8. DATE

871 45 23
                                    

DEAN's POV

"Bye, guys!" pagpapaalam ni Jema sa amin

Babaliwin talaga ako nitong babaeng ito. 

"Bakit magkasama kayo, Dean? Anong ginawa ni Jema dito?" usisa sa akin ni Ponggay

"Nothing" sagot ko and looked at my wallet

Pero pagbukas ko ay nakita ko ang picture niya, tinignan ko kung andito rin yung Baby photo ko pero wala ito rito.

Hindi ito pwedeng mawala sakin, masyado yung importante sa akin

"E-excuse lang pongs ha" pagpapaalam ko kay Ponggay

Hindi ko na ito hinintay na sumagot at mabilis na sinundan si Jema.

I need to have that back. 

Napatigil ako nang makita ko si Jema from a distance na parang may tinataguan. Mababatid ko ang labis na lungkot sa kaniyang mga mata pati na rin ang mabilis na pagpunas nang kaniyang luha. 

Hindi ko man nakita ang taong kaniyang tinataguan ay hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang sakit na kaniyang nararamdaman. 

 I watch her leave the School premises. Hinayaan ko na lang muna sa kaniya yung photo na kinuha niya. 

I think safe naman sa kaniya yon. At I'm sure na hindi naman ito ang huling beses na magkikita kami. Seeing how persuasive she is.

After the encounter with Jema ay pumasok na rin ako sa aming classroom at doon hinintay ang aking mga kaibigan. 

As usual, the class went on. At nang matapos ay dumiretso na kami nang  Cafeteria, this time nauna kami kay Pongs 

Habang nag iintay ay hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Jema. 

Nahihiwagahan ako sa kaniya, Ano kayang istorya niya? Bakit ganun na lang ang naging reaksyon niya? At sino ang nakita niya para mapareact siya nang ganon?

"Uy! Dean! Kanina pa kita tinatawag diyan, lutang ka na naman" ani Tots

"Hah? Bakit? Ano ba yon?" tanong ko rito

"Ang sabi ko, bibili na kami nang makakain natin, habang wala pa si Pongs" sagot ni Tots

"Ikaw na mag order sakin, bahala ka na" sagot ko at binato na lang sa kaniya yung wallet ko pero si Bei ang nakasalo

He opened it at kukuha na sana nang cash nang may makita ito

"Why do you have a picture of her?" tanong ni Bei sabay pakita sakin nang picture ni Jema na nakalagay sa wallet ko

Mabilis namang nakisilip si Tots at nakita rin ito

Doon ko lang narealize na hindi ko pa nga pala natanggal yung picture na nilagay roon ni Jema 

Mabilis akong lumapit kay Bei at hinablot ang wallet ko. Dumukot ako nang cash at inabot ko sa kaniya

"Here. Buy me anything" tanging sagot ko

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag o lulusot sa kanila, kaya hindi ko na lang sinagot yung tanong ni Bei

They just looked at me nang makahulugan, pero umiwas na lang ako nang tingin sa kanila.

Bago pa man makapag salita si Tots ay dumating na si Pongs.

"Wassup mga fersons!" bungad ni Ponggay and slap their butts. Tapos niya na kasing paluin yung sakin kanina nung nagkita kami sa Open Field. 

"Ponggaaay!" galit na sambit ni Tots, hindi na rin kasi siya nakaiwas sa pagpalo ni Pongs

"Hi!" 

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now