Pumasok na ako sa loob at hindi na siya hinintay na umalis nang tuluyan. Pumasok ako sa kwarto saka kinuha ang mga picture na nasa wall ng kwarto ko. Inimis ko ang lahat ng nakalagay doon hanggang sa wala nang nakadikit.
Kinuha ko ang mga bagong print na picture atsaka dinikit doon sa paraan na maaari silang maikonekta sa isa't isa.
Ang family picture ng mga Baccay ang nakalagay sa gitnang bahagi. Nakakonekta ito sa mga taong buhay na may koneksyon sa Vanus Case. Ang picture ni Chief na naroon rin sa Vanus ay nakakonekta kina Ryker at sa team nito. Idinikit ko rin doon ang mga litrato ng mga pagkikita at pag-uusap nila sa mga Baccay nitong mga nakaraang linggo, lalo na si Chief.
Sa tabi ng picture ni Ryker ay ang bago nitong teammate, si Tan. Sa gitna ng pulang yarn na nagkokonekta sa dito at sa mga Baccay ay ang isang question mark. Their connection is still unknown for me pero dahil sa pagkikita nila ng isang beses ay naging kahinahinala ito.
Ang sumunod na nakakonekta sa mga Baccay ay ang panibagong kaso ni Alejandro, ang hit-and-run. Idinikit ko doon ang litrato ng biktima na si Reyn Angelita Arkanghel at ang pamilya nito. Idinikit ko rin ang kapirasong findings ng unang diagnosis ng doktor dito na ang mga sugat umano ay isang uri ng abusive wound.
Pinuntahan ko kanina ang pamilya ng biktima ngunit ang tanging sinabi lang nila ang pagnanais na gumaling ang biktima. Bukod doon ay wala na silang sinabi tungkol sa kaso.
Mas lalong lumakas ang kutob ko na may koneksyon ang dalawang kaso dahil sa pagkakatulad ng mga biktima. Parehas silang nagtatrabaho sa mga Baccay. Ang kaibahan lang ay naireport agad ang kaso ni Kia at na conclude na murder habang ang kay Reyn ay hit-and-run.
Ang isa pang pagkakatulad nila ay ang mga sugat nila sa katawan. Hindi man sa parehong parte, ang intensyon na saktan sila at pahirapan ay naroon pa rin. Ganoon din ang natamo ng mga biktima ng Vanus Case.
They were abused.
Ang iba sa mga biktima noon ay ginahasa daw dahil sa mga marks sa pribadong parte ng katawan nila.
I need more information.
****
"Narinig mo na, girl?"
I was on my way out of the men's restroom nang makarinig ng boses galing sa labas.
"I told you." sagot ng isa pang babae. "Iuurong din nila yon kasi nga hindi totoo."
Napakunot ang noo ko. Hindi totoo?
"Malay ko bang si Reyn pala ang naghahabol kay sir," sagot ng babaeng naunang magsalita kanina.
Naalerto ako nang biglang makarinig ng tunog ng heels. Unti-unti itong humihina kaya napagtanto kong paalis ba ang dalawa. Agad akong lumabas ng restroom at pasimple silang sinundan sa elevator.
Nandito ako sa kompaniya ng mga Baccay. I was going to interview some of the victim's co-workers, but I guess this way of gathering information is more convenient for me. Eavesdropping.
Nagkunwari akong walang pakielam sa dalawang babaeng tuloy tuloy ang pag-uusap sa harap ko. They were wearing their red uniform. Sa business suite sila?
Ang isa ay nakasuot ng scarf na pula na may gold na lining sa leeg habang ang isa naman ay nasa palapulsuhan nakatali ang scarf.
"Nagpunta daw sila sa Villa nila sir, tapos ayun!" anang babaeng nasa leeg ang scarf.
Villa?
Bahagya itong tumagilid kaya nakita ko ang name plate nito.
"Anne" walang tunog na sambit ko.
"Natikman lang ng isang beses, dun na daw nanatili!!" dagdag pa nito.
The other girl named Tine heaved a dreamy sigh before replying.
"Kahit ako naman no," anito. "Kung ganon kagwapo at kayaman ang malalapitan mo gamit ang ganda lang, naku naku!! Talagang magpapabalik-balik ako!"
Napairap ako sa tinuran niya. Nasayang ang ganda ni Reyn dahil sa insidente kung totoo ngang siya ang lumapit kay Alejandro.
"Matinik talaga sa babae si sir!" si Anne. "Talagang nawawala sa sarili ang mga nagkakagusto sa kaniya!"
Nawawala sa sarili?
"Tingnan mo si Cassy, napunta sa asylum dahil sa pagiging ilusyonada."
"Oo nga no!" pagsang-ayon ni Tine. "Pati si Reyn, bago maglaho at biglang magpakita, talagang inireklamo pa si sir na nang harass! Eh kita naman sa picture na siya yung lumapit."
Elevator lang, pero ang dami ko nang nalaman. Nang makababa ang dalawa ay pinindot ko na ulit iyon para makababa ng basement kung nasaan ang sasakyan ko.
"Nawala sa sarili..." bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa driver's seat. "Cassy?"
Kinuha ko ang cellphone ko para makita ang listahan ng mga nakatrabaho ni Reyn pati ni Kia.
"Cassy..."
Tumigil ang daliri ko nang makakita ng "Cassy" sa mga nakasalamuha ng dalawa.
Cassy Salvacion. 29 years old. Parehas nila itong kaibigan. Una itong makapasok sa kompanya kesa sa dalawa at napromote agad. Missing?
There is more to this case. Sigurado ako doon. Si Kia ay patay na, si Reyn ay comatose, si Cassy ay nawawala at dinala umano sa asylum.
What is going on? What did I miss?
ESTÁS LEYENDO
Linked
Misterio / SuspensoA crime scene without a body, a hopeless case that turned Luke Ezekiel Morris' interest. How will he face these cases when it is linked to his hidden dark past? Will he run like a coward, or will he put an end with it? No matter what, no matter how...
Connection
Comenzar desde el principio
