62. WHY?

661 29 0
                                    

JEMA's POV

After akong dalhin ni Dean upang makita si Niccolo ay sobrang daming tanong na ang bumagabag sa akin. 

Bakit nangyari iyon kay Niccolo? Ano ba talagang ginawa niya sa akin? Bakit ako naaksidente? Kailan pa dumating si Dean sa buhay ko? Bakit parang ang dami niya na masyadong alam sa buhay ko? 

pero ang pinaka gumugulo ngayon sa akin ay bakit hinahanap ko siya?

Ilang araw na kasi ang nakakalipas nang huli kaming magkita, yun na rin kaya ang huling pagkakataon na makikita ko siya? Pero bakit naiinis ako? bakit hinahanap ko yung prisensya niya?

WHY am I being like this?

After nang ilang oras kong pagmumukmok sa kwarto ay tinawag ako ni Mafe upang bumaba dahil malapit na kaming magtanghalian

Hindi na kasi ako nagpapahatid nang pagkain sa kwarto para mas masanay akong ilakad itong paa ko. 

Paalis na sana siya nang kwarto ko nang...

"Mafe?" 

"Hmm?"

"Kwentuhan mo nga muna ako tungkol kay Dean" utos ko sa kaniya

Bigla naman siyang ngumiti nang mapang asar

"Stop it! It's not what you think it is, okay? Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga siya sa buhay ko" sagot ko rito

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Mafe saka ito naglakad palapit sa akin. Naupo ito sa gilid nang kama ko saka nag umpisang magkwento

Hindi man gaanong detalyado ang kwento ni Mafe ay sapat lamang ang naging kwento nito upang makilala ko kung sino ba talaga si Dean sa buhay ko, kung sino si Dean Wong. 

"Tama na ang tanong, okay na yung medyo may alam ka tungkol sa kaniya at sa kaunting kagagahang ginawa mo noon para lang mapaibig mo si Kuya Dean" ani Mafe kaya napairap naman ako rito

"Dati yon. Baka nga lumuwag lang ang turnilyo nang utak ko noon, at humigpit lang ngayon, dahil sa aksidente" sagot ko sa kaniya

"Sus! Kahit anong sabihin mo ate Jema, maluwag talaga yang turnilyo sa utak mo. Hala siya! Halika na, bago pa tayo tawagin ni Nanay. Malamang luto na yung pagkain sa dami mong tanong" aya sakin ni Mafe

Hindi na muna ako nagtanong uli sa kaniya, tama na siguro yung little details for now.

Habang pababa kami nang hagdan ay hindi ko maiwasang maalala uli yung kinuwento sa akin ni Mafe. 

Kung talagang may pagtingin kami ni Dean Wong sa isa't isa, bakit hindi siya nagpapakita sakin? 

Ano yun? Porket ba hindi ko siya maalala maghahanap na siya nang ibang babae? Aba! loko yun ah!

Hindi naman ata ako mahal talaga non eh?!

"Oh, bakit nakabusangot ka anak?" tanong sa akin ni Tatay pagkababa ko nang hagdan

Masyado ata akong clouded sa iniisip ko about that Dean Wong

"Baka gutom lang yan, halina kayo rito at kakain na tayo" aya samin ni Nanay

Bigla naman mapang asar na ngumiti sa akin si Mafe

"Mafe, wag ngayon. Wag mo ko simulan" sagot ko sa kaniya

"Wow! Sungit ah. Siguro dahil ilang araw na hindi nagpapakita dito si Kuya Dean kaya tinotopak ka na noh?" sambit ni Mafe

Agad naman akong umupo sa pwesto ko sa hapag kainan

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon