaw niya daw maging pabigat sa kanila, di na baling kamuhian siya, kaysa makita niyang nahihirapan ang pamilya niyang tanggapin ang kaniyang sinapit" kwento ni Ms. Rachel na nagpakunot nang aking noo. 

"A-ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan ako

"Ang totoo kasi niyan, ako lang ang bukod tanging nakakaalam noon nang sakit niya, ako ang lihim na sumasama sa mga check ups niya. Hanggang sa isang araw nakita kami nang panganay niya na magkasama sa isang sasakyan sa isang mall after ko siya ihatid. 

Sumabit kasi yung hikaw ko sa seatbelt at tinulungan niya akong tanggalin ito. Aaminin ko, medyo awkward yung posisyon namin non, kaya naman nung natanggal niya na yung hikaw ko, pag ayos namin nang upo ay nakita naming nakatayo na yung panganay niya sa harap nang sasakyan. 

Pinigilan ako ni Sir Jess that time na bumaba nang sasakyan, siya lang mag isa ang nakipag usap sa kaniyang anak. Kahit hindi ko madinig nang maayos ang kanilang usapan ay kita ko sa mukha nang panganay niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sir Jess sa kaniya nang mga sandaling iyon. 

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now