Exodus 5: Undefined Sound

Začať od začiatku
                                    

"Ell!"

"Hi, anong ginagawa mo rin dito Mikaela?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ako makatulog sa kuwarto." Sagot niya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhmn, huwag mo na alamin baka 'di ka lang maniwala." Tatawa-tawa na turan ni Mikaela.

"Hindi naman siguro. Ano ba iyon?" Sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na biglang tumahimik si Mikaela at tumingin nang diretso sa may pool. Mukhang iniisip niya ang dahilan kung bakit siya hindi pa makatulog. Hanggang sa nagsalita na rin siya.

"I saw someone else inside our room." Seryosong turan bigla ni Mikaela sa akin. Napakunot naman ako ng aking noo sa sinabi niya.

"You saw someone else in your room? Who?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May...m...m...multo sa kuwarto namin." Nauutal niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. Medyo nagulat din ako. Hindi ko kasi inaasahan na 'yon ang kanyang sasabihin.

"Multo? Seriously?" Nagugulumihan kong tanong kay Mikaela.

"Oo, I saw it with my two naked eyes. May babaeng multo sa banyo namin. She doesn't have face except for her mouth that keeps on saying to me na tulungan ko daw siya." Tuloy-tuloy na pagsasalita ni Mikaela. Sumagi naman bigla sa aking isipan yung boses ng babae na naririnig ko sa kuwarto kanina na umiiyak.

Napansin naman ni Mikaela na bigla akong natulala habang nagsasalita siya.

"Ell, natulala ka ata?"

"May sasabihin din ako sa'yo Mikaella." Seryosong turan ko sa kanya.

"Ano 'yon Ell?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot kay Mikaella.

"Simula kasi nang dumating tayo rito sa Villa Exodus Resort may naririnig na akong boses ng babaeng umiiyak."

Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko pa nga ba ikuwento ito kay Mikaela. Baka matakot ko lang din siya. Pero nasimulan ko na.

Tikom naman ang bibig ni Mikaela. Tahimik lang siya na nakitingin sa akin ng diretso sa mga mata habang nakikinig.

"Naalala mo pa ba yung tinanong ko sa'yo nang dumating tayo rito? Nang nakapasok na tayo sa gate ng resort? Tinanong kita kung naririnig mo rin ba yung boses ng isang babae na sumisigaw at nagmamakaawa?" Pagpapatuloy ko sa aking sinasabi kay Mikaela.

"Oo, Ell naaalala ko 'yon. Sorry hindi ako nag sabi sa'yo ng totoo noong tinanong mo ako. Sabi ko wala akong narinig pero ang totoo may narinig talaga ako. Binalewala ko na lamang at ayokong takutin ang aking sarili ng oras na iyon." Turan sa akin ni Mikaela. Nagulat naman ako sa kanyang pag amin. Naulinigan din pala niya ang boses ng babae.

"Natatakot ka ba ngayon? Dito sa resort?" Tanong ko kay Mikaela.

"Oo." Matipid niyang sagot sa akin.

Kahit ako nahihintakutan na rin sa resort na ito. Parang may tinatagong lihim o misteryo ang Villa Exodus Resort na ito. Bukas aalis na rin naman na kami kaya konting tiis na lang sa weirdong resort na ito at makakaeskapo na rin kami dito. Maghahanap pa nga pa pala kami ng mekaniko. Kung bakit kasi na flat pa yung mga gulong ng sasakyan namin lahat.

"Nawawala rAw si Zoey. Bumalik na ba siya sa kuwarto ninyo?" Tanong ko kay Mikaela.

"Hindi pa eh. Medyo nag aalala na nga yung best friend niyang si Penelope." Sagot ni Mikaela. Tumango naman ako sa kanyang turan. Nang biglang may ibang bagay na sumagi sa aking isipan.

Exodus (Completed)Where stories live. Discover now