9. NEGOTIATE

793 37 7
                                    

JEMA's POV

"I'll help you... If you help me with Ced" 

Napangiti ako sa sinabi ni Tots

"Well, kaya ko namang mapalapit sa kaniya at kaya ko rin naman to make my move nang ako lang. But a little push won't hurt naman, di ba? Iba pa rin kasi kapag may kaibigan na tumutulak sa'yo sa taong nagugustuhan mo, tama ba ko?" wika ni Tots

"Oo naman. Napaka dali naman nang gusto mong mangyari" sagot ko rito

"Sa akin, madali. But I'm warning you, Jema... It won't be as easy kay Dean. Sa tingin ko hindi naman siya mahirap mapa-fall sa'yo. Pero Dean kasi has this past... I'm not in the right position to tell you this, basta ipangako mo saking hindi mo sasaktan yung kaibigan ko, then you'll have my hundred percent support." seryosong sambit ni Tots

Hindi ko akalaing may ganitong side pala ito. Akala ko kasi ay puro lang siya kalokohan. 

He's indeed protective of his friend. I can see that. 

After nang naging pag uusap namin ni Tots, nagpunta nang araw ring iyon si Ced sa condo ko. 

Wala daw kasi siyang matambayan kaya naki tambay muna. 

"Nagpaka busy na naman yung pinsan mo. Mukhang gusto atang maging tagapag mana" ani Ced sabay higa sa couch sa tabi ko.

"Can't blame her, alam naman nating umuusbong na yung family business nila. Might as well, paka-ingatan ito, right?" sagot ko sa kaniya at tumango naman ito

"Ced?" 

"Hmm?"

"Did you like Tots?" I guess she didn't expect me to asked that

"B-bakit mo naman natanong?" nauutal na tanong ni Ced, I can see she's not comfortable with my question

"Wala naman... bagay kayo" plain kong sagot, pero deep inside, nangingiti ako

"Talaga?" tanong ni Ced na may pigil na ngiti sa labi

Gotcha! Ang rupok mo talaga

"Oo naman noh" sagot ko sa kaniya

Hanggang sa hindi na mapigilan ni Ced na mapangiti

"Do you wanna know a secret?" nakangiting tanong ko sa kaniya at naintriga naman itong may pagka marites kong friend

"I like Dean" sagot ko na kinagulat niya, mabilis na nabura ang ngiti sa kaniyang labi

"Pineplaytime mo ko, sis?" mataray na tanong ni Ced 

"Hoy, nakakainsulto ha" sagot ko rito sabay irap

"Sino bang Dean yan? Baka mamaya iba pala tinutukoy mo" ani Ced

"Sis, ilang Dean ba kilala mo?" tanong ko sa kaniya

"Isa lang. Yung friend nila Tots, si Mr. Good guy. Yung itsura pa lang, amoy Johnson's Baby Powder na" ani Ced

Napairap tuloy ako, tama naman siya don pero baby ko yun ih.

"Hoy, wag mo nga puriin nang ganyan yung baby ko." sagot ko sa kanya sabay irap

"S-seryoso ka sis? Si Dean nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Ced kaya taas noo naman akong tumango.

Pero parang bigla siyang nag alinlangan

"Oh bakit??" tanong ko kay Ced

"Eh kasi Sis..." nagdadalawang isip pa tong si Ceddie kung sasabihin niya o hindi

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now