48. FOUNDATION

996 50 133
                                    

JEMA's POV

"Uhmm, A-ang sikip" sambit ni Dean

"Ohhh... Hmm... Ahhh, malapit na"  hindi ko mapigilang makalikha nang ingay.

You might be wondering ano bang ginagawa namin? and how did we end up in this situation?

Paano nga ba?

1day and 13hrs earlier...

Mula nang umalis si Dean, hanggang makauwi siya ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.

Kung paano siyang nagtapat nang pagtingin sa akin. Akala ko talaga matatapos na ang lahat sa amin. 

Sobrang ninamnam ko lahat nang mga sandali na nangyari ngayong araw lalo na kung paano ako hinalikan ni Dean kanina. 

Epal kasi itong si Maria Fe, kung hindi yon dumating, ipapasok ko na talaga si Dean sa sasakyan eh. 

Kakaisip ko kay Dean hindi ko na namalayang nakatulog na ako. 

Nagising na lamang ako sa yugyog sa akin ni Mafe

"Huyy! Ate! Gising na! Ang kulit, ayaw talaga bumangon" ani Mafe

"Hmm..." tanging tugon ko, antok pa kasi talaga ako

"Bumangon ka na dyan, kanina ka pa hinihintay ni Kuya Dean, may kasamang babae" ani Mafe

Nang madinig ko iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong bumangon ako sa aking higaan.

halos magkanda-dapa pa ako palabas nang kwarto

"Uy, te!" tawag sakin ni Mafe pero hindi ko na siya pinansin. 

Dali dali akong bumaba hanggang makita ko si Dean na nakaupo sa may sala namin katabi si Myla at si Tatay

"Oh, Jemalyn! Mukhang bagong gising ka pa ha?" nakangising sambit sa akin ni Myla sabay turo sa gilid nang labi ko

Mabilis naman akong napapunas nang bigla siyang tumawa nang malakas

Peste! Akala ko may tulo pa ako nang laway! Pinagtitripan na naman ako nang Myla-wet na to! Grr!

"Jessica anak, kumilos ka na nga muna doon, nadinig mo lang na andito si Dean, hindi ka na mapalagay. Bilisan mo  at wag mo na pag intayin itong mga bisita mo" ani Tatay na nakaupo sa tabi nila Dean

Kumunot naman ang noo ko, wala naman akong naaalalang may lakad kami ngayon

"Huy girl! kilos na, gising na si Carlos, baka pag dating natin don nakaka-tumbling na yon" ani Myla

Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga sinabi niya, nang mapalingon ako kay Dean ay ngumiti lang siya sa akin nang napaka tamis

"Ah eh, sige. Bibilisan ko, sandali lang" nagmamadali kong sambit at halos tumakbo na ako pabalik sa aking kwarto. 

Nang pumasok ako sa aking kwarto ay napadaan ako sa salamin

Nakita ko ang nakakahiya kong itsura. 

"Jusko po! Gulo gulo pa yung buhok kong humarap sa kanila, nakakahiya! Lupa kainin mo na koooo" sambit ko sa aking sarili

Gaya nang sinabi ko, binilisan ko na lang kumilos

Knowing Dean, I'm sure sobrang excited na yun makita si Tots.

Palapit pa lang kami sa kwarto nila ay dinig na namin ang ingay na sigurado akong galing kay Celine.

Pagbukas na pagbukas ni Myla nang pinto nang kwarto nila ay mabilis itong yumuko.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon